Farah Pinagmamasdan ko ang mukha ni Derrick na pangisi-ngisi. Ano na naman kaya'ng kalokohan ang iniisip ng lalaking 'to? "Ano'ng ngini-ngiti mo diyan, baliw ka?" Ang sita ko sa kanya. "Dahil hindi lang isang event ang pupuntahan natin sa araw na yan at nakakatuwa lang dahil need ko din ng ka-date sa susunod na party na pupuntahan natin after ng kasal na yan." Ang naka-smile pa din niya'ng sabi. "Oh eh ano ngayon? 'Di maghanap ka ng ka-date!" Ang sagot ko sa kanya ng pabalang at nakakairita ang pagmumukha niya na ngayon ay naka-ngiti pa din. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko NATIN, it means ikaw ang ka-date ko!" At may pagturo pa siya sa akin. Wow, nag-desisyon na siya agad na ako ang kasama niya! Kailangan ko maka-isip ng alibi dahil seryoso ba talaga siya na may isang party pa