Farah's POV Kalma self, kalma. Hindi ko na nakikilala ang sarili ko, parang hindi ako 'to. Kinuha ko muli ang cellphone ni Derrick. Nag-closed na ulit ito, kaya sinuwipe ko na naman para muling buksan. Pupunta na sana ako sa messages pero naisip ko, kalkalin ko kaya muna kung ano ba ang laman ng cellphone niya. Una ko'ng tinignan ang mga app niya, wala naman mga social media lang tsaka mga games, isinunod ko naman ang gallery niya. And what?! Puro mga picture ng meme. ----- Feel my sweater. You know what is made of? Boyfriend material I threw out all my meds. You're all I need to make me happy. ----- Ang ko-corny lang ah, so dito pala galing 'yung mga the moves niya sa akin, 'yung iba dito parang nagamit na niya sa akin. Nagbasa pa ko ng iba. ----- You stole my heart but I