Chapter Ten KYLA SOBRANG kinikilig lang ako sa pagkanta niya. Hindi ko alam pero naapektuhan talaga ako sa mensahe niya. Hindi ko naman talaga maitatanggi ang lahat ng iyon dahil wala na akong guts magpaka-strong sa mga sandaling iyon. Maging ang mga kumare ko ay hindi rin makapaniwala sa mga nagaganap. Hindi nila ine-expect na darating sa puntong may aakyat sa akin ng ligaw. “Mabuti at nagawa mong ligawan at mapalapit diyan sa barkada naming iyan?” narinig kong tanong ni Baste kay Caloy habang sila ay nagkukwentuhan. Alas nuwebe na ng gabi at nasa labas pa rin kami. Alas diyes naman ang curfew kaya pwede pa silang magkwentuhan. “Bakit tol, wala pa bang nanliligaw at lumalapit sa kanya?” pagtatakang tanong ni Caloy na ngayon ay tila ba isa na sa mga Tambay Pogi. “Wala kasing sumusu