LEIGH’S eyes automatically gazed at her neighbor. Hanggang ngayon nagtataka siya kung bakit ang isang mayaman na katulad ni Mikael Salazar ay nakatira sa isang simpleng apartment. Yes, it’s a simple apartment, affordable and comfortably living but she couldn’t think of any reason why is he living in a simple apartment? Alam niyang kaya naman nitong maka-afford ng isang condo o di kaya ay penthouse dahil sa mayaman ito. Her Boss was the vice-chairman of Salazar Empire after all and the son of the Chairman.
Nagkibit na lamang ng balikat si Leigh saka naglakad patungo sa elevator.
Pagdating niya sa Salazar Empire, sa kaniyang lamesa nakita niyang may kape na nakalagay doon. At halatang kalalagay lamang dahil mainit pa ito. There’s a note.
‘Just put the information I needed on my table. Anyway, coffee for you.’ – Mikael
Leigh stared at the coffee. “I wonder if you put something on it.” Aniya pero ininom pa rin niya ang kape. Sayang, eh. Libre. Na hindi naman niya ugali dati. Maingat siya sa pagkain lalo na kapag galing ito sa hindi kilalang tao.
She started her work immediately and sorted the documents that her Boss needed. Based on her boss's note, he wasn’t in the office but she still knocked on his office before she opened the door and went inside. Inilagay niya ang mga kailangan ng boss niya sa lamesa nito.
After putting the documents on her boss’ table, she was about to leave when she noticed something. Napansin niya ang photo frame na nasa lamesa ng amo niya. It was a photo of him and his family.
Gumuhit ang ngiti sa labi ni Leigh. “Family-oriented, huh.” Komento niya habang nakatingin sa larawan.
Lumabas si Leigh sa opisina ng boss niya pagkatapos niyang ayusin ang ilang folder na naroon. Hindi niya alam kung saan pumunta ang boss niya. Wala naman itong meeting ngayon o di kaya ay appointment. He was free this morning. Ang kailangan lang nitong gawin ay magpirma ng mga kailangan nitong pirmahan pati na ang mga pipirmahan ng Chairman ay ito na ang gumagawa.
Eksaktong lunch yata ng dumating ang boss niya. Tumayo saka bahagyang yumukod. “Sir.”
Tumango sa kaniya ang amo saka ito pumasok sa opisina nito.
Pagkasara ng pinto, tumunog ang cellphone ni Leigh. Tinignan niya ang cellphone at nakita niya ang isang mensahe. ‘He was investigating the Mafia.’
Tumingin si Leigh sa nakasarang pinto ng opisina ng amo. “Investigating? Well, I hope he has nothing to do with my brother’s disappearance.” Aniya saka umupo sa upuan. She continued her work and when lunch came, she went to the cafeteria. Pagkakuha niya ng pagkain, agad siyang naghanap ng mauupuan.
May nakita siyang bakanteng lamesa kaya naglakad siya papunta doon. Malapit na siya sa lamesa nang mapansin niya ang paa na balak pumatid sa kaniya. Nagpanggap na lamang siyang kunwari na hindi niya napansin ang paa ng babae na balak pumatid sa kaniya pero tinaasan niya ang hakbang niya kaya hindi siya napatid.
Umupo siya sa upuan malapit sa babaeng balak magpatid sa kaniya. Narinig niya ang tawanan sa likuran niya. Hindi na lamang niya pinansin ang mga ito saka nagsimula ng kumain. Marami siyang kailangang gawin. Maabala lamang siya kung pagtutuunan niya ang mga ito ng pansin.
Nasa kalagitnaan na siya ng pagkain nang mapansin niya ang isang babae na naghahanap ng mauupuan habang may hawak na tray.
“Miss.” Tawag niya.
Tumingin agad sa kaniya ang babae. Nginitian niya ito saka iminuwestra ang kamay sa bakanteng upuan sa harapan niya. “Pwede kang maupo rito.”
Ngumiti ang babae saka umupo. “Salamat.”
Tumango si Leigh saka natigilan nang matitigan niya ang babae. May kamukha ito at kahit saang anggulo niya tignan ang babae, kamukha talaga nito ang taong kilala niya.
“Bakit?” tanong nito.
Umiling si Leigh. “May kamukha ka kasi.”
“Ganiyan din ang sinabi ng asawa ko.”
Hindi alam ni Leigh pero unang tingin niya pa lang rito magaan na agad ang loob niya, which is rare for her. Hindi madaling gumaan ang loob niya sa isang tao lalo na at hindi pa niya ito gaanong kilala pero itong babae sa harapan niya, hindi pa man niya kilala ang pangalan. Magaan na ang loob niya rito.
“Miss, pwedeng malaman ang pangalan mo?” tanong niya.
“Flordeliza pero Flor na lang ang itawag mo sa akin.”
