SHEINA
Ang sama-sama ng panaginip ko. Kausap ko raw si Lola. Nagsusumbong daw ako sa kanya dahil pinaiyak daw ako ni Jeron. pero ang sabi lang ni Lola sa akin, karma ko na raw iyon dahil marami raw akong pinaiyak na mga manliligaw ko noon. Tapos biglang tumawa si Lola ng pangkontrabida, at sinabi sa akin na hindi raw magtatagal at iiwan ako ni Jeron dahil masama raw talaga ang ugali ko. Kapag nalaman daw talaga ni Jeron kung ano ang tulnay kong kulay, iiwan niya rin daw ako.
"Sheina."
Hindi ko alam na umiiyak na pala ako nang malakas. Leche kasing panaginip 'to. Parang totoo talaga eh. Ayoko namang iwan ako ni Jeron. Hindi pwede yon.
"Sheina, wake up, babe. Nananaginip ka."
Doon lang ako nagising. Niyuyugyog na pala ako ni Jeron. Nang tingnan ko siya, bakas sa mga mata niya ang pag-aalala. Akala ko nga noong una ay parte pa rin siya ng panaginip ko, dahil paano siya nakapasok dito sa bahay eh alam kong ni-lock ko yun kagabi? Pati itong kwarto ko. Pero hindi na iyon importante. Ang mahalaga ay nandito na siya.
Kaagad akong bumango at niyakap ko siya. Saka ako napaiyak nang bongga. Nabigla pa nga siya doon, pero kaagad niya rin naman akong pinakalma. Hinalikan niya ako sa noo ko at pinahid niya ang mga luha ko. "Shhh.... It's alright. teka, kukuha ako ng tubig. Diyan ka na. Wag ka na munang tumayo," pag-alo niya pa sa akin.
Nahihiyang tumango na lang ako habang lumabas na siya ng kwarto. Pagbalik niya, hindi lang isang baso ng tubig ang dala niya kung 'di isang tray na rin ng pagkain. Nakapagluto na pala siya ng almusal namin. "Teka, ano'ng oras na? Baka ma-late ka?" tanong ko dahil pinapanood niya pa akong kumain. Sabi niya kasi, tapos na siyang kumain at papasok na siya sa Helath Center. Nakasuot na nga siya ng t-shirt niya na may logo ng DOH eh. Sabi niya kasi maglilibot siya ngayon sa mga bahay para mamigay naman ng vitamins sa mga bata.
"Medyo maaga pa naman. Sige na, kumain ka na muna. Papasok ka ba ngayon? Kahit mag-half day ka na lang if hindi maganda ang pakiramdam mo," suggestion niya. "I'm sorry babe, if naiwan kita rito mag-isa. I'm such a uselsess boyfriend. Hindi ko man lang naisip ang mga posibleng nangyari sa 'yo rito kagabi. I was terrified when I realized that on the way back here."
Napaismid ako doon. "Ayan kasi, masyadong na-busy doon sa best friend mo."
"Sorry na. Hayaan mo, mamaya. Ipapakiusap ko na lang kina Claire na samahan ka nila ni Raffy dito---"
Pinandilatan ko siya ng mga mata niya. "Haler? Kagabi ko pa sinabi sa 'yo yan, na papupuntahin ko na lang dito si Claire para mag-sleep over, pero hindi mo naman narinig."
Napakamot siya sa ulo niya. "Ah, ganoon ba? Sorry ha." And then bigla siyang napahilamos sa mukha niya. "Nahihiya talaga ako sa 'yo, babe. Sa sobrang panic ko kahapon, hindi ko na naisip na dahil iniwan kita, ikaw naman ang nalagay sa alanganin. Maybe I should just stay here later, right? Maiintindihan naman siguro ni LJ."
Natuwa naman ako doon sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang naririnig ko yun sa kanya. Akala ko kasi ay hindi niya maiisip na iwanan ang babaeng yun, pero heto siya ngayon at nagbabalak na ngang dumito na lang mamayang gabi. Doon pa lang, parang sasabog na ang puso ko sa tuwa. Hindi ko rin naman kasi in-expect na magi-guilty siya nang ganito. Lalo na at hindi naman ako tumutol.
"Babe, hindi ka naman galit 'di ba? Binabaan mo kasi ako ng phone kagabi. Tapos nong tinawagan na kita, hindi na kita makontak."
Namula ako sa tanong niya. Mukhang ako naman ang hiyang-hiya dahil doon. "Ah kasi... ano... lowbat na ako tapos na-empty na siya..."
Hindi siguro ako magaling na sinungaling dahil natawa lang si Jeron doon. Alam niya kaagad na nagsisinungaling ako kaya nakakaasar din ang lalaking 'to. "Look, babe. Hindi mo kailangang itago sa akin kung nagseselos ka---"
Napatayo ako nang wala sa oras nang sabihin niya yun. Nakapameywang pa ako nang sagutin ko siya. "Excuse me? Hindi ako nagseselos non ha? Na-lowbat lang talaga 'yung phone ko! Tapos inaantok na rin ako kaya natulog na lang din ako!"
