HDT 2

2182 Words
MAYA Napahawak ako sa aking sentido nang magising ako. Inaninag ko ang ang lugar na kinaroroonan ko. At napabalikwas ako ng bangon nang maalala ang mga nangyari kagabi. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung nasaan ako ngayon. Nandito kasi ako sa malaki at malinis na kuwarto. Napabangon ako mula sa malambot na kama pababa sa tiles na sahig. Lalong sumakit ang ulo ko. “Mabuti naman gising ka na.” Napalingon ako sa pinto nang may marinig akong nagsalita. “Sino ka?! Bakit ako nandito?! Ikaw ba ang mastermind sa pagdukot sa akin!?” pag-aakusa ko sa kanya. Kumunot ang noo niya at saka ko lamang napansin ang bitbit niyang tray na may pagkain at isang tasa ng kape. “Mastermind? Pagdukot? At bakit naman kita dudukutin?” seryosong sagot niya sa akin. Pumasok siya sa loob at inilapag sa mesa ang tray. “Eh, bakit ako nandito? Huwag mong sabihin na may ginawa ka sa aking masama?” Napayakap ako sa aking sarili. Pero aside sa sakit ng ulo wala na akong ibang nararamdaman sa katawan at isa pa ito pa rin ang suot ko kagabi. “Alam mo miss, kababae mong tao nasa kalsada ka ng dis-oras ng gabi at lango ka pa sa alak. Hindi ka lang nang-eenganyo ng mga lalaking rapist pati na rin yung mga halang ang kaluluwa. Kung hindi ako napadaan baka nilalangaw ka na ngayon sa kung saang talahiban.” Kinilabutan ako sa mga sinabi niya. Yun ang unang beses na ginawa ko yun sa tanang buhay ko at muntik ko pang ikapahamak. Mabuti na lamang at may nagmagandang loob na iligtas ako kagabi dahil kung hindi baka nga yun ang kinahinatnan ko. “Dinala kita dito dahil hindi ko alam kung saan kita dadalhin. But don’t worry, wala akong ginawa sa’yong masama. Hindi ako ganung klaseng tao. Mabuti pa kumain ka na at nagdala na rin ako ng pain killer in case na kailangan mo. Pagkatapos ay puwede ka nang umalis.” seryosong sabi niya sa akin. Akmang lalabas na siya ng pinto pero pinigilan ko siya sa braso. “Sorry sa mga nasabi ko, at salamat na rin sa pagmamalasakit mo sa akin.” Wika ko sa kanya. Tumango siya at binitawan ko na rin ang braso niya bago siya lumabas ng pinto. Kinain ko ang pagkain na dala niya sa akin at ininom ko rin ang gamot na bigay niya. Napaka-suwerte ko pa rin pala dahil kahit muntikan ko nang ipahamak ang aking sarili ay nagawa kong makaligtas dahil sa kanya. Pagkatapos kong kumain ay pumasok ako sa banyo at naghilamos. Inayos ko sa salamin ang mahaba kong buhok. Binura ko na din ang natitira sa manipis kong make-up. Kinuha ko ang sling bag na dala ko at lumabas na rin ako ng kuwarto. Hindi ko maiwasan na mamangha dahil sa ganda at laki ng bahay kung nasaan ako ngayon. Mayaman pala ang lalaking nagligtas sa akin. Paano kaya ako nakarating sa kuwarto? Binuhat kaya niya ako? Nagpatuloy ako sa pagbaba ng hagdan at nagpalinga-linga sa paligid hangang sa may makita akong naka-awang na pinto. Pigil ang pahinga na lumapit ako doon nagbabaka-sakali na may tao at makapag-paalam man lang ako ng maayos bago lumabas. Ngunit may nakita akong matanda na naka-upo sa wheelchair. Puti na ang kanyang buhok. “I told you to eat! But look at you? You’re so messy!” singhal ng babaeng manipis ang kilay na nakasuot ng blue na uniporme. Hindi ko napigilan ang sarili na buksan ang pinto dahil inambahan na niyang sampalin ang kawawang matandang babae. “Itigil mo yan!” singhal ko sa kanya. Nagulat siya nang makita niya ako. Sa tingin ko lagpas eighty years old na si lola at pinapakain niya ito ng lugaw. “Sino ka?” tanong niya sa akin, sinamaan ko siya ng tingin. “Bakit mo siya sinisigawan? Ganyan ba ang natutunan mo kung paano ang tamang pag-aalaga?” Nilapitan ko ang matanda at pinunasan ko ng malinis na pamunas ang kanyang bibig. “Okay lang po ba kayo?” Nakatingin lang siya sa akin at nangingilid ang luha. Nahabag ako sa kanyang kalagayan. Imbis na kalingain ng tama ay mas pinahihirapan pa ang kanyang buhay. “Kung hindi ako pumasok dito baka sinaktan mo na siya.” “Hindi totoo yan!” singhal din