Farah
Kahit inis na inis ako ay wala naman ako'ng nagawa kung hindi gamitin ang maling napkin na nabili ni Derrick.
Nakakainis talaga!
Pumasok ako sa aking kwarto para ayusin ang aking sarili.
Nakapaglagay na ko ng napkin at nakapagsuot na ng pants, pero hindi talaga ako kumportable sa non-wing na binili ni Derrick.
Pakiramdam ko kasi ay naaalis sa pwesto dahil siguro sanay ako sa napkin na may wings.
Badtrip ka talaga Derrick, dahil sa mali ang binili niya need ko pa tuloy lumabas para bumili.
Lumabas na ko ng kwarto at nakita ko na naman ang mukha ng mokong na 'to na prenteng naka-upo sa sofa at nanonood ng TV.
Masyado na siya'ng feel at home sa loob ng apartment ko.
Naiinis ako sa nakikita ko kaya agad ako'ng lumapit sa kanya at talagang tumapat ako sa harapan niya ng nakapamewang para maharangan kung ano man ang pinapanood niya pero imbes na mainis ay ngumisi pa ito sa akin.
"Nice view, babe. Wala ka ba'ng pa-reward sa'kin," ang inginuso pa niya ang kanyang lips at pumikit.
Hahaha, hindi nakakatawa kung nag-jojoke ba siya.
He's so stupid!
Tinapik ko ang noo niya kaya napadilat siya at inagaw ko ang remote sa kamay niya.
"Babe naman parang nagre-relax lang yung babe mo, napagod ako sa utos mo eh!" ang reklamo niya sa akin.
"Hindi ka pwede'ng mag-relax dahil palpak naman yung binili mo, sumama ka sa akin ngayon din at ituturo ko sa'yo kung ano ang tama at dapat na binili mo!" Ang nanggigil ko'ng sabi sa kanya.
Tumayo siya at ngayon ay magkaharapan na kami.
Hinawi niya ang aking buhok at inipit sa likod ng aking tenga.
"Pwede mo naman sabihin ng maayos babe, no need mag-sungit, gusto mo lang pala magpasama," ang sabi niya with todo smiling face pa.
Akala naman niya maaakit ako sa pambobola niya.
Tumalikod ako sa kanya at pinindot ko na ang red button sa remote para i-closed ang TV.
Inilapag ko na ang remote sa may coffee table at naglakad na ko sa may pintuan, kinuha ko ang sling bag at susi na nakasabit lang sa may likod nito.
Nakasunod naman sa akin si Derrick.
Buti naman, huwag na niya na ko patawagin at namumuro na siya sa akin.
Nasa may likuran ko lang siya habang ini-la-locked ko ang pintuan hanggang sa pagbaba ng hagdan.
Nang makababa na kami ay pumantay na siya ng tabi sa akin habang naglalakad at akmang hahawakan niya ang kamay ko pero agad ko 'yon nahawi at pinalo.
"Aray naman babe, parang hawak lang."
"Tumigil ka!" Ang suway ko sa kanya habang papasok kami sa mini grocery.
Nasa tapat na kami ng shelf kung saan nakalagay ang mga sanitary pad, pero wala yung brand na lagi ko'ng ginagamit.
Putik na yan, iba na nga lang brand, kumuha ako ng tig-isa. Yung isa Non-Wing at yung isa may nakalagay na Wing, pinagtabi ko 'yun at pinakita ko sa kanya.
"Ito oh, makikita mo naman sa packaging may nakalagay na non-wing at wing pero yung binili mo sa akin ay nakalagay ay non-wing, halatang hindi ka nagbasa."
"Eh hindi ba pare-pareho lang naman yan bakit ba yung may wings pa ang gusto mo?"
"Dahil yung may wings," itinuro ko pa sa kanya ang picture sa packaging, yung napkin na may wings sa magkabilang side.
"Kita mo yan, nafo-fold yan sa magkabilang gilid ng underwear para pandikit, para hindi maalis sa pwesto ang pad at para hindi tumagos kaya gusto ko ito'ng may wings, naintindihan mo ba?"
Napapakamot naman si Derrick sa kanyang batok dahil sa mga pinagsasabi ko ng ma-realized ko bakit pa ba ako nag-e-explain sa kanya eh hindi rin naman siya makaka-relate dahil lalaki siya. Ano ba'ng pinaglalaban ko dito? Ah yung mali ang binili niya pero anyway nangyari na so wala ng magagawa, hindi ko naman pwede ipabalik sa kanya at need ko na talaga.
Ibinalik ko ang sanitary pad na non-wing habang ang isa na may wings ay bitbit ko na at naglakad na ko papunta sa checkout counter para magbayad.
Nakasunod lang sa akin si Derrick ng biglang nagsalita ang cashier.
"Ay bumalik siya, mali ba nabili mo kuya?" Ang sabi ng mukhang ewan na maharot na cashier na todo smile pa.
Gusto ko sana siya simangutan kaso ng tumingin siya sa akin ay todo ngiti din siya so wala na ko'ng nagawa kung hindi ngumiti na din ng peke.
Sabay kami lumabas ni Derrick, parang gusto ko muna mag-night walk at ang ganda ng buwan full moon at para ma-exercise na din.
"Pwede ka ng umakyat, maglalakad-lakad muna ako, good night and salamat sa pagsama, ang laking tulong mo sa buhay ko," ang sarkastiko ko'ng sabi sa kanya.
"Ah ayaw, sama ako, gusto ko din maglakad lakad!" Ang sagot naman ni Derrick.
Iniinis na naman ako ng mokong na 'to kaya binilisan ko ang lakad, yung lakad na mabilis yung tipong konti na lang ay para na ako'ng natakbo,
"Babe!"
Ang rinig ko'ng tawag ni Derrick sa likuran ko ng makita ko sa hindi sa kalayuan kung sino ang makakasalubong ko like what the fùck!
Nakita ko si Dom na may kasamang babae at magka-holding hands pa sila.
Busy sila sa paglalandian ng babae kaya sure ako na hindi pa niya ko nakikita.
Nahabol naman ako ni Derrick at ngayon nga ay katabi ko na.
"Bakit ang bilis mo maglakad, halos patakbo na yung ginawa mo babe, gusto mo ba maglaro ng habulan, game ako diyan basta kapag nahuli kita alam mo na mangyayari!"
Hindi ko pinansin ang joke niya at nakatingin pa din ako sa parating na mag-jowa or whatever baka isa na naman sa babae na uutuin niya.
Gusto ko sana'ng tumalikod at bumalik na pero nag-angat na ng tingin si Dom at sure ako na nakita niya ko.
Huh, hindi ako pinanganak para maging bitter at umatras kung masaya siya dapat kunwari masaya din ako kaya may naisip ako.
"Basta sakyan mo lang kung ano'ng gagawin ko," Ang utos ko kay Derrick.
"Huh?!" Ang tanging tugon ni Derrick sa sinabi ko.
Kinuha ko ang kamay niya at pinagsaklop ko ang mga kamay namin habang naglalakad ng mabagal.