Farah's POV Sa wakas at pauwi na kami. Grabe busog na busog ako ah, si Ava kasi sa'kin pa talaga pinaubos 'yong carbonara eh pero kinain ko din naman at gutom ako, pero mukhang napasobra naman dahil medyo humapdi ang tummy ko. "Ava do'n na mo na lang ako sa may pharmacy ibaba, tapos bahala na ko umuwi, para makadiretcho na kayo." Ang request ko sa kanya at naka-ilang vibrate na ito'ng cellphone ko dahil sa reminder na need ko na talaga bumili ng Plan B pill. "Tamang tama need ko din bumili ng vitamins." Talaga ba Ava? Sa isip isip ko lang. "Bakit hindi ka pa ba nakabili? Sumbong kita kay fafa Ben." Ang pabiro ko'ng sabi sa kanya. "Nakabili na ko ng ilang piraso before, try lang kung hiyang at wala naman side effect kaya bibili na ko ng marami." Talaga naman oh, pano ako makakabili