"Babe, nataranta ako nang hindi ka na sumagot kagabi. The first thing that went into my mind is baka may pumunta na sa 'yong NPA member dito. Kaya nga kaagad kong tinawagan kagabi si Raffy para i-check ka."
Nawindang ako doon sa revelation niya. "Pinapunta mo rito si Raffy kagabi?"
Tumango siya na ngiting-ngiti na. "Yes, babe. Katok nga raw siya nang katok sa pinto mo. P{ero hindi ka sumasagot. And then umikot siya sa likod dito sa may bintana ng kwarto mo, and then narinig ka raw niyang umiyak. Nahiya lang siyang kumatok na ulit dahil parang medyo upset ka nga raw."
Parang tinakasan na ako ng dugo dahil sa mga sinabi niya. OMG kasi kung totoo iyon, so ibig sabihin alam ni Jeron kagabi pa na nagselos talaga ako kaya ko siya pinatayan ng tawag? Jusko! Nakakahiya!
Biglang lumapit sa akin si Jeron, at niyakap niya na naman ako. "Baby, hindi mo kailangang itago sa akin kapag galit ka o nagseselos, okay? I would appreciate it if sasabihin mo sa akin agad, para alam ko na. Kasi kahit gaano ako katalino, babe, I'm still a guy. That means that most of the time, I will be stupid and dense. It will take time para mag-mature ako sa bagay na yan, so sorry for that---"
Natawa na ako doon na inaamin niyang stupid siya at dense pero matalino din daw siya. Bweset 'tong lalaking 'to. "Okay na," sagot ko sa kanya. Hinalikan ko pa siya sa cheeks niya para ipakitang nag-evaporate na 'yung selos ko sa katawan ko.
"Huh? What do you mean?"
"Okay na. Okay na ako tungkol sa sitwasyon mo sa best friend mong yun. Kahit bumalik ka doon mamayang gabi, ayos lang. Magpapasama na lang talaga ako kay Claire. Kailangan ko rin talaga siyang makausap nang matagal, mag-girl talk na lang kami."
"So h-hindi ka na magseselos?" tentative niyang tanong.
"Bakit, may dapat ba talaga akong ikaselos?" balik ko naman sa kanya.
"Of course not, babe! Best friends lang kami ni LJ. And you know, ever since nakilala kita, I tried as much as possible na magkaroon ng distance sa pagitan naming dalawa, because I know that having a girl best friend will become a potential issue in our relationship."
Nagtaas ako ng kilay doon. "Kaya ba hindi mo siya binanggit sa akin kahit isang beses ever?"
Umiling siya. "It's not that, babe. Ano lang kasi, I was thinking na we were still in the early stages of our relationship kaya pakiramdam ko 'non saka ko na dapat ikwento ang tungkol sa kanya. But apparently mali ako doon, kasi nga alam kong nabigla ka na lang na may best friend pala akong babae."
"Hindi lang ako nabigla. Naloka pa. Kasi mag-agree ka man sa akin o hindi, Jeron. Walang mag best friend na babae at lalaki na pure platonic ang relationship nila. Parating may at least isa sa kanila na magkakaroon ng feelings."
"It's not always like that," sagot niya naman. "In our case, we never really considered to be together. Bata pa lang kami, magkakilala na kami eh. Nakita na namin ang best and worst ng isa't-isa to the point na nakakasawa na ang pagmumukha namin. We act like brother and sister because we were brought up that way. Kaya iniisip ko pa lang 'yung idea na maging kami, natatawa na ako, babe."
"Weh? Talaga? So hindi mo siya nagustuhan, ever?"
Nakita ko siyang umiling nang maraming beses. Napataas tuloy ang mga kilay ko ulit. "Maniwala ka, babe. I never saw her like that. She's a sister to me kasi. And that's how she feels about me too. nandidiri ngayon kapag may nagkakamali dati at napagkakamalan kaming mag boyfriend. And besides, may gusto siyang ibang lalaki. Kaya 'wag ka na magselos diyan."
"Hindi naman kasi ako nagseselos! Eh 'di mag-live in pa kayo kung gusto mo!"
Napahalakhak na siya nang bongga, at ako naman, itinulak ko na siya palabas ng kwarto ko para umalis na siya at pumasok ng trabaho. Sinunod ko na lang siya na magha-half day na lang ako. Pagkaalis niya, saka naman ako nakaramdam nang matinding hiya dahil napaka-obvious ko pa lang magselos. Tuwang-tuwa tuloy ang lalaking yun!
