Farah's POV Ang kapal ng mukha niya na harangan ang dadaanan ko at para sabihin na hindi pwede ang ginagawa ko. Sino ba siya? Wife daw niya ko? Ano'ng pinagsasabi niya? Hangga't walang ebidensiya ay hinding hindi ko matatanggap na asawa ko siya. So bumalik pala kami dito sa hotel na pagmamay-ari ng pamilya nila. Nakakapagtaka naman, ang sabi niya ay gusto ng parents niya maging independent siya eh bakit bigla bigla ay nasa isang suite na kami, pwede naman pala siya mag-stay dito taliwas sa sinasabi niya na kaya do'n siya sa apartment building nakatira. Ang gulo talaga ng mokong na 'yon. Pinagloloko lang ata talaga ako eh. Agad naman ako nakasakay ng elevator at ng palabas na ako ay fùck! Nakasalubong ko lang naman ang pinsan ko'ng si Nelly at ang kanyang asawa na si James. Nakita