Kabanata 24

2161 Words
SHEINA "Because I know how it feels to be cheated on. My ex cheated on me before, and I carried the pain for years, Sheina. Hindi biro iyon. That's why I will never let you feel the same pain." Natigilan ako doon. Hindi ko kasi in-expect na yun ang isasagot niya. "I'm sorry..." sabi ko na lang. "H-Hindi ko alam..." Bigla niya naman akong niyakap pagkasabi ko 'non. Baka na-guilty siya na biglang lumukot ang mukha ko at naging seryoso na angh usapan naming dalawa. "No worries, babe. Nakaraan naman na yun." "Okay..." "And I already moved on from it. Ang tagal na rin naman 'non." "Ah, oo nga. Kasi sabi mo iisa lang ang girlfriend mo at yun ay noong high school pa. So nag-cheat siya noong high school pa kayo? Kwento ka naman if okay lang." Nakita kong nagtass ang kilay niya doon. "You're that interested in my life?" tukso niya. "Oo naman!" depensa ko. "Tama lang naman na curious ako sa 'yo, 'di ba? Kasi mas gusto pa kitang makilala. Mas magulat ka kapag hindi ako naging interesado sa nakaraan mo, Jeron, kasi it means wala akong pakialam sa 'yo." "Okay, okay," aniyang natatawa pa rin. "Ano ba gusto mong malaman?" Ngumuso ako. "Ikaw, ano ba ang gusto mong i-share? Hindi naman kasi kita pipiliting magkwento lalo na kung hindi ka kumportable sa ikukwento mo sa akin." Yun ang sinabi ko dahil ayoko namang maging dahilan pa ako para muling magbukas ang mga sugat sa puso niya, 'di ba. Mas maganda iyong siya na bahala kung ano ang ikukwento niya. Ang importante naman ay galing sa kanya. Kwento niya.  "Wala naman akong tinatago kaya kahit ano pwede kong sabihin sa 'yo. Lalo na sa 'yo, babe, because you are right. Dapat lang naman talaga na interesado tayo sa isa't isa. Kaya okay lang sa akin na malaman mo kahit 'yung mga bagay na dapat ko nang kalimutan." "Eh 'wag mo na lang pala ikwento kung gusto mo na palang makalimutan ang tungkol doon, Jeron. Okay lang sa akin kung hindi ko malaman---" Nilagay niya agad ang daliri niya sa mga labi ko para pigilan na akong magsalita pa. Natameme naman ako doon dahil ito 'yung palagi kong nakikita sa mga pelikula eh. Ito 'yung teknik ng mga bidang lalaki para pakiligin ang mga babae. At peste alam ko namang gusto niya lang akong patigilan nang magsalita, pero bakit ganito at ang bilis na naman ng t***k ng puso ko? Lalo na ngayong nakatingin siya sa akin na para bang kaya niyang makipagtitigan sa akin hanggang sa dulo ng walang hanggan?  At dapat pala nag-iwas na ako ng tingin, dahil mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Namalayan ko na lang na lumapit na ang mukha niya sa akin. Nakapikit na siya kaya pumikit na rin ako. And just like that, naghahalikan na kaming dalawa ni Jeron. Ganito pala iyong 'cloudy' ang utak. Kapag nababasa ko ang description na yun dati sa school o sa mga libro, napapaisip ako kung paano nga ba ang ganoon? I mean, paano nagiging maulap ang utak? Eh wala namang langit sa loob ng ulo mo eh. Pero naiintindihan ko na ngayon kung ano ang sinasabi nila. Dahil ngayong naghahalikan kami ni Jeron, habang gumagalaw ang mga labi niya sa ibabaw ng labi ko, at habang mahigpit na nakahawak sa beywang ko ang mga kamay niya, pakiramdam ko natakpan ng mga ulap ang utak ko. Kanina ang dami ko pang iniisip. Kung sino ba itong ex niya noong high school siya na nag-cheat sa kanya, o kung bakit naman siya niloko ng babaeng yun sa bait niya. Ini-imagine ko na nga nang very, very light kung paano siya nasaktan nang bongga nang malaman niya na niloko siya ng ex niya. Hula ko pa nga ay umiyak siya hanggang sa makatulog siya. Para kasing siya 'yung tipo ng lalaki na iniiyakan ang babae kapag mahal na mahal niya. Pero nang bigla niya akong halikan, nawala ang lahat ng mga iniisip kong iyon. Automatic na tumugon ako kahit hindi ko naman talaga alam kung paano humalik nang tama. Basta ginagaya ko lang ang katawan niya. Hindi ko rin ide-deny ang kilig at sarap ng pakiramdam ng ginagawa namin ngayon. Noong una, akala ko mandidiri ako sa mga ganitong bagay. Duh? Magpapalitan kaya kayo ng laway. Parang ang kadiri naman. Pero ngayong ginagawa na namin ni Jeron, ni hindi ko na nga naisip iyon kung hindi ko pa naalala kung gaano kaganda ang pakiramdam ko ngayon. Para akong nasa langit. Lalo na at ramdam ko ang katawan ni Jeron na nakadikit naman sa katawan ko. Grabe, ganito pala kasaya at ganito pala kasarap ang making out. Bakit ngayon ko lang na-experience 'to? Hanggang sa naramdaman kong parang gumagalaw na ang mga kamay niya, at doon na parang nahawi ang mga ulap sa utak ko. Luminaw na ulit ang pag-iisip ko, kaya marahang naitulak ko na si Jeron dahil baka kung saan pa mapadpad ang mga kamay niya. Mahirap na. Baka magkatotoo pa ang mga pinagsasabi ni Aling Marcia na mabubuntis na ako. Eh 'di parang kinain din namin ni Jeron ang mga sinabi namin sa matandang chismosa na yun. "Awat na muna, Jeron. Baka mag-manifest 'yung bunganga ni Aling Marcia." Napakamot sa ulo niya si Jeron. "Sorry. Nadala ako." "Okay lang. Ako rin naman eh." "Kaya nga ang saya ko ngayon, Sheina. Hindi lang dahil magkasama na tayo rito, kung 'di ramdam ko talaga na gusto mo rin ako. Minsan kasi napapaisip ako kung totoo ba itong mga nangyayari eh. Sometimes I think this is all just a dream. Pero totoo na talaga 'to. That's why I'm so happy." "Ah eh... M-Masaya rin naman ako," sabi ko na lang dahil baka kung ano pa ang masabi ko sa kanya ngayon. Ang saya-saya pa naman niya ngayon. Ayoko namang sirain yun. Kaya para matigil na itong usapan namin, niyaya ko na siyang matulog na. Siyempre, doon siya sa kwarto niya. Habang ako naman ay pumasok na sa kwarto ko at hinanda ko na ang hihigaan ko. Ang kaso naman, hindi ako dinadalaw ng antok, kaya pupunta sana ako ng kusina para magtimpla ng gatas, pero pagkabukas ko ng pinto ay nakita kong nakatayo roon si Jeron! Napasigaw tuloy ako dahil sa gulat! "Jusko namang lalaki ka!" saway ko sa kanya nang maka-recover na ako sa takot. "Bakit ka naman nandito sa tapat ng pinto ng kwarto ko? Balak mo akong pasukin 'no?" "Ha? Ah eh...oo---" "Ano? So balak mo nga akong pasukin?" "Oo... Ay hindi... I mean, gusto ko sanang diyan sa 'yo matulog." Halos lumuwa na ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "HA?" Nakita kong parang nahiya na siya sa sinabi niya. "I'm sorry, Sheina," pa-cute niyang sabi sabay kamot sa ulo niya. "Pero hindi kasi ako makatulog sa kwarto ng Kuya mo eh. Namamahay pa yata ako. Saka natatatakot pa rin ako na baka may rebelde na naman na pumasok dito sa bahay mo, tapos hindi ko man lang mapapansin na napasok ka na riyan sa kwarto mo dahil wala ako diyan." Gusto kong matawa sa mga palusot niya pero naalala ko ring may valid point siya. Paano kasi kung bigla ngang may pumasok dito ulit? Eh 'di lagot pa rin ako dahil baka nga pumutok na ang bungo ko mula sa baril ng mga siraulo bago pa magising si Jeron. Tama ang sinasabi niya na mas maganda kung magkasama kami sa iisang kwarto. Kapag ganoon ang set up namin ay magiging kampante ako dahil at least may kasama ako kung sakali mang may manloob ulit dito sa bahay. "O sige na, payag na akong dito ka matulog. Ayoko ring mapahamak ulit 'no. Saka narinig mo naman 'yung sinabi ng friend mong psychologist noong stress debriefing ko, 'di ba. Mas maganda raw kung may kasama ako lagi kahit saan ako magpunta para ma-lessen iyong paranoia ko." "Kaya nga, babe. Saka kahit sa sahig lang naman ako eh. Ang importante nandito ako sa kwarto mo." Natawa ako dahil talagang ngumuso pa si Jeron na para bang nagpapa-cute sa akin. Eh cute naman na talaga siya. "Sira. Gusto mo bang magka-pulmonya? Hindi mo kakayanin ang lamig sa sahig, ano ka ba. Sa kama ka na lang din matulog. Maglagay na lang tayo ng harang na unan sa gitna para hindi mo ako gapangin." "Hindi naman kita gagapangin eh," aniya. "Eh 'di papatungan." "Hindi ko rin naman gagawin yun. Matutulog lang naman tayo." Natawa ako nang bongga doon. Tuluyan na talagang nawala ang antok ko. Letsugas kasi itong si Jeron. Gusto lang na maka-chancing sa akin, ang dami pang palusot. "O sige na, pumasok ka na. Magdala ka ng unan mo. Magtitimpla lang ako ng gatas." Natuwa naman siya sa sinabi ko. Kaya pagbalik ko, nakahiga na siya sa right side ng kama ko, at may mga unan na sa gitna bilang 'divider' sa pagitan namin. Nagsi-cellphone pa siya pero napatingin siya nang pumasok na ako ulit ng room.  "O, ba't 'di ka pa natutulog, Jeron de Veyra? Matulog ka na. Baka kung ano pa ang maisipan mo. Pumayag na akong dito ka matutulog. Baka may request ka na naman ha, kukutusan talaga kita." "Ano, gusto ko lang ng good night hug." Sumampa na ako sa kama, at dahil hindi naman ako maarteng jowa ay niyakap ko na siya. Nabigla pa siya sa ginawa ko pero yumakap din naman na ngising-ngisi. "Ang bango mo, babe. You smell heavenly." "Wow ah. Ano ba amoy kapag amoy heavenly?" "You smell like flowers and fresh air." "Ay bet ko yan, Jeron. Tama ka diyan. Ako pa ba? Ang future Miss San Policarpio yata ang katabi mo ngayon. Siyempre I smell heavenly." "How about me, babe? How do I smell?" Lumapit ako sa kanya para amuyin ko siya, pero wrong move pala iyon dahil teknik niya lang pala iyon para mayakap niya ako ulit. At ayun na nga, wala ng silbi ang mga unan sa pagitan namin dahil nakapulupot na siya sa akin ngayon na parang sawa. "Ano, do I smell heavenly too?" Hinampas ko ang braso niya. "You smell fishy, bweset ka. Akala mo hindi ko alam ang ginagawa mo? Alam kong gusto mo lang akong yakap-yakapin." Natawa na naman siya, kaya naisip ko kung buong duration ng relasyon namin ay magtatawanan lang ba kami. "Hayaan mo na, babe. Mag-boyfriend naman tayo eh. At saka hindi naman tayo magse-sex." "Eh paano kung yayain kita, aayaw ka?" hamon ko sa kanya at mali na naman yata ako ng biro dahil napabangon siya agad mula sa pagkakahiga tapos nanlalaki pa ang mga mata niyang nakatitig sa akin. "Babe, 'di nga? Do you really want to do it?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. "Sagutin mo nga muna ang tanong ko. Aayaw ka ba kapag niyaya kita?" Parang nahihirapan na siyang sumagot. "Ano... I would like 'to, pero lagot ako sa Nanay at Kuya mo." "Hindi naman nila malalaman," sabi ko pa. Nakita kong napalunok na siya ng laway niya. "Seryoso? Gusto mong gawin natin yun?" Niloloko ko lang siya, para sana makaganti man lang ako sa pangcha-chancing niya, pero ngayon pa lang nagsisisi na ako dahil mukhang naniwala na siya na gusto ko ngang makipagchukchakan sa kanya ngayon. As in now na. "Babe naman eh, 'wag mo akong ginaganito. Nababaliw na ako." "Nababaliw o tinitigasan?" tanong kong napahagalpak ng tawa dahil naka-pyjamas kasi siya kaya halata naman na may nakabukol na sa harapan niya. Tinakpan niya yun ng mga kamay niya sa hiya. "Babe! Wag mo ako biruin nang ganyan!" "Oo na, sorry na," bawi ko naman na nagpipigil ng tawa. Pero niyakap ko pa rin siya pabalik sa higaan at pareho na kaming nakatingin sa kisame. "Juskong buhay ito. Mula nang dumating ka sa buhay ko, Jeron, kung ano-ano na ang pinaggagawa ko. And if ever man na akitin mo na naman akong lalaki ka, baka hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko. Kaya nakikiusap ako, Jeron. Ikaw na lang ang mag-initiate ng control. Utang na loob. Ayoko pang magbuntis. Wag mo muna akong anakan." Narinig ko ang malakas na pagbuntong hininga niya. "Yes, babe. Sorry kung hindi ko rin napigilan ang sarili ko na gawin ang mga ginawa ko. Nadadala na rin kasi ako. I'm sorry." "Hindi naman ako galit sa 'yo. Naiintindihan ko naman kung bakit ganyan ang kinikilos mo. Duh? Lalaki ka pa rin. kahit gaano ka pa kabait o kamadasalin, may urges ka pa rin. Boys will be boys, ika nga nila." "I guess that's true," sagot niya naman sa akin. "Kasi alam mo ba kung ano ang iniisip ko ngayon?" "Ano? Ang chorvahin ako?" natatawa kong sabi, pero nahinto ako sa pagtawa nang makita ko ang mukha niya ngayon. Ako naman ang napalunok ng laway. Ngayon ko lang kasi nakitang ganito ka-seductive ang mukha ni Jeron. Lalo na ang mga mata. "That's a funny way to say it, babe. But yes. That's what I am thinking right now. I just want to make love to you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD