PAGPASOK ni Mikael sa kanilang bahay, natigilan siya nang makita ang kaniyang pamilya na nasa living room. Kaagad na tumayo ang kaniyang ina at maluha-luhang niyakap siya.
“I’m glad you’re fine, anak.” Ani Evelyn na puno ng pag-aalala.
Ngumiti si Mikael saka niyakap ang ina pabalik. “Okay lang ako, mommy. Huwag na po kayong mag-alala.” Aniya. He looked at his father and saw how serious he was.
“Mikael, in my office. Now,” Seryosong saad ni Maverick.
Mikael sighed and looked at his mother. “I’ll talk to you later, Mom. Kailangan ko lang na kausapin si Dad.”
Nakakaintinding tumango si Evelyn saka hinayaan ang mag-ama niya na mag-usap. Then she looked at her twin. “Your brother was fine.” Aniya.
Nagkatinginan naman si Mikhail at Everly.
Mikhail had the same mind as his brother and his father. Alam niyang may ibang dahilan kung bakit sumabog ang kotse ng Kuya Mikael niya. Wala namang mangyayaring ganoon kung walang nakabangga ang Kuya Mikael niya. But he opts to be quiet.
“Mikael, sinabi ko na sa ‘yong mag-ingat ka. Stop investigating the Mafia. Now,” Seryosong saad ni Maverick.
Mikael sighed. “It’s too late, Dad.” Aniya.
Kumunot ang nuo ni Mikael. “Anong ibig mong sabihin?”
“Dad, they already threatened me. If I don’t join them, they will still destroy the Salazar Empire. Ayaw kong mawala ang pinaghirapan niyo kaya gagawin ko ang lahat upang protektahan ito.” Seryosong saad ni Mikael.
“Pero mapapahamak ka sa ginagawa mo, anak. Mas gugustuhin ko pang mawala ang Salazar Empire kaysa isa sa anak ko ang mawala. Mikael, anak kita at mahal na mahal kita. Ayaw kong mas mauna ka pang mawala kaysa sa akin.” Mula sa seryosong boses naging masuyo ang boses ni Maverick.
Ngumiti si Mikael. “Dad, hindi naman ho ako mawawala. Kaya ko ang sarili ko. Sila ang nagsimula ng lahat. If they hadn’t hit you three years ago, I wouldn’t have investigated them.” Aniya.
“Mikael…”
“Dad, I can take care of myself. Parang hindi niyo naman ako tinuruan. At isa pa may mga nagbabantay rin sa inyo.” Sabi ni Mikael. “Dad, huwag kayong mag-alala. Makikita niyo akong ikasal at makikita niyo pa ang mga magiging apo niyo sa akin.” He assured his father.
Umingos si Maverick saka bahagyang pinitik ang nuo ng panganay niya. “Bago mo sabihin sa akin ‘yan, iharap mo muna sa akin ang girlfriend mo. Pero ang tanong, may girlfriend ka ba?” Nanunudyo niyang tanong sa anak.
Ngumiti si Mikael. “I liked someone, Dad. Pero baka hindi niyo siya magustuhan ni mommy.” Aniya.
“Huh? What do you mean? If it’s about background, you don’t have to worry, son. Wala namang kaso sa amin ‘yon ng mommy mo.”
“It’s not about her background, Dad.” Sabi ni Mikael. Then he quickly dropped the topic, “dad, we’re just friends, okay? At mukha namang wala siyang interes sa akin.” Aniya.
Tumaas ang kilay ni Maverick. “Your mom didn’t like me at first. And always remember that sometimes, a man will fall in love first before a woman.” Tinapik niya ang balikat ng anak. “Don’t worry, son. I’m sure magugustuhan ka rin ng babaeng gusto mo. Just show it to her gradually and just show your sincerity.”
Mikael nodded.
Pagkatapos ng pag-uusap ni Mikael at ng kaniyang ama, bumalik sila sa living room na kung nasaan ay naroon ang kaniyang ina at mga kapatid na naghihintay.
“Anong pinag-usapan niyo?” tanong ni Evelyn kay Maverick.
Tumabi si Maverick sa asawa saka ito hinalikan sa nuo. “Boys talk.”
Evelyn rolled her eyes and looked at her eldest. “Anong pinag-usapan niyo ng daddy mo?”
Tumikhim si Mikael. “Boys talk.”
Hindi na lang pinilit ni Evelyn ang mag-ama niya na sabihin ang pinag-usapan ng dalawa. “Anak, ano bang nangyari? Bakit sumabog ang kotse mo?”
“Oo nga, Kuya. Nagulat na lang kami kanina nang marinig namin ang balita. Mom even cried because she thought you were inside the car.” Sabi ni Mikhail.
“May naglagay ng bomba sa kotse ko nang hindi ko napansin. Maybe a business competitor. We were inside the restaurant when my car exploded. Kaya, Mommy, huwag na po kayong mag-alala. Ligtas po ako.” Sabi ni Mikael to assure his mother.
Lahat sila ay tumaas ang kilay.
“We? Kuya, may kasama ka?” tanong ni Everly.
Nag-iwas ng tingin si Mikael. Nahuli na siya sa sarili niyang bibig. “Ahmm… I was with someone.”
“Man or woman?” Evelyn asked her eldest.
Mikhail chuckled when he saw his elder brother’s become beet red. “Kuya, alam ko na kung sino ang kasama mo. Siya ba ang tinutukoy ni Kuya Wayne?” Pang-aasar niya sa kapatid dahilan upang tignan siya nito ng masama.
“Shut up, Mikhail.”
Mas lalo pang natawa si Mikhail. “So, siya nga ang sinasabi ni Kuya Wayne? You’re with the apple of your eye.”
“Apple of your eye.” Everly snorted. “kung anu-anong lumalabas diyan sa bibig mo, Mikhail.”
Mikhail smiled at Everly. “Wala kang paki.”
Mabilis na kinuha ni Everly ang unan na nasa kaniyang tabi at hinampas si Mikhail.
Dahil sa pag-aasaran ng magkambal, nawala ang atensiyon ni Evelyn kay Mikael na pinagpasalamat naman ng huli. Naka-alis siya at nagtungo sa kaniyang kwarto. Doon tinawagan niya si Dylan.
“Anong impormasyon ang nakuha mo?” tanong ni Mikael.
Dylan sighed. “They secretly put the bomb under your car after you entered the restaurant. It was the Mafia.”
Kumuyom ang kamay ni Mikael.
“Talagang hindi ka na nila titigilan hangga’t hindi ka pumapayag sa gusto nila.” Ani Dylan.
“Even if I agree, they would still kill me and destroy the Salazar Empire,” Seryosong saad ni Mikael. “It’s useless. And I don’t have any intention of joining them.”
Napatango si Dylan sa kabilang linya. “So, anong plano mo?” tanong niya.
“Just make sure that they won’t track you. I don’t want to make your parents sad.”
Dylan chuckled. “I know. At isa pa, safe ako sa lugar na kinaroroonan ko. Someone was protecting me.”
Nagtaka si Mikael. “Sino?” tanong niya.
“It’s confidential.” Tugon naman ni Dylan. “You don’t have to worry about me. But now all I can do is give you the information you need and help you when it comes to the system. It’s free.”
Tumaas ang kilay ni Mikael. “Should I thank you for that, or are you up to something?”
Napailing na lang si Dylan. “Don’t thank me.” Then he ended the call.
Dylan looked at the woman who had amber eyes in front of him. The woman smiled. “Thank you.”
Umiling si Dylan. “Nagulat ako pero salamat.” The woman's smile was gentle and looked nice, but he knew better that this woman in front of him was a badass woman.
“Huwag kang mag-alala.” Wika ng babae. “Since you joined us, we are family. My men would protect your family. The Mafia wouldn’t touch them.”
Dylan slightly bowed his head. “Thank you, Chief.”
The Chief nodded her head. “Get ready to sign the agreement. And you will also get your tattoo.”
Tumango si Dylan.
The Chief stood up and left.
Nang makaalis ang babae, doon lang pinakawalan ni Dylan ang hininga na kanina pa niya pinipigilan. Scary. He thought and continued his work.
WHEN Mikael went to work the next day, he heard the employees talking about Leigh. Hindi naman niya sinasadyang makinig pero sadyang matalas lang talaga ang pandinig niya. Nakasabayan niya kasi ang mga empleyado sa elevator at mukhang hindi siya napansin ng mga ito dahil abala ang mga ito sa pagchi-chismisan.
“I saw them. Talagang magkasama silang lumabas.”
“So, they’re hooking up?”
“Akala mo naman kung sino siya. Anong akala niya sa sarili niya? Alam kong pinapatulan lang siya ni Sir Mikael dahil maganda siya. But I’m sure that Sir Mikael only wanted her to bed.”
“And she’s just a mere secretary.”
Nagtawanan ang mga ito.
Mikael was pissed. Tumikhim siya. Kaya napatingin ang tatlong babaeng empleyado sa kaniya. Lumaki ang mata ng mga ito.
“G-good morning, Sir.” Nauutal na bati ng mga ito dahil sa kaba.
“My secretary is not a mere secretary. And she is not my bed warmer. She is my special friend so I warned you na kapag may narinig pa ako na masama tungkol kay Leigh, asahan niyo ng matatanggal na kayo sa trabaho.” Malamig na saad ni Mikael at eksaktong bumukas ang elevator.
“Y-yes, sir.” Nagmamadaling lumabas ang tatlong empleyado.
Napailing na lamang si Mikael. Kahit saang lugar talaga may mga tsismosa. Hindi lang sa kalye kundi sa lahat ng lugar. Mga propesyunal pa naman ang mga ito pero sinisiraan nila ang mga kasama nila sa trabaho.
Na-bad mood tuloy si Mikael dahil sa narinig.
Pagdating ni Mikael sa palapag kung nasaan ang kaniyang opisina, kunot ang nuo niya na napansin naman kaagad ni Leigh.
“Morning.” Bati ni Leigh kahit pa alam niyang bad mood ang Boss dahil nakakunot ang nuo nito. “Bad mood, Sir?”
“May mga nakasabayan ako sa elevator. They were talking about you, and I was pissed.”
Natawa na lang si Leigh. “Sanay na ako, Sir. May narinig rin ako kanina na masama patungkol sa akin pero hinayaan ko na lang. Wala rin lang akong mapapala kung papansinin ko pa sila.” Aniya saka ngumiti.
“You’re not pissed?”
Ngumiti lang si Leigh saka iniba na ang usapan. “Nasa table niyo na pala ang mga kailangan niyong pirmahan at may meeting kayo mamayang hapon.”
Tumango si Mikael pero bago siya pumasok sa kaniyang opisina. Mahina ang boses niyang nagsalita. “Don’t be too formal, Leigh.”
Nakuha ni Leigh kung ano ang ibig sabihin ni Mikael. “Sir, work is different.”
Napailing na lamang si Mikael. “Whatever you say.” Aniya saka pumasok na sa kaniyang opisina at sinumulan ang kaniyang trabaho.
Then his phone beeped. He just turned off his phone when he saw it was from the Mafia. Alam niyang hindi siya titigilan ng mga ito pero wala siyang balak na sumuko. Not now and not in the future.