Derrick's POV After ko'ng maka-recover dahil sa ginawa niyang pananakit sa akin ay tumayo na ako at lumabas na ng room. Nagmadali na kong lumabas para sundan siya dahil kailangan ko siyang mahabol. Kailangan kong malaman ang plano niya. Napakautak pa naman ng babae na 'yon, mahirap na baka maisahan ako. Naisagawa ko na ang step 1 sa plano, at kagaya ng ipinangako ni Ate Denise siya na ang bahala sa next step kaso pano naman 'yon maisasagawa kung matatakasan ako ni Farah Babe. Wala na siya, malamang nakasakay na ng elevator kaya nagmadali na ko, sana maabutan ko pa siya sa baba. At pagbukas nga ng elevator ay agad ko siyang nakita and tignan mo nga naman ang pagkakataon. Naabutan ko pa siya ay ngayon nga ay kausap niya ang kanyang pinsan na bagong kasal. Good decision pala ang gin