Derrick's POV Wala ako'ng masabi. Napaka-utak talaga ng babaeng ito. Mukhang mabubulilyaso ang plano ko, hindi nga niya nahanap ang susi pero ngayon ay kinakatok naman niya ang pintuan ng landlady namin para manghiram ng spare key. Kapag sinuswerte ka nga naman. Nagkataon na wala ngayon ang landlady namin at hindi alam ng katiwala niya kung saan nakalagay ang mga spare key dahil mahigpit daw ito at ayaw ng may ibang nangingielam. Talagang pumapanig sa akin ang pagkakataon. Kaso naisip ko, mautak nga pala siya? Ano kaya magiging plano niya? Hindi ko siya pwedeng asarin ngayon at baka hindi matuloy ang plano ko. Nang paglingon niya sa akin ay hindi ko inasahan ang sinabi niya na kung pwede daw ba makitulog. Ayos, pabor na pabor sa akin ang pagkakataon. Hindi ko na kinailangan alu