Farah's POV Hiyang-hiya talaga ako sa ayos ng itsura ko ngayon pero wala ako'ng magawa dahil ito ang ibinigay na dress na dapat suotin. Pagkadating palang namin dito sa rooftop ay agad kami pinapila ng wedding organizer, at ready na para mag-martsa. Grabe yan, agad agad talaga, hindi man lang ako naka-upo saglit. Hindi naman ako ang ikakasal pero abot-abot ang kaba ko, siguro dahil sa itsura ko ngayon plus naka-heels pa. Nagsimula na ang pag-martsa ng mga abay, hanggang sa ako na ang susunod na maglalakad. Kabado man ay dahan-dahan ako'ng naglakad, bitbit ang pumpon ng bulaklak. Natatakot talaga ako na matapilok kaya talagang binagalan ko ng konti ang lakad hanggang sa wakas ay nakapunta na din sa harap at luminya na ako kung saan naka-pwesto ang iba pa'ng bridesmaid na kasama ko.