Farah's POV Hindi ko alam, pero parang nag-iba ang mood niya, parang naasar ba siya or what? "Galit ka?" Ang tanong ko pa sa kanya. "No." No daw pero nakasimangot, at ang bilis ng lakad ah. "Derrick, dahan dahan naman, kita mo'ng naka-heels ako eh!" Ang pagpapaalala ko sa kanya. Hindi niya ko sinagot pero binagalan niya ang lakad. May topak ata talaga?! Sumakay kami ng elevator hanggang sa makababa at makalabas kami. Sa baba gaganapin ang event, 'yon ata yung pinakamalaking venue room sa hotel na ito. Nakita ko na may pila kung saan ini-i-scan ng mga attendees ang kanilang mga cellphone sa tablet na hawak ng mga event officer pero nakakapagtaka lang na dire-diretcho lang kami ni Derrick. May tinanguan lang siya na isang security at nakapasok na kami agad ng hindi kinakailangan