CHAPTER 9

1675 Words
SINCE Mikael and Leigh became officially friends, they became closer together. Sometimes, they eat outside or they cook together. Minsan sa condo ni Mikael kumakain si Leigh at minsan sa condo naman ni Leigh kumakain si Mikael. Minsan naman nagdadala ng pagkain si Mikael kay Leigh at sabay na silang kakain. Depende kung sino ang dadayo sa kanilang dalawa. But their personal life was different from their line of work. Kapag nasa labas sila ng opisina, magkaibigan ang turingan nila. Pero kapag nasa loob na silang dalawa ng opisina, formal at boss-employee ang turingan ni Mikael at Leigh. Sometimes, Mikael couldn’t help himself to treat Leigh as the woman he liked. And often brought her coffee or anything that he would see outside before going to work. Pero kadalasan ay kape ang binibigay niya rito. Si Leigh ang naging sentro ng tsismis sa buong kumpanya. “Ano ba talagang meron sa inyo ng Boss natin?” tanong ni Flor habang tumatawa dahil sa mukha ni Leigh. Nasa mukha na kasi nito na naiinis na ito sa mga office mate nila. Nasa pinakasulok silang bahagi ng cafeteria at kasalukuyang kumakain ng lunch. Umiling na lang si Leigh sa tanong ni Flor. “We’re just friends, okay?” Tumaas ang kilay ni Flor. Hindi siya naniniwala kay Leigh. “Magkaibigan ba talaga kayong dalawa o magka-ibigan?” tanong niya na binigyang diin ang huling salita na kaniyang sinambit. Napabuga naman ng hangin si Leigh saka napailing na lamang. “Bahala ka nga kung ayaw mong maniwala.” “Hindi talaga ako naniniwala.” Sabi naman ni Flor. “Your Boss is the vice-chairman of the Salazar Empire. Marami ang naiinggit sa ‘yo kaya pinapasama nila ang imahe mo sa ibang tao. Pero mayroon ring ilan na nagsasabi ng totoo. Nakikita nila kayo minsan na magkasamang namamasyal.” Leigh clicked her tongue. “That was just a friendly date.” Tumaas ang dalawang kilay ni Flor. Leigh combed her hair using her fingers out of frustration. “Whatever.” Nasabi na lamang niya dahil wala ng pag-asa na maniwala sa kaniya ang kaibigan. Then Flor’s phone rang. Hindi nakaligtas sa paningin ni Leigh ang paglambot at pagngiti ni Flor ng matamis nang makita nito kung sino ang tumatawag. Flor excused herself, so Leigh just nodded her head. While Flor was talking on the phone with her husband, Leigh was eating. “Sandali lang, nasa labas ang asawa ko. May dala siyang pagkain.” Natawa ng mahina si Flor. “I already told him not to cook for me, but he still did.” Aniya saka nagpaalam kay Leigh. Nakasunod ng tingin si Leigh kay Flor habang naglalakad ito palabas ng cafeteria. According to what she had observed from Flor. Flor had a good husband and they both had a good relationship. Ngumiti na lamang si Leigh sa ibinalik ang atensiyon sa pagkain. “Hi, hon.” Bati ni Flor sa asawa nang makalapit siya rito. Her husband smiled and kissed her on her forehead. “Here. Your lunch.” Flor pouted. “Kumakain na ako kasama si Leigh pero kakainin ko pa din. Syempre luto ito ng asawa ko.” Flor’s husband chuckled and shook his head. Ibinigay niya sa asawa ang paper bag. “Here.” “Aalis ka na ba agad?” tanong ni Flor sa asawa. Tumango naman si Gabriel. “Oo, kailangan kong pumasok sa firm. Bakit? May ipagagawa ka ba, hon?” Umiling si Flor. “Ipapakilala sana kita sa kaibigan ko.” Nakangiti niyang saad. “I’m telling you Leigh is a nice person. That’s her.” She pointed to Leigh, with her back facing them. Kumunot ang nuo ni Gabriel saka ngumiti. Kapagkuwan bumaling siya asawa. Hinalikan niya ito sa labi. “Next time, okay?” He affectionately touched his wife’s hair. Flor beamed. “Thank you for the food. I’m going to share it with Leigh.” Gabriel just nodded and watched his wife as she went back inside the cafeteria. Nang mawala sa paningin niya ang asawa saka lamang siya sumakay sa kotse at umalis. Flor had a happy smile on her face when she came back. Napailing naman si Leigh. “You looked happy?” “Of course, I saw my husband.” Tumaas ang isang kilay ni Leigh. “Bakit hindi ba kayo nagkikita ng asawa mo araw-araw?” Flor blushed. “Araw-araw naman pero syempre masaya ako na lagi ko siyang nakikita.” Umingos si Leigh. “Inlove ka lang kamo.” “Syempre.” Agarang sabi ni Flor na ikinailing na lamang ulit ni Leigh. “Here. Share tayo.” Pag-alok ni Flor sa pagkain na dala ng asawa niya. Inilabas niya ang pagkain mula sa paper bag at nakalagay naman ito sa transparent na lalagyan kaya binuksan na lamang niya ang takip. Kumuha naman si Leigh ng adobo at natigilan siya ng malasahan niya ang pagkain. “Masarap magluto ang asawa ko. So, how’s the taste?” Flor asked, smiling confidently. Ninamnam ni Leigh ang lasa ng adobo. Somewhat, the taste of the food was