Farah Hindi ko na alam kung ano'ng nangyayari hanggang sa napansin ko na tumitig si Derrick sa aking mga labi at dahan dahan niya'ng inilalapit ang mukha niya sa mukha ko. Parang hindi naman ako makagalaw, alam ko kung ano ang gagawin niya pero hindi ako kumontra hanggang sa naramdaman ko na lamang ang labi niya sa labi ko ng biglang may Thud thud thud........ May kumakatok sa pintuan kaya agad ko siya'ng itinulak para makatayo ako. "Farah Mae, nandiyan ka na ba?" Thud thud thud........ Hala si mama 'yon! Itinulak ko si Derrick at agad akong tumayo pero bago ang lahat ay pinunasan ko muna ang aking face na puro icing na ngayon kagagawan ng malanding lalaking ito, at para makaganti ay ginamit ko lang naman na pamamunas ay ang mismong suot na t-shirt niya. "Babe naman eh, akala ko