Farah's POV Bukas na ang nalalapit na kasal ng pinsan ko'ng si Nelly at hanggang ngayon ay wala pa din paramdaman si Derrick. Lalo tuloy ako nainis, iniisip ko kung tuloy pa ba ang deal namin. Bwiset talaga ang lalaking 'yon, pinapa-over think ako. Dalawang araw na ang nakalipas mula ng nag-away kami. Parang hindi na ako sanay na walang nangungulit sa akin. Nagluluto ako ngayon ng tinolang manok at biglang sumagi sa isipan ko kung kumain na kaya siya? Fùck! Ano ba'ng iniisip ko? Dapat wala ako'ng pakielam sa kanya dahil may atraso pa siya sa akin. Ang dapat na isipin ko ay kung tuloy pa ba ang deal namin, dahil panigurado katakot-takot na tanong at pagpapaliwanag ang gagawin ko sa pamilya ko kung hindi ko siya maisasama sa wedding ng pinsan ko. Hanggang sa natapos na ako magluto a