familiar to her but sometimes, some things were only familiar and the same in coincidence. Tumango si Leigh. “Masarap nga.” “Sabi ko sa ‘yo.” Leigh just smiled and continued eating. Nang matapos silang kumain, bumalik na sila sa kanilang working station at itinuloy ang kanilang trabaho hanggang sumapit ang umuwian ng hapon. Pagkalabas ni Leigh sa gusali nakita niya ang pagsakay ni Flor sa isang kotse. Alam niyang ang asawa ‘yon ni Flor dahil ito ang kotse na laging sumusundo kay Flor. Leigh stilled when she saw Flor’s husband. Nakasuot ng sombrero ang asawa ni Flor kaya naman hindi niya nakita ang buo ang mukha nito. Napailing si Leigh sa sarili. Lahat na lang ng nakikita niya ay parang pamilyar sa kaniya. Sinuway niya ang sarili at naglakad patungo sa parking lot. Naroon na si Mikael at hinihintay siya. Nginitian niya ang binata. “Tired?” Leigh pouted. “Ang dami kayang mga tumatawag kanina para magkipag-appoint sa ‘yo.” “Dinner outside?” Kaagad na ngumiti si Leigh. “Sure, sir best friend.” Natawa si Mikael. “Get in, best friend.” Tumikhim siya. They are not best friends, but they treat each other as best friends even though Mikael wants more than that. Bumuntong hininga siya. Leigh opened the passenger seat and entered the car. Umikot naman si Mikael at pumasok sa driver seat. Before he put on his seatbelt, he checked Leigh’s seatbelt first. Nang makita niyang hindi nakasuot ang seatbelt sa dalaga lumapit siya rito. Napaatras naman agad si Leigh dahil sa ginawang paglapit ni Mikael. Sa paglapit ng binata naging malapit ang katawan nilang dalawa. Leigh’s heartbeat suddenly beats fast. “A-anong ginagawa mo?” medyo kinakabahang tanong ni Leigh. Mikael looked at Leigh and their faces were just inches away. He smiled and said, “relax. Safety first.” Aniya saka siya na ang nagkabit sa seatbelt ni Leigh. To lessen the awkwardness, he pinched Leigh’s cheek. “Huwag kang masyadong kabahan wala naman akong gagawing masama sa ‘yo.” Leigh pouted. “Anong malay ko?” Napailing na lamang si Mikael saka umayos ng upo. He put on his seatbelt, started the car’s engine, and drove to the nearest restaurant. “Nalaman na ba ng mga pulis kung sino ang nagpasabog ng kotse mo?” tanong ni Leigh kapagkuwan. Umiling si Mikael habang tutok ang mata sa kalsada. “Hindi. Kilala ko kung sino ang gumawa no’n pero hindi ko pwedeng sabihin ‘yon sa mga pulis. It will only lead to endless trouble.” Yet you have already entered a situation where endless trouble happens. Ani Leigh sa kaniyang isipan habang nakatingin kay Mikael. “Mikael.” “Hmm?” “Pwede bang magtanong?” Tumango si Mikael. “Go ahead.” Bumuka ang bibig ni Leigh pero walang lumabas na salita mula sa kaniyang bibig. She thought she had the courage to ask Mikael, but she realized that she didn’t have any courage at all. Anong nangyayari sa akin? Hindi naman akao ganito noon. I am a straightforward person and I don’t cower. But why do I feel like I am afraid that Mikael might judge me once I asked him about what happened before… Napabuga ng hangin si Leigh. “Anong itatanong mo?” tanong ni Mikael habang unti-unting pinagilid ang kotse para magparada. Umiling si Leigh. “Wala pala.” Mikael parked the car. “Let’s go.” Sabay silang bumaba ng kotse. Hindi inaasahan ni Mikael na makakasabayan nila si Wayne. At hindi niya alam kung paanong naroon ang kaibigan. “Mikael, dinner date?” nakangising tanong ni Wayne saka inakbayan ang kaibigan. Siniko naman ni Mikael si Wayne. “Shut it, Wayne.” Wayne chuckled and turned his attention to Mikael’s secretary. Inilahad niya ang kamay. “I’m Wayne Agustin. Mikael’s best friend and brother. You are?” Since the man was polite to introduce himself, Leigh introduces herself. “Leigh Clemente.” Makikipagkamay sana siya sa kaibigan ni Mikael pero si Mikael ang tumanggap sa kamay niya at nagulat siya sa sunod nitong ginawa. Pinagsiklop nito ang kamay nilang dalawa saka ito tumabi sa kaniya. Masama ang tingin ni Mikael kay Wayne na pangiti-ngiti lang naman. “Let’s go, Leigh. Iwan na natin ang kumag na ‘to.” Pag-aya ni Mikael kay Leigh. Napailing naman si Wayne nang talikuran siya ng dalawa at pumasok na ang mga ito sa loob ng restaurant. Wayne took a picture of the two and sent it to their group chat. Umani agad ito ng mga katanungan mula sa kanilang mga kaibigan pero ang taong makakasagot nito ay nag-e-enjoy na kahawak kamay ang babaeng gusto nito. And Wayne turned off his phone because he was not the one who could answer their friend’s question. The only person who could answer it was Mikael, but Mikael couldn’t answer it right now because he was busy with his friend.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD