Aria POV Ang daling lumipas ng panahon, tapos na ang break namin, balik klase na naman. Wala akong kaibigan masyado sa school. Wala akong panahon makipag kaibigan, kadalasan sa kanila mapag husga, yong iba walang ginagawa kundi mag inarte, ang iba mangbubully. Kaya mabuti pang umiwas nalang baka mapahamak pa ako. Oy Pre, andun yong crush mo oh. Sige lapitan mo na; narinig kong usapan ng mga kalalakihan sa gym. Nasa gym ako kasi PE namin. Patuloy lang ako sa activity ko. Di ko pinansin ang mga usapan nila. Until may lumapit sakin. Hi, ako nga pala si Herbert taga Crim; pakilala nya. Nagtataka ako if ako ba kausap kaya lumingon ako sa kabilang side, walang tao. Ahmm, ako ba kausap mo? Tanong ko sa kanya para sure. Tumango sya habang nakangiti kaya sinagot ko na sya. Aria taga Business