bc

Memories Of Love

book_age16+
16
FOLLOW
1K
READ
HE
second chance
drama
campus
like
intro-logo
Blurb

Lithian and Keena are highschool ex- lovers. But Lithian told to himself; "Once its over, its over."

But one tragic incident happened that caused Keena a traumatic amnesia. In order to assumed that she was look-a-like of Lithian's ex girlfriend. Vincent, Lithian's best friend on the other hand had took the opportunity to made fall in love with Keena.

Habang lumalago ang nararamdaman nina Vincent at Keena sa isa't isa ay doon naman bumalik ang alaala ni Keena. Ngunit paano kung biglang magbago ang paniniwala ni Lithian kapag napagtanto niya na hindi pa pala siya tapos magmahal sa babaeng nagkaroon ng amnesia? Paano niya ipaglalaban ang isang taong may mahal ng iba sa kabila ng kawalan ng alaala?

Ano kaya ang mas matimbang? Memories o ang feelings?

chap-preview
Free preview
Chapter 1- Friend
Keena Lupango's POV BUMUNGAD SA akin ang nagkukumpulang mga estudyante sa tapat ng admin's office, kung saan ay malapit na nakatayo ang bulletin board. Doon din kasi makikita ang directory ng bawat classrooms ng Harvard University. Maraming estudyante ang naghahanap sa kani-kanilang classroom at isa na ako ro'n. Arts and Design ang kinukuha kong kurso, katulad ng kursong kinukuha rin ng best friend kong si Hennielyn. At dahil hindi pa naman kumpleto ang mga major subjects na dapat kong i-take sa kursong kinukuha ko ay expected ko nang magkakaiba pa ring kurso ang mga magiging classmates ko this school year. Saka lang ako sumilip sa bulletin board nang unti-unti nang humupa ang estudyante sa tapat niyon. Saka rin ako pasimpleng sumusulyap sa may entrance kung naroon na ba si Hennielyn. Hanggang sa makita ko na ang direksyon ng magiging classroom ko at nakita ko rin doon na magkatabi lang din pala kami ng classroom ni Hennielyn. "Aakyat na nga ako! Baka nakalimutan lang no'ng mag-iwan ng text at baka nasa classroom na rin siya," pagkausap ko sa sarili. Kaya naman dali-dali akong naglakad paakyat ng third floor kung nasaan ang classroom ko at saka muna ako nagtungo sa may katabi nitong classroom na inaasahan kong naroon na si Hennielyn. Sandali ko pang inikot ang aking paningin upang mahagip agad siya ng mata ko, subalit nabigo akong makita ang best friend kong si Hennielyn sa loob ng classroom na iyon. Napailing na lamang ako habang disappointed din na hindi makatanggap ng text mula sa kaniya. Kaya nagpasya na lamang akong umalis at tahimik na pumasok ng aming classroom. Katulad nang inaasahan ay mga bagong mukha ang bumungad sa akin. Mukhang may kaniya-kaniya rin silang circle of friends, pero nagawa ko pa rin maupo sa unang row. Parang kailan lang ay nasa second year college na ako. Na ang tanging alam ko lang ay ang pangalan ng eskwelahang ito dahil sa transferee lang ako. Ewan ko ba kung bakit kinakailangan ko pang mag-transfer, parang bago tuloy ang lahat para sa akin! Natigil ang isiping 'yon nang pumasok na ang sa tingin ko ay ang aming magiging lecture ng oras na iyon. "Good morning, class, I am your professor for English-02. And I am looking forward to meet you one by one. So, can you please introduce yourself now?" Hindi na na nagawang banggitin pa ng professor namin ang kaniyang pangalan dahil isinusulat na niya iyon sa may pisara habang nagsasalita. Siya si Mrs. Divina Delos Reyes. And speaking of-- hindi ko naalalang nasa bandang unahan pala ako nakaupo kung kaya't naagaw ang atensyon ko nang mapansin na nasa harapan ko na pala si Mrs. Delos Reyes habang nakatitig sa akin. "Are you with us, miss?" Napahiya naman akong tumango at kapagkuwa'y napatayo na rin. Kinakabahang tumayo ako sa harap ng aking mga bagong kaklase. Hindi ito ang first time kong haharap sa tapat ng mga kaklase ko subalit iba lang talaga ang feeling