niya sa akin. Halata ko sa kanya na guilty siya sa ginawa niya. “Anong nangyayari dito?!” Sabay kaming napalingon nang marinig namin ang malakas na boses ng lalaking nagdala sa akin dito. “Bakit? Anong nangyari kay Grandma?” usisa niya. Lumapit siya sa matanda at tinignan ito. Bago humarap sa babaeng nag-alalaga dito. “Wala po akong ginagawang masama Sir Felip. Pinapakain ko lang po si Madam. Tapos niluwa niya ang pagkain kaya tumapon. Akala niya ay sinaktan ko na si madam.” pagdadahilan niya na ikina-inis ko lalo. “Sinungaling ka! Sinigawan mo siya kanina at muntik mo pa siyang saktan mabuti na lang at nakita ko bago mo pa siya saktan. At sino ba naman ang hindi iluluwa ang pagkain kung mainit mo pa itong isusubo sa pasyente! Anim na taon akong caregiver sa Singapore kaya alam kong mali ang paraan ng pag-alalaga mo. Kung hindi mo kayang habaan ang pasensya mo sa mga pasyente better to quit your job.” wika ko sa kanya na ikinagulat niya. Akala niya siguro hindi ko nakitang umuusok pa ang lugaw na hawak niya. “Totoo ba yun?” “S-Sir hin-” “Leave! Kung ayaw mong ipakulong kita umalis ka sa harapan ko ngayon din!” igting ang pangang singhal niya. Kaagad siyang umalis sa harapan namin. Nagulat ako nang hawakan ng matanda ang pulsuhan ko kaya yumuko ako at lumuhod sa harapan niya. “T-thank you…” mahinang sambit niya. Hindi ko maiwasan ang ma-apektuhan nang sabihin niya yun. Isa din sa dahilan ng pag-uwi ko dahil kamamatay lang ng matandang inalagaan ko ng halos tatlong taon. Napamahal na rin ako sa kanya kaya nagluksa din ako nang mawala siya. Pinunasan ko ang luha sa sulok ng aking mata at pinigilan ko ang aking emosyon. “Wala po yun madam, ihahanap po kayo ng bagong mag-aalaga ni sir, kaya huwag na po kayong mag-alala.” mahinahon kong sabi sa kanya. Tumayo ako at hinarap ang seryosong mukha ng lalaki. “Sir, salamat sa pagligtas mo sa akin kagabi. Mauuna na po ako dahil kukunin ko pa ang mga gamit ko sa motel. Sana po palagyan niyo ng CCTV ang kuwarto ng lola niyo para hindi na maulit ito. Salamat po, aalis na ako.” paalam ko sa kanya ng maayos. “Madam, aalis na po ako magpagaling kayo.” paalam ko din sa matanda. Lumabas na ako ng kuwarto nila at tumuloy ako sa front door. Tirik na ang araw sa labas pagkalabas ko at kailangan ko nang balikan ang mga gamit ko. Hindi ko alam kung nasaang lugar pa ako. Magpapahatid na lang ako sa taxi. Malapit na ako sa gate nang may marinig akong boses. “Sandali miss!” Napalingon ako sa likuran ko at tumatakbo na papalapit sa akin ang lalaki. “Bakit po?” nagtatakang tanong ko sa kanya. “Sorry, pero pinaki-alamanan ko ang cellphone mo kagabi. Baka kasi may pamilya kang nag-iintay sayo. At hindi ko sinasadyang mabasa ang mga ilang text message sa’yo. Kung hindi ka na babalik sa Singapore puwede bang dito ka na magtrabaho?” alok niya sa akin. Hindi ko ina-asahan na binasa niya pala ang mga text message sa akin ni Mark at Mary. “Libre lahat pagkain, tirahan at may benefits kapa. Kahit triplehin ko pa ang sahod mo basta alagaan mo lang ang Lola ko. Please?” paki-usap pa niya nang hindi agad ako sumagot. “Sigurado ka ba? Hindi ka kaya malugi sa akin? Malakas akong kumain.” wika ko sa kanya na tipid niyang ikinangiti. “Wala akong paki-alam basta maging safe lang ang lola ko. Madalas kasi akong wala sa mansyon dahil sa negosyo. Siya nalang ang natitira kong pamilya kaya sana…pumayag ka na.” Natahimik ako sandali at inisip kung papayag pa ako. Pero malaki na din ang utang na loob ko sa kanya dahil nailigtas niya ako kagabi at pabor naman sa akin ang lahat ng sinabi niya. “Sige, payag na ako…pero kailangan ko pong makuha ang mga gamit ko sa motel.” “Really? Thank you, miss,” nakangiting sabi niya sa akin. Mas guwapo pala siya kapag nakangiti kaysa nakasimangot. “By the way, I’m Felip.” Pakilala niya dahil kanina pa kami nag-uusap pero hindi ko man lang din naalala na itanong ang kanyang pangalan. Inilahad niya ang kanyang palad sa harapan ko at inabot ko yun. “Maya Sandoval po.” sagot ko sa kanya at matamis na ngumiti. Pinasamahan niya ako sa driver niya upang kunin ang mga gamit ko. Pagbalik ko sa mansyon ay dinala naman ako ni Aling Simang ang mayordoma sa magiging kuwarto ko. Katabi lang ito ng kuwarto ni Madam Lola. Inayos ko sa built-in cabinet ang mga gamit ko at pagkatapos ay nagpalit na rin ako ng uniporme. Naging abala ako sa pag-alalaga kay Madam Lola. Sinigurado kong malinis ang buong kuwarto niya at mabango. Palagi ko rin siyang kinaka-usap kahit bihira niya akong sagutin. Sanay na ako sa ganitong trabaho kaya easy na lamang sa akin ang mag-alaga. “Madam, magpahinga ka na okay?” Inayos ko ang kumot niya at lumabas na rin ako ng kuwarto. Nag-unat ako ng kamay at napahikab dahil sa pagod. “Kumain ka na ba—" “Ay kabayong malaki!” gulat ko nang magsalita siya mula sa likuran ko. “Sir, huwag naman kayong nangugulat ng ganyan.” Ngumiti siya at lumapit sa akin. “Kakarating ko lang galing opisina. Kumusta si Grandma? Kumain ka na ba?” Sunod-sunod na tanong niya. “She’s okay po, nagpapahinga na rin siya. Hindi pa ako kumakain kasi inuna ko muna si Madam Lola.” Sagot ko na ikinangiti niya. “Magpapahanda na ako ng dinner mamaya. Sabayan mo na ako magpapalit lang ako ng damit.” Pagkatapos niyang sabihin yun ay tinalikuran na niya ako. Pumasok ako sa kuwarto ko at nagpalit ako ng simpleng bistida. Inayos ko din ang buhok ko at naglagay din ako ng pulbos sa mukha dahil oily skin na naman ako. Pagpunta ko sa kitchen ay nakahanda na ang pagkain. At nakaupo na rin siya. “Maupo ka.” Nasa dulo siya ng mesa at nasa kanan naman niya ang pingan ko. Nahihiya man ay naupo ako sa tabi niya. “Anong gusto mong ulam?” Pinasadahan ko ng tingin ang nakahain na tatlong putahing ulam may ginisang gulay, karne na nilagyan ng patatas at carrot na may tomato sauce at meron ding steam fish. “Kahit ano, wala naman akong pili saka mukhang masarap naman lahat.” Nakangiting saad ko sa kanya. Sinandukan niya ako ng kanin at hinayaan niya akong kumuha ng ulam na gusto ko. “Huwag kang mahiya sa akin. Kumain ka ng marami para magkalaman ka.” Kaninang umaga lang kami nagkakilala pero ang gaan na ng loob ko sa kanya. At alam ko mabuti din siyang tao. Pagkatapos naming kumain ay nagpahingin muna ako sa labas upang magpababa ng kinain ko. Buong araw kong hindi naisip si Mark at kapatid ko. Buong araw kong itinuon sa pag-aalaga kay Madam ang oras ko. Simula ngayon kakalimutan ko na ang lahat ng sakit at magpapatuloy akong mabuhay para sa aking sarili. Alam ko malalagpasan ko din ang lahat. Hindi ko alam kung ano ang plano ng diyos para sa akin. Pero sa tingin ko kung saan man ako dalhin ng kapalaran. Ibibigay niya ang nararapat na para sa akin. “Bakit nandito ka sa labas?” Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Sir Felip may dala siyang isang tasa ng tea. “Wala po sir, nagpapahangin lang.” tipid na sagot ko sa kanya. “Ah, akala ko iniisip mo yung mga taong nanakit sa’yo.” sambit niya na ikinalingon ko ulit sa kanya. “Naisip ko din yan sir, kung bakit nagagawa ng mga tao ang manakit. Bakit may mga taong pinipili nilang makasakit maging masaya lang sila.” wala sa loob na sabi ko sa kanya. “Pain, makes us stronger, kasama yan sa buhay. We’re human. Kaya mahala na mahalin ang sarili higit sa lahat.” Napatingin ako sa kanyang mukha nang sabihin niya yun. “W-Why? May dumi ba ako sa mukha?” usisa niya nang mahuli niya akong nakatitig sa kanya. Nag-init ang aking pisngi at nag-iwas ako ng tingin. “Wala lang po, hindi ko kasi alam yan noon. Akala ko kapag minahal ko ang mga taong natitira sa buhay ko. Pagmamahal din ang isusukli nila sa akin. Kaya nagkamali ako.” Dumaan ang lungkot sa aking mukha. Naalala ko kasi ang mga binitawang pangako sa akin ni Mark noon. Kaya nag-sakripisyo ako ng sobra. Pero ngayon, kahit mahirap. Ibabangon ko ang aking sarili. At hinding-hindi na ako ulit iiyak nang dahil sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD