Kabanata 51

2184 Words
SHEINA Ako na yata talaga ang pinakalokaret na babae sa San Policarpio. Hindi ko nga alam kung paano nasasakyan ni Jeron itong mga trio ko, lalo na itong pagpunta namin dito sa kwebang ito, pero ngayon lang tumatak sa isip ko kung gaano kalaking kabaliwan na dito namin ito ginawa. Parang mas gusto ko na nga lang na nag-motel kami.  Pero dahil nandito na kami at ginagawa na namin ito na tanging ilaw lang mula sa flashlight ang tanglaw namin dito sa loob, wala naman akong choice kung hindi ang panindigan itong kahibangan kong ito na ako lang din naman ang may pakana. Baka nga ay loka-loka na ang tingin sa akin ngayon ni Jeron. Bigla akong nahiya sa sarili ko eh. Bakit nga ba dito ko pa naisipang magpa-devigirnized kung pwede naman sa ibang lugar? Adik na ba ako? "Babe, are you alright?" dinig ko namang bulong sa akin ni Jeron na nasa ibabaw ko na ngayon. Pero iyong boses niya ay mas seductive kaysa concerned, kaya naman binalik ako ng boses niya sa katinuan. "Huhugutin ko na muna---" "O-Okay lang naman," sagot ko naman sa kanya dahil yun naman ang totoo. Well, masakit talaga at para nga akong biniyak doon sa private part ko, pero kaya ko naman sigurong tiisin itong sakit. At saka naalala ko sa mga nabasa kong Tagalog pocketbooks dati na sinasabi ng bidang lalaki sa bidang babae kapag na-devirginized na si gorl na sa una lang naman daw iyon masakit. Habang tumatagal daw ay mapapalitan naman daw ang sakit ng sarap. "Are you sure, baby? Pwede namang huminto na muna tayo kung masyadong masakit para sa 'yo... Hindi mo kailangang magsinungaling sa akin," pag-alo naman ni Jeron na na-appreciate ko rin naman. "Hindi naman ako nagsisinungaling, Jeron, masakit naman talaga," sagot ko naman agad. Nakatitig na naman kasi siya sa akin nang seryoso na para bang isa siyang imbestogador kaya kailangan ko pang magpaliwanag nang maayos. "Pero kaya ko namang tiisin. Gawin na natin 'to... Ginusto natin 'to kaya go na." Napangisi siya doon sa hirit ko, pero bigla niya rin akong hinalikan ulit. Automatic naman akong tumugon sa halik niya. At dahil mapusok uylit ang paraan ng paghalik niya sa akin ay ganoon din ang halik ko sa kanya. Ipinasok niya pa nga ang dila niya sa loob ng bibig ko, kaya lumaban din ako at nakipag-espadahan ako ng dila sa kanya. Tapos nang bumaba na siya ulit sa mga dibdib ko ay napahawak na ako sa likod ng ulo niya. Doon na ako napaungol nang maramdaman ko na parang may kung anong nangyayari doon sa loob ko habang naglalabas pasok ang ari ni Jeron sa akin. Para kasing may kung anong sasabog doon sa loob ko habang ginagawa ni Jeron ang kailangan niyang gawin. At ang nakakapagtaka dito, hindi ko na masyadong napapansin iyong kirot sa akin dahil sa mga halik ni Jeron sa akin. Wala akong ibang magawa kung 'di ang umungol. "Baby," bulong ni Jeron sa akin at napansin ko na pabilis nang pabilis na ang pag-ulos niya habang hinahalikan niya pa rin ako. Ang isa niya namang kamay ay busy sa kakalamas sa dibdib ko, at ang mga paa ko naman ay namalayan ko na lang na naka-angkla na pala iyon sa beywang niya, kaya mas malalim na ngayon ang naa-access niya sa ginagawa niya. Nagbi-build up na ang kung ano man itong nararamdaman ko sa loob ko, hanggang sa hindi ko na kinaya at sumabog na nga ako. Napatili pa ako nang mangyari yun at halos tumirik din ang mga mata ko doon. Kung hindi pa ako hinalikan ulit ni Jeron sa mga labi ko ay sisigaw pa siguro ako ng ilang beses. Ganoon ka-intense ang una kong o****m. Feeling ko ay nanghina ako sa sobrang wild at intense ng naramdaman ko. Tapos nang matapos na, doon ko naman naramdaman na si Jeron naman ang parang nakarating sa rurok ng tagumpay este ng kaligayahan. Napaungol din siya nang malakas at kaagad kong naramdaman na may kung anong mainit na likido doon sa loob ko. Tapos napasubsob siya sa may leeg ko at napahinga siya nang malalim. Ilang segundo rin kami na ganoon lang--- nakapatong lang siya sa akin at tahimik lang kaming dalawa. Ganito pala ang pakiramdam kapag humupa na ang o****m.  "Grabe..." aniya tapos umalis na siya sa ibabaw ko at tumabi na siya sa akin. "That was intensely good, babe." "I agree," sagot kong medyo hingal pa rin. "Hindi ako makapaniwala, Jeron. Nagawa na natin. Hindi na tayo virgins. Congratulations sa atin." Natawa siya sa sinabi ko. "Congrats sa atin, babe." Tawa na lang kami nang tawa, pero nakaramdam kami pareho ng lamig kaya nagsuot na ulit kami ng mga damit namin. Inayos ko na rin ang buhok ko na gulong-gulo na kanina, at nang akala ko ay aalis na kami sa lugar na ito ay bigla na lang akong hinila ulit ni Jeron para mag-make out naman kami. Hindi pa raw kasi siya kuntento kaya naman pinagbigyan ko na. Dahil gusto ko rin naman. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakaramdam ng ganito, pero masaya ako ganito ang una kong experience. Kakaiba man at medyo daring na dito namin ginawa sa malayo ang bagay na ito, sure naman ako na hindi ko ito makakalimutan hanggang sa pagtanda ko, lalo pa't alam kong ibinigay ko ang sarili ko sa tamang tao. Isang oras pa yata kami sa loo ng kweba bago kami tumigil. At nang sa wakas ay nagyaya na si Jeron na umuwi na kami, hinila ko na siya dahil gusto kong maligo na rin kami sa ilog. Tutal naman ay kailangan din naming maglinis ng mga katawan namin. Saka naisip ko na maganda ring excuse iyon kung sakaling may makakita sa amin dito sa lugar na ito. Yun nga lang, hindi pa kami nakakalabas ng kweba ay may naririnig na kaming mga boses kaya natigilan kaming dalawa ni Jeron.  Nagkatinginan kami at sumenyas siya sa akin na huwag maingay, kaya iyon ang ginawa ko. Dahan-dahan kaming naghanap ng spot na pwedeng pagtaguan, at sakto namang may nakita kaming malaking bato na nakausli at nagtago kami sa likod 'non. "Lintik talaga iyong babaeng yun. Madulas nga talaga," dinig kong sabi ng isang boses. Napatingin tuloy ako kay Jeron at pareho yata kami ng iniisip ngayon. "Wala na naman sa kanila. Sayang kasi kung kailan walang mga pulis na nakabantay, hindi naman natin siya nadagit." Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Jeron nang marinig ko iyon dahil malakas ang kutob ko na ako ang tinutukoy ng nagsasalita. Nasa labas sila ng kweba nag-uusap base na rin sa mga boses nila. Siguro ay nasa may entrance sila ng kweba, na ilang hakbang na lang mula sa amin ni Jeron. Kaya kung papasok sila rito sa loob ay may chance na makita nila kami and who knows kung ano ang pwedeng mangyari. "Hindi kaya nakatunog iyon na may balak tayong kunin siya kagabi kaya biglang nawala? Natimbrehan kaya siya ni Lando?" tanong naman ng isa pang boses ng lalaki.  "Paano naman malalaman ni Lando na kagabi natin balak kunin ang anak niya? Wala namang umalis ng barracks para magsabi sa kanya ng plano natin, kung mayroon mang nagtimbre." "Oo nga. Imposibleng may alam si Lando," sagot naman nung isa pang boses kaya na-realize kong apat yata silang nag-uusap-usap. "Kaloy, bilisan mo na diyan, baka may makakita sa atin dito. Malapit nang mag-umaga." "Teka lang, hindi ko makita 'yung isang pa-in natin." "Bilisan mo diyan. Tandaan niyo, dito banda kinausap ng Lando na yun ang anak niya kaya posibleng may mga sundalong magpunta rito para rumonda." "Alam ko, teka lang. Mabilis lang 'to. Sayang din iyong isang pa-in at baka maraming nahuling ulang yun."  "Baka napasok diyan sa kweba? Tumataas ang tubig dito 'di ba? Baka napunta diyan sa loob?" "Hindi naman umulan kagabi kaya wala yan diyan. Tara doon, baka nandoon banda." Humina na ang boses nila pero naririnig ko pa rin silang nag-uusap kaya alam kong hindi pa rin kami pwedeng kumilos o mag-ingay. Isang maling galaw lang namin ni Jeron ay pwedeng maging mitsa ng kapahamakan sa aming dalawa. Nakita ko rin na tensed na si Jeron base na rin sa expression ng mukha ngayon kaya hindi ko naman maiwasang ma-guilty. Kapag may mangyaring masama kasi sa kanya ay wala talagang ibang pwedeng masisi kung 'di ang sarili ko lang din.  