Farah's POV "You should start performing your duties as my wife." He said while placing his hand on his chin. Nagpantig ang dalawang tenga ko sa sinabi niya. Alam ko'ng mapang-asar at maloko talaga siya at sinasadya niya talaga na inisin ako. Nagsalubong ang dalawang kilay ko at matalim ko siyang tinignan bago ko siya sagutin sa sinabi niya. "Hoy, ano'ng sinasabi mong perform perform duties, manahimik ka, ang dami mong alam, ito ang pakatandaan mo kahit anong mangyari hinding hindi ako susunod sa'yo." Ang kapal naman ng mukha niya para manduhan ako kahit pa mapatunayan 'yang sinasabi niyang kasal kasal na yan ay never naman akong papa-under sa kanya. "Oh sige sige na sabi mo tara kumain na tayo." Ang yaya niya sa'kin sabay hawak at hila niya sa kamay ko. Grabe wala talaga akong mas