Kusang gumuhit ang ngiti sa labi ni Leigh. Sa tingin niya hindi nalalayo ang edad nila ni Flor o magkaedad lamang sila. She likes Flor’s cheerful personality. And she couldn’t help herself smiling. "I'm Leigh. Ahmm, saang department ka pala?” tanong niya.
“Marketing department.” Tugon ni Flor. “Ikaw? Saang department ka?”
“Secretary ng vice-chairman.” Sagot ni Leigh.
Flor’s lips formed an ‘o’. “Really? Ikaw ang bagong secretary ni Sir Salazar? Ikaw pala ‘yong pinag-uusapan ng tsismosa doon sa opisina.”
“Tsismiso?”
Tumango si Flor. “Hindi ako mahilig sa tsismis pero narinig ko lang naman.”
Napatigil na si Leigh sa pagkain. “Anong sinasabi nila tungkol sa akin?” tanong niya. Pinagmasdan niya ang ekspresyon ni Flor. Flor was genuine and she was telling the truth.
“Just nonsense gossip.” Sagot ni Flor pagkatapos uminom ng tubig. “Kapag nagtagal ka na rito malalaman mo rin ang mga tsismis nila tungkol sa ‘yo.”
Napatango na lang si Leigh saka nagpatuloy sa pagkain hanggang matapos siya. Well, that’s how in a certain working environment works. Hindi talaga maiiwasan ang mga hindi magandang tsismis na kakalat kahit hindi naman totoo.
“Ingat ka na lamang sa mga kilos mo.” Paalala ni Flor habang nasa elevator sila. “At oo nga pala, iwasan mo na lang si Camille. Iyong babaeng nasa likuran mo kanina. Isa siya sa mga bully rito sa kumpanyang pinagtatrabahuan natin. Bully siya lalo na sa mga baguhan na kagaya mo. Siya kasi ang Director ng Human Resources Management Department.”
“Did she bully you before?” Leigh asked.
Ngumiti si Flor. “Yep, pero tumigil lang siya noong nasampulan siya ng asawa ko.”
Tumunog ang elevator at tumigil ito.
Flor stepped out of the elevator. “Bye. Let’s have lunch again next time.”
Tumango si Leigh. “Sige.” Tugon niya bago sumara ang elevator.
Nang makarating si Leigh sa kaniyang lamesa, nakita niyang may mga papeles doon at may note na nakalagay.
‘Give this to the Director of each department. Tell them to include it in their report tomorrow. Lumabas lang ako saglit. I’ll be back later.’ – Mikael
Tinignan ni Leigh ang oras. “It’s time to work again.” Aniya saka tinignan ang mga folder na nakalagay sa lamesa niya. Kinuha niya ito saka naglakad patungo sa may elevator.
Pumunta siya sa bawat department upang ibigay ang pinapabigay ng boss niya.
Nang makapasok siya sa Marketing Department, nakita niya si Flor. Nginitian siya nito kaya tinanguan niya ito saka siya dumeretso sa opisina ng Director ng Marketing Department. Ibinigay niya rito ang document.
“Director, Mr. Salazar said that you need to include these in your report in the meeting tomorrow.”
Tumango ang Director. “Okay. Thank you.”
Leigh slightly bowed her head and left the Marketing Department. Sunod niyang pinuntahan ang Human Resource Department. Ang Director yata ng HR ang pinakabata sa lahat ng department dito sa Salazar Empire.
Nakita niyang bukas ang pinto kaya kumatok siya bago pumasok. “Good afternoon, Ma’am.” Bati niya. “According to Mr. Vice-Chairman. Include this to your report tomorrow at the meeting.” Aniya saka inilapag ang documents sa harapan nito.
“Sige.”
Leigh slightly bowed her head and was about to leave when the Director spoke again. “What was your relationship with the Vice-Chairman?” tanong nito.
“Why are you asking, Director?” she asked in her most polite voice.
Director Ramos shook her head. “Marami ang nakakita na kumain kayo ng sabay ng vice-chairman noong nakaraang araw sa cafeteria. I’m telling you, if you are wishing to have the vice-chairman on the same bed with you. Don’t wish for it. Hindi ka niya papatulan.”
Napantig ang tainga ni Leigh saka napatitig sa Director ng HR. Hindi niya gusto ang salitang lumabas sa bibig nito kaya naman ngumiti siya ng peke. “Is it me wishing or is it you?”
Nawalan ng kulay ng mukha ng Director ng HR kaya naman natawa na lang ng mahina si Leigh saka niya tinignan ng deretso sa mata ang kaharap at malamig na nagsalita. “Director, mataas ang posisyon mo sa kumpanyang ‘to pero ito lang ang masasabi ko. Kung ayaw mong mawala ang pinaghirapan mo huwag mong pakialaman ng buhay ng ibang tao. And yes, I’m threatening you.” Aniya saka umalis.
Kumuyom naman ang kamay ng Director ng HR saka tinignan ng matalim ang pintong nilabas ng sekretarya ng vice-chairman.