kapag transferee, dahil parang halos lahat ng mata ay sa'yo mapanghusga. Huminga na muna ako nang malalim bago nagsalita, "Hi, I'm Keena Lupango, I am your new classmate from other university. And I hope, we can be friends.." Agad na nawala ang pagkailang ko nang isa-isa silang nagsitanguan habang nakangiti sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang naging dating nang pagpapakilala ko. Baka isipin nila ay rich kid ako dahil sa pag-i-inggles ko! Lumaki ako na nag-iisang anak ni Mama dahil bata pa lamang ako ay hindi na sila biniyayaan pa ng anak ni Papa at ang mas nakalulungkot pa ay bata pa lamang din ako nang sumakabilang buhay si Papa. Naagaw ang atensyon ko nang makarinig ng malakas na palakpakan at tilian kaya agad akong napatingin sa harapan at nakita ko ang isang lalaki. Hindi ko alam kung bakit may kakaiba akong naramdaman nang makita ko siya. Pero para sa akin ay isa lang din naman siyang ordinaryong estudyante kahit na talagang makaagaw pansin ang pagiging gwapo niya. At huli na para malaman ko kung ano ang pangalan niya dahil umupo na siya. Pasimple kong sinilip ang aking cellphone nang maramdaman ang pag- vibrate nito. At doo'y nakita ko ang mensahe at agad na nalaman kung kanino iyon nanggaling. From Hennielyn, "Uy, best! Sorry hindi ako nakapasok today, tinanghali kasi ako ng gising, e. Alam mo na.. nagkaroon ng gig kagabi. Pero, kumusta naman ang first day? May nang-away ba sa'yo?" Hindi ko maiwasang mapangiti sa huling sinabi niya. Rereply-an ko na sana siya subalit natigilan ako nang may kumalabit sa akin. Nakangiti siya subalit sumeryoso ang mukha niya nang magtama ang paningin namin. "Cellphone mo, miss, baka makumpiska." "Ah.. thanks," walang ganang sagot ko. Ibinaling kong muli ang atensyon sa kaklase namin na hindi ko alam kung nasa pang-ilang row na. Subalit bigla na naman akong kinalabit ng lalaking nasa tabi ko. "Transferee ka rin, 'di ba?" Dahan-dahan akong napatango habang nagtataka sa itinanong niya. Iniisip ko kasi kung papansinin ko siya o hindi dahil baka maging sikat pa kami kapag nakita kaming nag-uusap ng aming class adviser na si Mrs. Delos Reyes. "Bakit? Transferee ka rin?" "Oo, halos lahat ng classmates natin dito ay galing sa iba't ibang universities. Ahm, mahabang k'wento kasi kung bakit, e. By the way, I'm Peter, nice to meet you, Keena, actually, kanina pa kita pinagmamasdan, e, para kasing nakita na kita no'n, ewan ko lang, hah? I'm not sure," nakangiti pa niyang sabi. Hindi ko alam pero sandali akong napaisip sa sinabi niya at kahit naku-curious ako ay mabilis na gumaan ang pakiramdam ko sa kaniya. Dahil na rin sa pag-i-entertain niya sa akin sa mga sumunod pang subjects. Aaminin kong hindi naging boring ang araw ko nang dahil kay Peter. At kagaya nga nang sinabi ko sa harapan kanina, nais kong maging kaibigan ang mga kaklase ko. Pasimple kong tinanggap ang kamay niya. Wala naman sigurong masama kung magiging kaibigan ko siya. Natapos ang first day na puro pagpapakilala lang sa isa't isa ang nangyari sa walong subject teacher na pumasok sa klase namin. Ngunit sa kabila no'n ay nag-enjoy akong kilalanin isa-isa ang mga kaklase ko. Lalo na si Peter na mabilis kong nakagaanan ng loob. - Paulit-ulit kong pinipindot ang door bell mula sa labas ng bahay nila Hennielyn. Hindi ko alam pero gusto ko lang siyang inisin. Dahil kailangan niyang bumawi sa pag-absent niya kanina. Bumungad sa akin ang malapad niyang ngiti subalit ginantihan ko lamang iyon ng isang pag-irap. Kunwari ay labis akong nagtatampo sa kaniya. Paano ba naman kasi, alam niyang wala pa akong kakilala sa school na nilipatan namin. Kaya nakanguso ako habang tinatahak namin ang daan papunta sa may salas. "Gusto mo ng juice?" "Tinatanong pa ba 'yan?" mataray kong sabi. Pero siyempre pagpapanggap ko lamang 