Kerr POV: Dumating ako sa resort kinahaponan na, kaagad kong tinawagan si Alfred, para makausap. Kaya nagpaserve ako ng pagkain sa may garden area ng resort para may privacy at walang isturbo sa aming pag uusap. Kumusta Alfred? How’s Aria lately?; relax kong tanong. Sir hindi maganda ang nangyayari, kasi pagkatapos ng scandalo noong Sabado, kinalunisan, hinaharas parin sya ng grupo sa loob ng paaralan, di nman ako pwedeng pumasok kasi bawal kay nagbayad ako ng studyante sa loob para manmanan si Aria at ireport sakin ang pangyayari. Madaming kumakalat na larawan nya na nagtatrabaho club, kinukutya ng mga studyante, nagpakalat ng maling information ang grupo ni Herbert kaya mas lalong hinuhusgahan si Aria. Pati sa loob ng club sinusundan sya, kaya di na pumapasok sa school pati sa club.