Napailing naman si Leigh habang naglalakad siya pabalik sa kaniyang opisina. Kinalma niya ang kaniyang sarili. Uminit kasi ang ulo niya sa sinabi ng Director ng HR. Pero salamat na lang at natapos rin niya ang inutos ng boss niya.
She continued her work until the office hours ended. Inayos niya ang kaniyang lamesa saka kinuha ang sling bag. Umalis na siya at hindi niya inaasahan na paglabas niya ng gusali ay biglang bubuhos ang malakas na ulan. Mabuti na lang at silong sa harapan mismo ng gusaling pinagtatrabahuan niya kaya hindi na niya kailangang bumalik pa sa loob.
At habang naghihintay siya sa masasakyan, napansin niya si Flor na naghihintay rin ng sasakyan. Lalapitan niya sana ito pero may nagbusinang sasakyan at pumarada ang sasakyan sa may silong na parte ng gusali. Patakbong nagtungo doon si Flor saka sumakay sa passenger seat. It must be her husband. She thought.
Marami silang naghihintay ng masasakyan kaya naman paunahan sila pero hindi na nakipag-unahan si Leigh. Hinayaan na lamang niya ang mga kasama niya na mauna. Pero lumipas na ang isa at kalahating oras, malakas pa rin ang ulan. Mag-isa na lamang siyang naghihintay ng masasakyan pero mukhang wala na yata. Gabi na rin kasi at sa ganitong oras mahirap na ang mag-abang ng sasakyan ng ganitong oras.
Napabuntong hininga na lamang si Leigh habang matiyagang naghihintay ng sasakyan. Kung wala siyang mahintay, mapipilitan siyang maglakad pauwi kahit pa malakas ang ulan. Pero lumipas ang lima, sampo, kinse minutos hanggang kalahating oras, wala siyang nahintay na sasakyan at malakas pa rin ang ulan kaya naman walang nagawa si Leigh kundi ang maglakad pauwi. Wala siyang pagpipilian. Wala naman siyang sasakyan.
Susuungin na niya sana ang ulan nang marinig niyang may nagbusina. A car approached her. Huminto ito sa tapat niya. Bumukas ang bintana ng driver seat. Revealing her boss, frowning and looked pissed. “Get in.”
“Sir – “
“Get in, Leigh. Pareho rin lang tayo ng apartment building na uuwian.” Seryosong sabi ng boss niya.
Bahagyang natigilan si Leigh dahil ito ang unang beses na narinig niyang tinawag siya ng boss niya sa pangalan niya. He always calls him ‘Miss Secretary or Secretary Leigh’. Seryoso ang boss niya kaya naman hindi na siya nagsalita at sumakay na lang siya sa kotse nito.
When Mikael saw that Leight put on her seatbelt, he started the car and drove it to go home. “Where’s your boyfriend? Hindi ka niya sinundo? Malakas ang ulan, ah. Wala ba siyang konsensiya na baka mabasa ka sa ulan o di kaya wala kang masakyan katulad na lang ngayon.”
Nagtaka naman si Leigh. “Huh? Boyfriend?”
“Break up with him. He’s up to no good.” Seryoso pa ring sabi ni Mikael.
Leigh wanted to tell her boss that she doesn’t have a boyfriend but opted not to. Hindi niya maitama ang sinabi nito dahil baka magalit ito. Wala silang naging imikan ng boss niya hanggang sa makarating sila sa apartment nila. Hinintay niya itong makapag-park saka sila sabay na sumakay sa elevator. Wala pa rin silang imikan.
“Sir, thank you –“ her boss already closed his door’s apartment.
Leigh could only sigh and shake her head. “He’s in a bad mood.”
Unbeknownst to Leigh, she is the reason why Mikael is in a bad mood. Nang umalan ng malakas kanina, naisipan ni Mikael na dumaan sa Salazar Empire para sana tignan si Leigh kung nakauwi na ito. Alam niyang may boyfriend na ito pero hindi niya mapigilan ang sarili na tignan na lang ito sa malayo.
Panay ang tingin niya sa suot na relo dahil walang sumusundo kay Leigh. Halatang may hinihintay ang dalaga. Marahil ang boyfriend nito ang hinihintay nito pero walang dumating kaya naman nagagalit si Mikael. “That bastard… wala man lang siyang konsensiya. Hindi man lang niya sinundo si Leigh.”
Humigpit ang hawak ni Mikael sa manibela. Gabi na at mahirap mag-abang ng sasakyan sa ganitong oras kaya naman isinabay na lamang niya si Leigh pauwi. The whole time he was really pissed. Hindi na niya napigilan ang sarili niya na sabihan si Leigh na hiwalayan nito ang boufriend nito at malakas pa niyang isinara ang pinto dahil sa pinaghalong inis at galit niya.
That night, Mikael was pissed at himself. Dahil kahit anong gawin niya, ang simpleng pagkagusto niya noon kay Leigh ay mas lalong lumalalim ngayon. I’m screwed.