'yon! Nakita kong agad siyang nagtungo sa may kusina upang ipagtimpla ako ng juice habang ako naman ay ibinaling ang atensyon sa panunuod ng TV. Ilang saglit pa ay dumating na siya dala-dala ang dalawang baso ng mango juice. "O, iyan na po para mabawasan ang pagtatampo mo," aniya. Bagay na lihim kong ikinatawa sa sarili. Pero dahil nais kong karerin ang pagtatampo kuno ay nagtaray-tarayan ulit ako. "Ngayon, i-explain mo sa akin kung bakit ka tinanghali ng gising!" Nag-rolled eyes lang siya habang nakangiti nang malapad. "My goodness, best! Sinabi ko na nga sa'yong may gig last night, 'di ba?" Sumeryoso ang mukha niya habang inilalapag ko ang baso sa may center table. "Pero hindi sapat na dahilan 'yon." Kilala ko si Hennielyn, oo, madalas siyang may gig kasi kasali siya sa isang banda pero alam ko kapag may ginawa siyang kalokohan. "Alright.." sabi niya matapos niyang makita ang nakaloloko kong ngiti. "Nagkayayaang mag-night out kagabi ang buong banda kaya.. nalasing ako." Agad na sumilay ang ngiti sa aking labi na hindi niya inaasahan. "So, anong ngiti 'yan? Akala ko ba ay tampong-tampo ka sa akin?" "O, kita mo? Kung hindi pa ako nagtaray-tarayan ay hindi ka aamin? Saka, alam ba 'to ni tita? Menor de edad pa lang tayo pero parang sanay na sanay ka na sa alak. Kaloka ka." "Of course not, nahihiya lang naman akong aminin sa'yo, e. Saka, ilang buwan na lang din naman at malapit na tayonv mag-legal age, e. Kaya ayos lang na mag-inom, tutal, alam ko namang hindi mo ako ibubukô kay mama, 'di ba?" Kumindat pa siya sa akin na tila hinuhuli ang kiliti ko. Hanggang sa bahagya akong mapatango. Saka naman siya bumwelta nang paghampas sa braso ko. "Pero, baliw ka talaga, best! Kinabahan ako sa mukha mo kanina tapos--" Hindi na niya natapos pa ang sasabihin dahil binato ko na siya ng unan. Saka kami nagpalitan ng tawa sa isa't isa. Ganyan kami magmahalan bilang magkaibigan. Kinabukasan ay hindi sinasadyang makasasabay ko sa pag-akyat ng classroom si Peter. Sa hindi kalayuan ay may kinawayan siya mula sa covered court, pero hindi na ako nag-atubiling lingunin pa kung sino iyon. "Kaibigan ko pala sina Lithian at Vince. Bale schoolmate ko sila no'ng high school. Hayaan mo ipapakilala ko sila sa'yo next time," aniya. At para naman akong may kakaibang naramdaman nang marinig ang pangalan na Lithian. Subalit tanging pagngiti na lamang ang isinagot ko habang dahan-dahang napapatango. At napalingon ako nang may humawak sa braso ko. "Sabi ko na nga ba at ikaw 'yan, best, e!" Pero halos mapahiya si Hennielyn nang makita niya ang kasama ko. At tila nagkailangan pa silang dalawa nang magtama ang paningin nila. "Ah, s-sabay na ba ako sa inyo?" Sasagot na sana ako pero nabigla naman ako nang maunahan ako ni Peter sa pagsagot, "Sure, and by the way what's your beautiful name?" Kalauna'y napansin ko naman ang pamumula ng pisngi ng best friend ko. Halatang hindi sanay na may kausap na pogi, e. "I'm Hennielyn, Keena's best friend, actually, magkatabi lang kami ng classroom ni Keena, same sched at same course, pero naiba lang ako ng section kasi kailangan pang i-ramble ang bawat courses, e," pagpapakilala ni Hennielyn. "Ganoon ba? Sayang naman at hindi ka namin naging classmate. Pero mabuti kung magkatabi lang pala ang classroom natin, p'wede na nga tayong magsabay tatlo papunta sa room. Ahm, by the way, I'm Peter," wika naman ni Peter. Napangiti naman si Hennielyn. At saka nila pinagtagpo ang kanilang mga kamay. Hanggang sa makarating kami sa classroom ay tila may napapansin ako.. Dahil iba ang tinginan ng dalawa sa isa't isa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

WHAT IF IT'S ME

read
67.0K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
239.9K
bc

Rewrite The Stars

read
95.3K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook