Derrick's POV "Fùcking shìt!" Ang daing ko habang nakayuko at nakahawak ako sa aking sikmura pagkatapos ako'ng undayan ng suntok ng Papa ni Farah Babe. Bumaba pa kami ng apartment building, at need daw nila ako kausapin ng masinsinan. Kita ko naman si Dad na pangisi-ngisi lang sa may gilid. "Minumura mo ba ko?" Ang tanong pa ng Papa ni babe. "No, Sir!" Ang sagot ko naman. Kita ko naman na tumingin pa ang Papa ni Farah Babe sa Daddy ko. Tumango naman ang Daddy ko na tila binibigyan ng permiso ang Papa ni babe na muli ako'ng suntukin. At sa pangalawang pagkakataon ay inundayan na naman ako ng suntok ng papa ni babe sa aking tiyan, na tinanggap ko naman. I can't believe this, pinagtutulungan ako ng Papa ni Farah Babe at ng Daddy ko. Pero deserve ko 'to lalo na siguro kung malaman n