Farah's POV Ikinuwento nga sa akin ni Derrick mula umpisa kung papaano siya napapunta dito sa apartment building. So talagang maloko pala talaga siya, patulan ba naman ang anak ng secretary ng Dad niya. Ikinuwento niya din sa akin 'yung naging usapan nila ng Ate Denise niya sa party, kaya pala paglabas ko ng ladies room eh wala na siya, yun pala ay pinagpaplanuhan na pala nilang magkapatid ang buhay ko. Ate Denise suggested that he should get married para mabilis nilang ma-convinced ang Dad nila na magiging responsible na siya at nakakita siya ng pagkakataon na gawin agad ang plano nung makita niya daw na may pa promo na free wedding event sa bar. Inamin niya din 'yung tungkol sa pakikipag kutsabahan niya kay Jim para lasingin ako ng husto at ma-convince ako na mag-participate sa pak