Farah's POV Wala akong choice kung hindi ang maiwan dito, at pinanood lang si Derrick na lumabas ng apartment ko. Well, good news naman dahil pinagluto niya ko ng breakfast bago siya umalis. Bigla naman tumunog ang aking cellphone. Fùck! Hinanap ko pa kung nasaan, tignan mo pati cellphone ko ay hindi ko na malaman kung saan ko nailagay dala ng kalutangan na nangyayari sa life ko ngayon. Tumayo ako at hinanap kung nasaan, at nandoon pala sa may sofa. Agad ko naman dinampot, para i-check. Well, bad news dahil reminder pala 'yong nasa cellphone ko na dapat ko siyang singilin about sa mga birth control pills na binili ko. Ahh, hindi pwede 'to. Tama na ang lutang moments. Hindi pa naman siguro siya nakaalis, need talaga namin mag-usap kaya lumabas na din ako ng unit ko para naman pumu