Nanatili lang kaming tahimik ni Jeron habang nagtatago kami sa likod ng malaking bato. Walang gumagalaw sa amin pero halos madinig ko na nang malinaw ang pagtibok ng puso ni Jeron na nasa likod ko lang. Nakadikit ang likod ko sa harapan niya kaya nararamdaman ko ang matinding tension sa kanya, lalo na ang mamalalalim niyang paghinga ngayon. Natatakot siya sa sitwasyon, pero nagagawa niya pa ring maging kalmado. Ilang minuto pa ang lumipas at hindi ko na marinig ang mga boses ng mga rebelde sa labas, at magsasalita na sana ako pero kaagad tinakpan ni Jeron ang bibig ko. "Baka nasa labas pa sila at hindi lang nag-iingay," bulong niya sa akin. "Maghintay tayo na magliwanag na talaga nang tuluyan sa labas at saka tayo umalis dito." Tumango ako sa sinabi niya. Alam ko kasing tama siya. Baka nga nasa labas pa sila at nagtatago lang din, o nanghuhuli pa rin ng ulang. Kaya siguro sila nandito sa may ilog ay para manghuli ng mga ulang, iyong malalaking hipon na sa ilog at tubig-tabang mo lang makikita. Nahuhuli lang kasi yun sa pamamagitan ng paglalagay ng pa-in na parang box na gawa sa rattan o tire wire tapos ilalagay mo ito sa sulok ng ilog na may lamang pagkain nila tapos iiwan mo ito ng ilang oras. Paglipas ng ilang oras ay babalikan mo iyon para -check kung may pumasok na ulang sa pa-in. Iyon siguro ang isa sa mga kinakain nila dito sa kabundukan. Finally ay umaga na. Maliwanag na sa labas kaya nag-decide si Jeron na sumilip sa labas para tingnan kung nasa labas pa ba ang mga rebelde. Ayaw ko pa nga siyang lumaas dahil baka mapahamak pa siya, pero ang sabi niya naman ay malaki raw ang chance na wala na ang mga rebelde sa ilog dahil umaga na nga. Doon na ako medyo nakampante dahil narinig nga namin kanina sa usapan nila na ayaw nilang maabutan ng umaga dahil may makakita sa kanila, lalo pa at alam nila na dito banda kami nagkita ng Tatay ko, malapit sa niyugan namin. Bumalik si Jeron sa akin sa pinagtataguan ko na nakangiti na. Wala na raw ang mga lalaking malakas ang kutob namin ay mga miyembro ng Neo Partisan Army. Kaagad naming tinawid ang ilog pagkalabas namin ng kweba at nagmadali kaming bumalik sa kung saan namin iniwan ni Jeron ang motor niya. Yun nga lang, hindi na namin iyon mahanap, mas lalo kaming natakot. Lalo na ako. Naiyak na ako sa kaba dahil alam kong ang mga rebelde ang kumuha sa motor niya. "Hayaan mo na, babe. Maglakad na lang tayo pauwi. Sumakay tayo sa jeep mamaya kapag nakarating na tayo sa gilid ng kalsada," comfort niya sa akin. "Hayaan? Paano ko naman hahayaan yun, Jeron? Nawala ang motor mo dahil sa kagagahan ko. Hindi na talaga tayo dapat nagpunta rito," sabi ko. "Pasensiya ka na ha. Nang dahil sa kalandian ko ay nanakaw pa ang motor mo." "Ayos lang. At least ligtas tayong dalawa. It could have been worse. At saka hindi naman ako nagsisisi sa pagpunta natin dito," aniya na nakangiti na naman sa akin nang pilyo. "Ganoon siguro talaga kapag masyadong maganda ang isang bagay. May risks." Nahiya ako doon sa sinabi niya dahil alam ko namang 'yung ginawa namin sa kweba ang tinutukoy niya. "Hay naku, Jeron. Nawalan ka na nga ng motor, parang masaya ka pa diyan. Tapos muntik na nga tayong mahuli ng mga yun. Hindi ka ba natatakot?" tanong ko sa kanya.  "Of course, natakot ako, babe," pag-amin niya naman. "Pero hindi ako pwedeng magpalamon sa takot. Lalo na ngayon na may tao na sa tabi ko na kailangan kong protektahan. Mas nanaig lang siguro sa akin iyong kagustuhan kong mailigtas ka." Na-touched naman ako doon. "Salamat, Jeron. At pasensiya ka na talaga ha. Hindi naman mangyayari 'to kung hindi dahil sa kagagahan ko. Kita mo ngayon, naglakad pa tayo pauwi eh ang layo-layo pa natin." "No worries. Okay lang naman sa akin." "Pero hindi na ako magyayaya sa 'yo na bumalik dito, ano? Baka kung ano na ang mangyari sa atin sa susunod." "Well, to tell you the truth, Sheina. Parang gusto ko pang bumalik doon sa kweba. Tapos gusto ko ring maligo doon sa ilog. Lalo na ngayon na importante na sa akin ang lugar na yun." Kinindatan niya pa ako kaya naman pulang-pula na ang mukha ko. "Jeron naman eh! Inaasar mo na lang ako!" "Ang kailangan lang namang mangyari para makabalik tayo doon ay mahuli ang mga rebeldeng yun. And after what we heard... Na balak ka talaga nilang kidnapin... Hindi ko sila hahayaan na gawin sa 'yo yun. Not on watch. I promise you, babe, mahuhuli ang mga yan."

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD