Derrick's POV Hindi ko mapigilan hindi mapangiti sa ginagawa niyang panenermon sa akin. Siya na talaga, okay lang siguro kahit hindi na ko suportahan ng family ko, mabubuhay naman siguro kami ni babe. Talagang madiskarte talaga pagdating sa pera, at tuturuan daw niya ko sa mga online jobs na ginagawa niya para magka-income ako. Wala na finish na, siya na talaga ang babaeng para sa akin. Paano ba naman ako hindi mai-in love sa kanya niyan. Galit galit pa kunwari pero halata naman na concern siya sa akin. Sa ngayon wala talaga ako'ng plano or hindi ko alam kung ano'ng mangyayari sa buhay ko, pero sa ngayon pa lang alam ko'ng makaka-survive naman ako with or without help galing sa parents ko lalo na ngayon handa pala ako tulungan ng babe ko. Kaya wala ng patumpik-tumpik pa niyaya ko n