Farah Naka-survive naman ako sa biglaang dinner ng kamag-anakan namin plus nakapagtimpi naman ako kahit papaano kahit inis na inis ako sa dalawang lalaking katabi ko, mga ayaw kumalma, katabi ko na nga parehas. Nasa may labas na kami ng resto at nagpapaalaman na, sabi ni Tita Elsa ay sila na daw ang maghahatid kay mama, pwede na daw kami mauna ni Derrick at pasimple pa'ng kumindat sa akin. Ang kulit talaga nito ni tita, lakas mang-asar, parang mas masaya pa siya sa pekeng love life ko kaysa sa anak niya'ng ikakasal kung sa bagay close kasi kami niyan eh at minsan na nga lang din kasi ako magpakita sa pamilya kapag ganito na lang kapag may mga okasyon na magaganap. Pasimple pa'ng humapyaw ng payo si mama sa amin ni Derrick. "Kayo'ng dalawa, alam niyo na kung ano ang tama o mali, malala