***
Hindi ako pinansin ni Larry nang makita niya ako sa palnegke kinabukasan, and somehow nasaktan ako doon. Eh kasi naman, mukhang nag-iba na ang tingin niya sa akin ngayon. Ang sama-sama ko na sigurong tao sa paningin niya, and honestly, nasasaktan ako doon. Kahit noong rehearsal sa Mister and Miss san Policarpio, hindi niya man lang ako nilapitan. Sina Morrie at Janna, iyong isa pang magandang kandidata, ang kumakausap sa akin noong break.
"So ano 'tong naririnig kong bali-balita, Ate Sheina. Totoo ba na may best friend itong si Doc Jeron sa Malvar at doon daw siya nagpapalipas ng gabi?" tanong sa akin ni Morrie habang nagla-lunch kami dito sa karendirya nila. Whole day kasi ang rehearsal dahil sa weekend na ito gaganapin. Absent nga na naman ako sa trabaho dahil dito kaya parang nahihiya na ako kay Jeron, pero okay lang naman daw. Nasa kabilang table naman sina Larry at ang iba pang mga lalaking contestant at maiingay din sila habang nagkukwentuhan, pero tahimik lang si Larry.
"Ah oo... Si LJ," sabi ko at kinuwento ko na kung bakit doon natutulog si Jeron sa gabi habang kami ni Claire ang magkasama sa bahay. Nakita kong nakatingin sa akin si Larry, pero nang tumingin ako sa kanya pabalik ay nag-iwas na ito ng tingin.
"Grabe. Nakakaselos yan. Hindi ka ba nagseselos, Ate? Kung ako yan, baka sinugod ko na 'yang best friend niya at nakatikim na sa akin yan ng kambal na sampal."
Natawa ako doon. "Ang harsh mo naman, Morrie. Bakit ko naman gagawin yan, eh wala naman siyang masamang ginagawa sa akin. Magkaibigan sila ni Jeron, best friends pa. Magkakilala na sila bago pa naging kami ni Jeron kaya sino ba naman ako para pigilan silang magdamayan. At saka naaksidente na nga iyong tao eh. Nabagok na ang ulo. Kawawa naman. Bukas naman daw ay nandito na ang parents niya sa okay na."
"Eh kahit na 'no? Kasi kung may common sense din siya, dapat hindi na niya masyadong inaabala si Doc Jeron. Bababe rin siya. Dapat alam niya kung ano ang marararamdaman ng girlfriend ng best friend niya. Kaso hindi. Parang hindi man lang nagi-guilty na inaagaw niya ang oras ni Doc Jeron mula sa 'yo---"
"Ano ka ba, Morrie. Okay lang naman," sagot ko, pero deep inside nakaramdam na naman ako ng inis sa Lj na yun dahil oo nga naman, kahit na ganyan ang sitwasyon niya, dapat kinausap niya man lang ako, or nagi-effort man lang siya na i-assure ako na walang nangyayaring kababalghan sa kanila ni Jeron. Kung hindi lang talaga malaki ang tiwala ko kay Jeron, baka sumama na ako sa pagbabantay sa kanya eh. Kaso ayoko talaga sa amoy ng ospital, nahihilo ako. At saka ang layo ng Malvar.
"Naku, Ate, pustahan tayo. Mai-extend 'yang pag-stay doon ni Kuya Jeron. Maniwala ka sa akin. Alam na alam ko na ang mga galawang ganyan," pangaakusa pa ni Morrie at natatawa na lang kami ni Janna sa kanya. "Maniwala ka, Ate Sheina. kapag 'yang pagbabantay ni Doc Jeron sa kanya ay ma-extend, magduda ka na sa 'best friend' niyang yan. Baka ahas pala yan! Naku! Wala na pa naman sa gubat ang mga ahas! MInsan best friend na siya!"
"Grabe ka naman, eh paano pala kung mabait itong best friend ng boypren ni Ate Sheina?"
"Kung mabait yan, iisipin niya na may jowa na si Doc Jeron at hindi na siya magpapabebe na akala mo underage na kailangan pa ng bantay! Naku! Mga ganyan talaga ang madaling makasira ng relasyon, iyong akala mo hindi talaga malaking threat! Pero ano ka, hindi ba't ang maliit ang nakakapuwing?"
Natawa lang ako doon, pero alam ko na may point din talaga si Morrie. Kaya napaisip tuloy ako. At pagkatapos ng rehearsal namin, dumiretso ako agad kay Jeron sa Health center para sabihin sa kanya ang suggestion ko. Busy siya sa ilang papeles nang dumating ako. Pero nagula tsiya at napangiti nang makita ako.
"Babe! You're here! Miss mo na ako, 'no?" biro niya pa sa akin dahil hindi niya alam kung ano ang lalabas sa bibig ko.
"Nagpunta ako rito para sabihing sasama ako mamaya sa Malvar para bantayan si LJ," sabi ko.