Farah Nakaakyat na ko sa hagdan at nasa tapat na ako ng aking pintuan ng maisipan ko'ng tumalikod para lingunin ang pinto ng unit niya. Parang sa mga oras na 'to ay nangingibabaw ang kunsensya ko na gusto ko siya katukin para mag-sorry. Lalapit na sana ako sa pintuan niya para sana kumatok ng bigla naman nag-vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko 'yon sa bag para tignan. Si mama natawag na naman. Napapailing na lamang ako, hindi ko muna sinagot ang tawag at binuksan ko muna ang pintuan ko at pumasok muna sa loob bago ko sagutin ang tawag. Me: Hello Ma. Mama: May boyfriend ka na pala? Nagulat naman ako sa pangbungad na salita ni mama. Bahagya ako'ng natawa sa isip ko. Patunay lang na talagang mas tsismoso ang mga lalaki kaysa sa babae, malamang naikwento na agad ni Dom sa friend