CHAPTER 4

1905 Words
HOLDING a cup of coffee in his left hand he had just bought from the coffee shop, Mikael entered the elevator with a smile on his face. Pagdating niya sa palapag kung nasaan ang opisina niya, agad niyang nakita si Leigh na may kausap sa cellphone nito. He wanted to greet her ‘good morning’ but he halted when she heard Leigh saying, “Okay, baby. I love you.” Mikael stops on his track. Alam niyang malinaw niyang narinig ang salitang binanggit ni Leigh. Kumuyom ang kamay niya at nakaramdam siya ng inis. Hindi niya alam kung para kanino ang inis na naramdaman niya. “Bye, love you. Mag-ingat ka, baby.” Mas lalong kumuyom ang kamay ni Mikael dahil sa narinig. So, she’s not single anymore. “Sir? Good morning po.” Bati ni Leigh nang makita niya ang boss niya na nakatayo malapit sa table niya. Tumango lang si Mikael saka dumeretso ng lakad papasok sa sariling opisina. Malakas ang pagkakasara niya ng pinto kaya naman nakuha niya ang atensiyon ni Leigh. “Bakit parang bad mood si boss?” ani Leigh sa sarili. “Baka nga.” Aniya saka nagsimula ng magtrabaho. Mikael was serious the whole day. Kahit pa nagkaroon ito ng meeting with new clients and other investors, nakaseryoso ang mukha nito. Buong araw na hindi nakita ni Leigh na hindi nakangiti ang boss niya. Pero nagkibit na lang siya ng balikat dahil baka bad mood lamang ito. Lumipas ang buong araw at hindi nawala ang nararamdaman ni Mikael na inis kahit pa dumating ang kinabukasan. He was still pissed. He doesn’t know why. Wala naman silang relasyon ni Leigh pero bakit siya naiinis na malaman na may boyfriend na ‘to. The way Leigh spoke yesterday, she was so tender. “Dammit! Bakit parang ang sakit?” Aniya saka napasuntok na lang sa sariling lamesa. Mikael didn’t know that the feeling he had with Leigh before was being rekindled after meeting her again after so many years. Ang nararamdaman niya noon para sa dalaga ay hindi nawala. Akala niya noon ay simpleng pagkagusto lamang ang nararamdaman niya pero hindi niya akalain na nanatili ‘yon at parang nabuhay pagkatapos niya muling makita si Leigh. Napatingin na lamang siya sa pinto nang may kumatok doon. Hindi pa man siya nakakasagot nang bumukas ang pinto at pumasok ang kaniyang ama. “Dad?” Mabilis na napatayo si Mikael. Though they are working in the same building, they rarely see each other because of too much work. Kasama nito si Uncle Mateo na ama ni Gabriel. Lagi naman, eh. “How are you, son?” tanong ni Maverick sa anak saka umupo sa sofa. Mateo stands behind the Chairman. “I’m good, Dad.” Tugon ni Mikael. Pero hindi nakaligtas sa paningin ni Maverick ang emosyon ng anak niya. “Sigurado kang okay ka lang, anak? Kasi nakikita ko mula sa kinauupuan ko na malungkot ka.” Nag-iwas ng tingin si Mikael. “I…” “Mikael, I’m your father. Wala kang maitatago sa akin. Mas lalo naman sa mommy.” Napabuntong hininga na lang si Mikael. “Personal problem, dad. I’m sorry I couldn’t tell you.” Ngumiti si Maverick. “Woman?” Natigilan si Mikael saka napatitig sa ama. “What? I’m just asking. Huwag mo akong tignan ng ganiyan, bata ka.” Mikael shook his head. “Ano pong ginagawa niyo rito?” “I’m supervising you.” Seryosong sabi ni Maverick pero halatang nagbibiro naman. “Oh, feel free, Mr. Chairman.” Tugon ni Mikael saka tumayo. He went back to sit on his swivel chair. Napailing naman si Maverick. “You know that I trust you, right, son?” Tumango si Mikael. “Then I hope that you won’t put yourself in danger.” Sabi ni Maverick habang nakatitig sa anak. “You are my son. And as your father, I don’t wish to see you in danger.” Nag-angat ng tingin si Mikael. “Dad?” “Mikael, I know what you are trying to do. You resume investigating the Mafia again.” Seryosong saad ni Maverick sa anak. Hindi na makatingin ng deretso si Mikael sa ama. Maverick sighed. “Well, ano pa nga bang magagawa ko? Katulad ng sabi ng mommy mo, we have the same personality. Kung gusto nating gawin, gagawin natin kahit pa sa kung sino ang mabangga natin. So, promise me to always be safe. Don’t make me and your mom worry.” Tumango si Mikael. “Promise me?” The word ‘promise’ was sacred in their house. “Dad, I couldn’t promise you that I wouldn’t be in danger, but I will promise that I will be alive and get married someday.” Aniya. “Get married? Bata ka, mag-girlfriend ka muna pero bago yata ang sekretarya mo.” Sabi ni Maverick. “Ang ganda niya. Bakit hindi mo ligawan?” “Dad, kung makapagsalita naman kayo parang ang dali. Isa pa, may boyfriend na siya.” “Oh. Eh ba’t parang dismayado ka?” tanong pa ni Maverick sa anak niya na malilipasan na yata ng edad sa kalendaryo hindi pa nagkakanobya. “Dad!” Maverick chuckled. “Oo na. Just find the right one, get married, and have kids.” Mikael facepalmed and sighed heavily. “I will, Dad.” “Give me grandkids. Matanda ka na.” Mikael looked at his father. “Dad, you were thirty-one when you and mom got married. I’m just twenty-eight.” Maverick clicked his tongue. “Basta bigyan mo ako ng apo bago ako mamatay o hindi kita bibigyan ng mana mo.” Nagkibit lang naman ng balikat si Mikael. “Anything makes you have a good sleep at night, dad.” Aniya saka nagpatuloy sa trabaho. Umalis rin ang ama niya pagkatapos nitong magpaalam. Alam niyang pinuntahan lamang siya nito para paalalahanan tungkol sa Mafia. His father is a protective father after all. Tinignan ni Mikael ang oras sa suot na wrist watch. “Tanghalian na pala.” At dahil wala si Gabriel dahil may pinagawa siya rito, siya mismo ang kukuha ng pagkain niya. Kapag nalaman ng ina niya na hindi siya kumain ng lunch baka pauwiin siya nito sa bahay nila. Mikael went to the cafeteria. At katulad ng mga nangyayari sa tuwing pumupunta siya rito sa cafeteria ng building ng Salazar Empire, pinagtitinginan siya. Sanay na siya sa atensiyon na nakukuha niya pero ayaw niya lang sa maraming tao kaya naman laging siya sa sariling opisina kumakain. Pagkakuha niya ng pagkain niya, babalik sana siya sa opisina niya ng makita niya si Leigh na mag-isang kumakain sa isang sulok. Instead of going back to his office, umikot siya saka naglakad palapit kay Leigh. “Pwedeng makiupo?” tanong ni Mikael. Mabilis namang nag-angat ng tingin si Leigh. “Sir?” Mikael sat in front of Leigh. “Sige. Kain ka lang. Don’t mind me.” Leigh felt the stares, so, she looked at the employees. Nakatingin ang mga ito sa kanila at sobrang tahimik ng cafeteria na para bang may dumaang anghel. “Sir, they’re looking at us.” Napatigil sa pagsubo si Mikael. “Get back to your own business!” Malakas niyang saad. Kaagad na nagsi-iwas ng tingin ang lahat at bumalik sa sarili nilang mundo pero may ilan pa rin na palihim na tumitingin kay Mikael at Leigh dahil nakuku-curious ang mga ito sa dalawa. Nakahinga naman ng maluwang si Leigh nang mawala sa kanila ang atensiyon. “Don’t mind them.” Sabi ni Mikael. Tumango si Leigh. Unti-unti ring naging maingay ang cafeteria. Binibilisan naman ni Leigh ang pagkain para matapos siya agad. “Ms. Secretary, dahan-dahan lang sa pagkain baka mabulunan ka.” Ani Mikael. “Kailangan ko pong bilisan. Marami pa po akong kailangang gawin.” Sabi ni Leigh at uminom ng tubig. Tatayo na sana siya nang magsalita ang boss niya. “Accompany me. Ang lungkot kaya ng kumain ng mag-isa.” Sabi ni Mikael na nagpatigil kay Leigh sa pagtayo. “S-sige po.” Mikael sighed. “Bakit parang natatakot ka? We’ve already known each other before.” Leigh showed her one finger. “Sir, nag-usap lang po tayo noon ng isang araw. Then wala na.” Ngumiti si Mikael. “Glad that you remembered it.” Aniya saka tinapos ang pagkain. Uminom siya ng tubig saka tinignan ang oras. “Let’s go.” Kinuha niya ang tray sa harapan ni Leigh. “Sir.” “Let me.” Sabi ni Mikael saka nauna na ito. Ibinalik nito ang pinagkainan nila saka sila sabay na bumalik sa opisina. Naging sentro ng tsismis si Leigh sa buong opisina dahil sa nangyari sa cafeteria. Hinayaan na lamang ni Leigh ang mga chismosa na magtsismisan. Meanwhile, Mikael receives death threats. Kilala na niya agad kung sino ang nagpadala ng death threats sa kaniya. Ang Mafia na ine-imbestigahan niya. Natawa na lang si Mikael. Wala na siyang balak tumigil lalo na at nasimulan na niya ang imbestigasyon. The Mafia had already destroyed many companies, inside and outside the country. They are distributing drugs and destroying the lives of many children. He’s no police officer, but he wouldn’t let the Mafia destroy the Salazar Empire. Alam niyang may mga espiya ng Mafia sa Salazar Empire at hindi niya hahayaan na mapabagsak sila. Kumunot ang nuo niya nang makatanggap siya ng isang email. ‘If you want, you can join us. But if you don’t, we will destroy the Salazar Empire.’ Kumuyom ang kamay ni Mikael. Three years ago, the Mafia put a hit on his father and his father nearly lost his life. That is why he wanted to investigate the Mafia and destroy it. Sa nakalipas na mga taon, marami ang mga napapabalitang kumpanya ang bumabagsak. Pinasabog, nasunog o di kaya ay nalulugi. Wala pa namang ganung case ang Salazar Empire at hindi niya hahayaan na mangyari ‘yon. Mikael picked up his phone and called Gabriel. “Boss?” “Gabriel, send some of our men to protect my family secretly. Each of them.” Their family has lots of bodyguards. But he tends to go out alone, and he doesn’t bring any bodyguards. Minsan ang mga bodyguards nila ay nandiyan lang sa tabi at nagbabantay. “Yes, Boss. Consider it done.” “Thank you,” Mikael said and ended the call. The next person he contacted was Dylan. He was a tech expert. “Yow!” “I need your service. Name your price.” Kaagad na sabi ni Mikael. Natigilan naman si Dylan na nasa kabilang linya. “Huh?” Mikael sighed. “I need your skill. And this could kill us.” “Emergency?” Dylan asked. “Not really, but it’s urgent. I need your help to find those people who belonged to the Mafia.” “I’m on my way.” Sabi ni Dylan. “Thanks.” Mikael ended the call and stood up. Lumabas siya ng opisina niya saka nilapitan si Leigh. “Leigh, relay my message to all CEOs of the Salazar Empire.” Nakinig naman si Leigh at agad na ginawa ang utos ng Boss niya. Nagtaka si Leigh. Why is he asking the CEOs to report everything unusual happening in their jurisdiction? Though it was normal, why did he ask me to give him the information about the CEOs of the Salazar Empire? Leigh was confused. Something must have happened.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD