Farah What a fùcking small world at dito pa talaga siya sa tabi ko pupwesto ng upo. Isa-isa ng nilapag ang mga pagkain at ng matapos ay nag-lead ng prayer si Tita Brenda para sa i-bless ang food bago kami magsimulang kumain. Tahimik muna sa umpisa dahil kanya-kanyang kuha ng food at hindi naman masyado halata na mga gutom na. Share-share ang set-up ng foods, hindi ko na mabilang kung ilan ang ulam basta madami yung kanin naman ay dalawa na nakalagay sa malaking bowl. Kukunin ko na sana ang kanin sa may side namin pero halos magkasabay kami ni Dom kaya agad ako'ng nag-give way at ang sabi ko mauna na siya at ang walang hiya nauna nga kumuha ng kanin, wala na talagang gentleman sa mundo. Pagkatapos niya'ng makakuha ay iniabot niya sa akin ang lagayan ng kanin pero imbes na magsandok ak