LEIGH smiled after seeing the restaurant in front of her. It was not a fine-dining restaurant, but the food was great. It’s a Filipino restaurant. Talagang masarap ang pagkain nila rito.
It’s been so many years, yet the restaurant is still here. Leigh thought.
“Okay na ba sa ‘yo ang restaurant na ‘to?” tanong ni Mikael.
Tumango si Leigh. “Yep.” Tugon niya saka nauna na sa loob ng restaurant.
Natawa na lang ng mahina si Mikael at napailing saka siya sumunod kay Leigh sa loob ng restaurant. Nakaupo na ang sekretarya niya sa napili nitong lamesa nang makapasok siya sa loob ng restaurant. Umupo siya sa tapat nito saka tinawag ang waiter.
“You order first.” Sabi ni Mikael. “Feel free. My treat.”
Ngumiti si Leigh. Aba syempre hindi niya papalagpasin ang libre. Ang mahal kaya ng mga pagkain ngayon.
“Ahmm, Crispy Chicken Fillet, Fresh Lumpia, Chop Seuy Tempura, and Sizzling Squid.” Ngumiti si Leigh. “That’s for me. Ikaw, Sir?”
Magsasalita na sana si Mikael pero naunahan siya ni Leigh. “Sir, try mo ‘tong pasta nila. Iyong carbonara.”
“Ako o ikaw?” tanong ni Mikael habang natatawa. “You want to try it?”
Painosenteng ngumiti si Leigh. “Gusto kong i-try, sir.”
Napailing si Mikael saka tumingin sa waiter. “Creamy Carbonara and BBQ Chicken Salad.”
“Iyon lang po ba?” tanong ng waiter. “How about drinks, sir, ma’am?”
Nagkatinginan si Leigh at Mikael.
“You choose,” said Mikael.
Ngumiti naman si Leigh. “Coke.”
“Okay.”
Mikael was surprised. “I thought you would choose wine.” Aniya.
Umiling si Leigh. “Hindi ako umiinom.” I will never taste wine again. Never. Ever.
Napatango naman si Mikael.
“Sir, paano niyo alam ang restaurant na ‘to?” tanong ni Leigh. Maalala niyang noong bata pa siya dito siya dinadala ng magulang niya para kumain.
Mikael smiled. “My parents often brought us here.”
“Oh.” His parents must be good people. Leigh thought.
They waited for their food to arrive while talking about some random topics. When their food arrived, they started to eat, but Leigh was having a hard time because of her hair. Hindi nakatali ang buhok niya kaya naman tumatabing ito sa mukha niya. Wala pa naman siyang dalang clam o pantali sa buhok.
Mikael noticed Leigh’s discomfort, so he stood up from his seat and went behind her. “Can I fix your hair?” he asked Leigh, getting her permission.
“Huh?” nagtaka si Leigh.
“Pumupunta kasi ang buhok mo diyan sa mukha mo. Hindi ka ba komportable?” tanong pa ni Mikael.
Napahawak naman si Leigh sa sariling buhok saka napatingala sa Boss niya.
“I have clam.” Inilabas ni Mikael ang clam na sinasabi nito mula sa bulsa nito.
Natawa naman si Leigh. “Sir, bakit kayo may dalang clam? Hindi naman mahaba ang buhok niyo.” Aniya habang natatawa pa rin.
Mikael just smiled and touched Leigh’s hair. He gently strokes her hair before he puts the clam on.
As Mikael gently combed Leigh’s hair using his fingers, Leigh felt her heart beat. Bumilis ang t***k ng kaniyang puso.
“Thank you.” Mahinang sabi ni Leigh.
Tumango si Mikael saka bumalik sa kinauupuan.
Nagpatuloy ang dalawa sa pagkain habang nag-uusap ng mga random stuff. Hanggang sa may tinanong si Mikael na nagpatigil kay Leigh.
“So, can we be friends?” Mikael asked. Hoping that Leigh would agree to his request.
Natigilan naman si Leigh at hindi agad nakapagsalita. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya sa Boss niya. She took a deep breath and looked away. Then she looked at her food. Umiling siya. “I don’t know, Sir.”
Mikael got confused. “Huh?” Nagtaka siya. “Bakit hindi mo alam?” tanong niya sa dalaga.
Nag-angat ng tingin si Leigh. “Kasi, Sir…” Hindi niya talaga alam kung ano ang isasagot niya.
Mikael smiled gently. “Leigh, tinatanong lamang kita kung pwede ba tayong maging magkaibigan? Wala akong ibang balak sa ‘yo. I just want us to be friends.” Aniya.
Leigh’s lips thinned.
“Iniisip mo ba na may iba akong plano sa ‘yo?” tanong pa ni Mikael.
Nag-iwas ng tingin si Leigh. “Hindi natin kilala masyado ang isa’t-isa, Sir. Of course, mag-iisip ako kung ano ang dahilan kung bakit mo gusto na maging magkaibigan tayong dalawa. I mean, for what reason?”
Napailing si Mikael. “You’re too scared, Leigh. Pero alam kong may rason ka. So, it’s okay if you don’t want us to be friends,” Aniya.
Nagbaba ng tingin si Leigh at napatitig na lamang sa kaniyang pagkain. Para sa kaniya, hindi niya alam kung dapat ba siyang makipagkaibigan sa boss niya. There are consequences and she needed to think of it. Hindi siya pwedeng magpadalos-dalos sa mga desisyon niya lalo na ngayon at may pinaghahandaan siya. Marami siyang kailangang gawin at kailangan niyang unahin ang mga responsibilidad niya kaysa sa pansarili niyang kaligayahan.
