Farah's POV Habang kumakain kami ay kinukwentuhan niya ko ng mga nangyari sa kanya sa office nila kanina. Hindi naman ako makapaniwala sa mga sinasabi niya, hindi ko kasi ma-imagine si Derrick bilang CEO. Si Derrick bilang boss ng isang malaking kumpanya? Eh inuutus-utusan ko lang siya eh tapos ngayon meron ng naka-atang na malaking responsibility sa kanya, dahil hindi naman kasi basta basta ang kumpanya na pagmamay-ari ng pamilya nila. Based du'n sa nakalap ko'ng information nung binackground check ko siya. Isa lang 'yung De Grande B Vista Hotel sa properties na pagmamay-ari nila. Bukod sa hotel ay may mga resort, condo's, and other real estate business ang business na mina-manage nila. "Congrats, babe." Ang sabi ko sa kanya bago ko isinubo ang kutsara na may lamang pagkain. "How