Derrick's POV "Babe, please kalma!" Ang sabi ko kay Farah habang nagtatanggal ako ng seatbelt. Ang sama ba naman tumingin sa akin ni babe ngayon pero siyempre hindi ko siya tatantanan. "Lika na babe, baba na tayo, gusto mo buhat- ouch!" Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay sinampal na ni babe ang bibig ko. Sakit nu'n ha, grabe talaga si babe, sabi ko kalma eh, ang tindi talaga umatake pero like ko yan, ganyan kaya siya sa kama?! Padabog siya lumabas sa kotse, nahulog pa ang sling bag niya at nahulog ang ibang laman, tutulungan ko pa sana kaso ang bilis kumilos ni babe, naibalik na niya agad sa loob ang mga nahulog tapos ay agad ako'ng tinalikuran at naglakad na parang hindi kami magkasama. Ayos din 'to si babe ah, galit na naman. Susunod na ko ng lakad ng may mapansin ako