“Leigh.”
Napakurap si Leigh at mabilis na napaangat ng tingin. “Sir?”
Mikael smiled. “It’s okay. Kung ayaw mo, okay lang. Hindi masama ang loob ko dahil doon. You can still work under me without any pressure. Hindi kita pag-iinitan.”
Umiling si Leigh. “It’s not about that, Sir.” Aniya saka napabuntong hininga. “Pwede tayong maging magkaibigan pero hanggang magkaibigan lang tayo, ah.”
Mikael’s face lit up. “Really?”
Tumango si Leigh. “Sure, sir – I mean, Mikael.”
Mas lalo pang lumiwanag ang mukha ni Mikael. Halata ang saya sa kaniyang mukha kasi pumayag si Leigh na makipagkaibigan sa kaniya.
Napatingin bigla si Leigh sa cellphone nang may nag-pop out na message doon. Her phone just beeped, and she knew it was an emergency message. Her phone was customized so that she could work efficiently. Dali-dali niya itong kinuha at binasa ang mensahe.
‘Danger outside.’
Kalmado si Leigh habang binabasa niya ang mensahe at kalmado pa rin siya pagkatapos niya itong mabasa. Ibinaba niya ang phone saka tumingin kay Mikael na nakatingin sa kaniya. “Just a notification.” Aniya saka ngumiti.
Mikael didn’t get suspicious because he believed Leigh’s words.
Nagpatuloy silang dalawa sa pagkain habang nag-uusap.
While eating, Leigh was waiting for another message to find out the situation outside, but she didn’t receive any message after five minutes, so the danger wasn't for her but for Mikael. Tinignan niya ang binata na kumakain sa harapan niya. Mikael was investigating an illegal organization and what he was doing could kill his life.
Leigh sighed. Alam niya kung ano ang plano ni Mikael pero kahit anong gawin nito hindi nito mapapabagsak ang Mafia. Ang tanging magagawa lamang nito ay protektahan ang Salazar Empire laban sa mga Mafia.
“Bakit ka nakatitig sa akin?” tanong ni Mikael nang mapansin niya ang titig sa kaniya ni Leigh.
Umiling si Leigh at uminom ng tubig. “Wala. May iniisip lang ako.”
Tumaas ang isang kilay ni Mikael. Asking what Leigh was thinking.
“Not telling you.” Sabi naman ni Leigh at umiling pa.
Hindi na pinilit ni Mikael si Leigh. Kapagkuwan may naalala siya. “Nasaan pala ang anak mo?” tanong niya.
“With my parents.”
Napatango si Mikael. “I wanted to meet him.”
Leigh chuckled. “Don’t wish. Ayaw niyang may lumalapit sa aking mga lalaki.”
“Huh?”
“My son doesn’t want me to have a relationship with someone. He only wants his father.” Sabi ni Leigh.
Mikael was disappointed but he didn’t show it. Tumango na lamang siya at hindi na umimik pa.
Suddenly, a loud explosion happened outside the restaurant. Napasigaw ang mga taong nasa loob ng restaurant. Napatigil ang mga taong nasa labas at ang mga sasakyan. Sa lakas ng pagsabog, naramdaman pa ng mga taong nasa paligid ang pagyanig ng lupa.
Mabilis namang tumayo si Mikael saka niyakap si Leigh na para bang pinoprotektahan ito.
But Leigh was calm about the situation.
When the situation became calm, they both looked outside.
Nakita ni Mikael ang isang kotse na nasusunog. Only to realize that it was his car.
“Dammit.” Mahina siyang napamura.
The situation was reported to the authorities. Ilang sandali pa ay dumating na ang mga pulis at bumbero.
Of course, Mikael and Leigh were questioned by the police and the firemen.
Batid ni Mikael kung sino ang gumawa sa pagsabog ng kotse niya pero hindi niya ‘yon sinabi dahil siguradong magtatanong pa ang mga pulis tungkol dito. They were invited to the police station and after giving their statement, hinatid sila ng mga pulis pabalik sa kanilang apartment.
“I’m sorry about what happened today.” Hingi ni Mikael ng paumanhin kay Leigh.
Umiling si Leigh. “Wala ‘yon. Ang mahalaga ay ligtas tayong dalawa.”
Tumango si Mikael saka napabuntong hininga. Nasa apartment siya ni Leigh dahil hinatid niya ang dalaga. “Natakot ka ba?”
“Huh?”
“My car exploded, and I don’t know who did it.” Nagpanggap siya na walang alam kung sino ang nagpasabog ng kotse niya. “Sana hindi ito ang dahilan para umiwas ka sa akin.”
Ngumiti si Leigh. “I’m not that dense woman, Mikael. Sa totoo lang mas nag-aalala ako dahil baka maulit ang nangyari.”
“Hindi ka ba natatakot na baka madamay ka?” tanong ni Mikael.
Leigh just smiled mysteriously.
Nakatanggap ng tawag si Mikael mula sa ina at pinapauwi siya nito. But Mikael was worried about Leigh.
Ngumiti si Leigh. “I’m not a weak woman, Mikael. I can manage myself.”
But still, Mikael was worried, so he called Gabriel and asked him to send someone to protect Leigh. Then he went home to see his worried parents.
Meanwhile, Leigh looked outside her window. Tumingin siya sa ibaba at nakita niya si Mikael na pumara ng taxi. She remembered the reason why she applied to the Salazar Empire as Mikael’s secretary.
And that was to protect him.