BB:1

990 Words
"I heard ngayon na ang uwi ni Kendrick." Ani ng babaeng may katandaan subalit nagsusumigaw ang kapangyarihan at ka sopistikadahan nito. "I know mom. You know me hindi ako nagpapahuli sa balita." Nakangiting ani ng anak niya. "Anak hindi naman sa pinipigilan ko ang kaligayahan mo ang sa akin lang wag too much ha. Baka masaktan ka lang. Alam natin kung anong klaseng tao yang si Kendrick, yea he maybe comes from a great family but that doesn't mean he is too." Nag aalalang ani ng ginang sa anak niyang busyng-busy sa pag-aayos ng sarili. "Mom I swear, hindi ko papasukin ang bagay nato kung hindi naman ako sigurado. No one can resist my charm mom." Rason ng dalaga at kinindatan ang ina nito. "Whatever Sandira kahit yata anong sasabihin ko hindi ka makikinig basta yang si Salvi na ang topic." Himutok ng mommy niya. Niyakap niya lamang ito at kiniss sa pisngi. "Gotta go mommy pupunta pa akong school. Alexis might be waiting for me there. Baka tinuboan na ng ugat yun." Nakangiting ani niya. Sobrang good mood niya dahil sa wakas umuwi na rin ang labidabs niya. "Oh, send my regards to Alexis okay?" Bilin ng ina niya. "Of course. Gotta go bye." At nagmamadaling lumabas na ito papuntang garahe at sumakay sa kotse. Napailing-iling na lamang ang ina nitong si Irene Couverre. Napapakanta pa ang dalaga habang nagda-drive papuntang LSU. Ang totoo hindi naman alam ng mga kaibigan niya na sa La Sedilva siya mag-aaral ulit. Kung saan yata magpunta ang labidabs niya handa siyang sundan ito. She's a lil creepy others may think but that's the best assurance she could get na wala ng ibang babae ang maglalapit sa lalaking noon paman ay sobra na niyang hinahangaan. The moment she first laid her eyes towards Kendrick he's already hers.Ilang babae na ba ang inaway niya? Para lang hindi makalapit sa taong mahal niya 25?30? Hindi niya alam. Excited na pinark niya ang kotse at sa di kalayuan ay tanaw na tanaw niya ang kaibigan at nilapitan ito. Agad naman niyang inaya ang kaibigan niyang nasermonan na naman siya. Ang bunganga talagang walang preno grabe. Alam naman niyang mahal na mahal siya ng kaibigan niya ilang sandali pa'y narating na nila ang room nila. Sinadya niya talagang magka pareha sila ng sched ni Alexis at Kendrick. Kawawa naman siya kung wala ang kaibigan niya't mahal niya. Ano pang silbi ng paglipat niya. "Okay, again everyone I am Sandira Nherraine Couverré Astrid i'm from Manila ama ko si Ferdinand Astrid and mommy ko si Irene Couverré. I transfered here because nandito ang taong gusto ko. Girls back off gustong-gusto ko si Kendrick Salvi. Kaya ayaw kong may marinig na may magkakagusto sa kaniya or else ipapakain ko sa crocodile park namin dito. Okay, well so much for that yun lang." At kinindatan nito ang walang emosyong mukha ni Kendrick. Nagsiupoan na sila gusto sana niyang makatabi sa likod si Kendrick kaso hindi naman niya kayang iwanan ang bestfriend niya. Inis na inirapan niya ang mga babaeng grabe kung makatitig sa mahal niya. "Problema mo bes?" Tanong niya sa katabi niyang si Alexis. "Wala. Nga pala mauna na ako sa iyo mamaya ha may importanteng lakad ako eh alam mo na." Prenteng ani nito na nakapapak ng sampalok agad na nangasim ang mukha niya. Ang sarap batukan ng kaibigan niya. Ba't ba kasi napakahilig nito sa sampalok. Bukod sa maasim ito hindi niya talaga makuha ang logic sa sinasabi nitong masarap. Nilunok niya ng dahan-dahan ang laway niya at nginitian ang kaibigan. "O-okay..naku Alexis ha bawas-bawasan mo yang pagka mahilig mo sa sampalok baka magkasakit ka dahil diyan. Masyado nang marami ang acid sa katawan mo." Tanging ngiti lamang ang tugon nito, as if naman pakikinggan siya nito. Ni si Merian nga na pinakabanal nilang kaibigan walang ek sa kaibigan nila siya pa kaya. Ilang oras lang at break na. Mag-isa niyang tinahak ang hallway papuntang cafeteria ng University. Naririnig niya ang mga bulong-bulongan sa kaniya. Siyempre maganda siya. She's an epitome of beauty. 3in1 matalino, maganda at sexy. Hinahanap ng magaganda niyang mga mata ang lalaking palaging nagbibigay ng bitamina sa buhay niya. "There you are bebe. I'm commin." Nakangising ani niya at pinuntahan ang kinaroroonan ni Kendrick kasama nito si Xander at Reuchi. Napakunot naman ang noo niya ng may grupo ng kababaihang clown sa table nila Kendrick na halatang nagpapakilala. Hindi ba nila alam na sa kaniya lang si Kendrick. Papalapit na siya sa table bago mapansin ni Xander na papunta na siya. Napalunok ito ng malakas maging si Reuchi. Halata sa mukha niya ang galit sa mga kababaihan na hindi man lang natinag na nakatingin siya sa mga ito. "Oh f**k!" Mahinang usal ni Xander. "Gulo na naman to Kendrick." Ani Reuchi Tiningnan niya ang labidabs niya nahurt naman siya ng kunti ng hindi man lang siya tiningnan nito. But she doesn't care dahil inis pa rin siya sa mga clown sa harap niya. "Sino ka?" Ani ng babaeng may kulot na buhok. "Umalis ka nga dito. Di ka naman invited." Ani ng babaeng sobrang inat ng buhok at halata ang split ends. Nanatiling nakataas ang kilay ng tatlong babaeng nakatitig sa kaniya. Mas lalo naman niyang itinaas ang kilay niya sa mga babaeng haliparot. Oo haliparot dahil sa isip-isip niya kanina niya pa itong pinagsasabunutan. "Back-off-bitches." Mahinang usal niya at binangga ang mga ito at ngali-ngaling umupo sa tabi ni Kendrick. Akmang lalapitan siya ng mga babae ng biglang nagsalita ang dalawa. "Oh ladies don't you dare. If you still want to graduate stop it then." Kalmang sambit ni Reuchi. "Ayaw niyo naman sigurong masuspend o mapaalis sa university na to. Kaya kung ako sa inyo aalis na lang ako." Nangingiting ani ni Xander. Ilang segundo siyang tiningnan ng mga babae at umalis na. Tbc zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD