SHEINA
"S-Sino ka?" Garalgal na ang boses ko dahil alam kong hindi tagarito sa San Policarpio ang mamang nasa harapan ko ngayon. And for goodness' sake, may hawak siyang baril.
Baril.
Gun.
Armas.
Ewan ko sa iba, pero napaatras ako kaagad nang makita ko iyon. Hindi niya naman itinutok iyon sa akin pero baril pa rin yun, kaya kaagad akong nasindak na mayroong lalaking hindi ko kilala ang nasa pinto ko na may hawak na baril. Dapat nagsisisigaw na ako ngayon, pero somehow ay nawalan ako kaagad ng boses, na bihirang mangyari sa akin kapag napupunta ako sa mga ganitong sitwasyon. Ang tanging naisip ko na lang ay baka ito na ang katapusan ko.
"Nasaan ang tatay mo?" tanong sa akin ng lalaki. Masyadong mababa ang boses niya tapos nakakatakot ang mukha niya. Yung mukha niya kasi ay parang 'yung typical na mukha ng mga goons na makikita mo sa mga action movies noong 80s o 90s. Hindi rin nakatulong na mawala ang kaba ko sa suot niyang damit. Nakasuot siya ng damit ng isang rebelde. Ayoko naman sanang mag-generalized pero ganoon ang nakikita ko sa kanya ngayon. Nakabandana siya tapos nakabalot sa kulay itim sa sarong ang katawan niya. Medyo madumi rin ang suot niya na para bang kakagaling niya lang sa bundok, and most probably ay yun nga ang sitwasyon dahil alam ko naman kung ano ang pinagmulan ng taong ito. Isa siyang miyembro ng NPA or Neo Partisan Army, ang rebeldeng grupo na sinasabing nakabase malapit dito sa amin!
"H-Ho?" Iyon lang ang nabigkas ko dahil sa sobrang takot ko sa lalaking ito ngayon. Sino ba kasi ang mag-aakalang may makakaharap ako ngayon na rebelde? At hinahanap niya pa ang tatay ko! Jusko po! Baka kung ano pa ang gawin nito sa akin, huwag naman sana!
"Nasaan sabi ang tatay mo?" ulit niya sa tanong niya pero this time ay mas malakas na ang boses niya. Bigla niya ring itinutok sa akin ang baril niya kaya natumba na ako sa sahig. "Sasabihin mo ba kung nasaan siya o papuputukan kita nito sa kokote mo?"
Hindi ko namalayan na nanginginig na pala ako sa takot. Hindi na rin ako makapagsalita ngayon sa sobrang nerbiyos. Ang tanging nagagawa ko na lang ngayon ay ang umiling sa tanong niya. Umiling ako nang umiling dahil totoo naman, wala naman talaga akong alam kung nasaan ang magaling kong ama.
"Ikaw si Sheina 'di ba? Ikaw ang anak ni Lando," sabi niya pa sa akin. "Huwag mo na siyang itago sa akin, dahil kung hindi ay ikaw naman ang mapapahamak!" Naglakad siya papalapit sa akin kaya ako naman ang napaatras. Alam kong weird mag-describe kapag nasa isang life or death situation ka, pero ganito ako ngayon. Para akong nasa isang crime suspense series tapos nasa sahig na ako at paatras na ako para makalayo sa kanya pero ayaw namang gumana ng adrenaline sa katawan ko.
Hindi ko nga namalayan na umiiyak na pala ako eh. Ang alam ko lang ay sobrang takot na takot ako ngayon. Hindi na nagpa-function nang maayos ang utak ko. Ang tanging naiisip ko na lang ay baka ito na nga talaga ang katapusan ko. Ito na ang magiging huling sandali ko sa mundong ibabaw. Holy shet. Hindi man lang ako nakapag-abroad. Hindi man lang ako nakapag-asawa. At hindi man lang ako nakaranas ng love making. Sobrang lousy naman ng naging buhay ko kapag ganoon.
Sana pala niyaya ko na lang kanina si Jeron na may mangyari sa amin kung sa ganitong paraan pala ako mamamatay. At talagang isang rebelde pa ang papatay sa akin, dahil nakita kong nakatutok na sa ulo ko ang baril niya kaya napapikit na ako. Talagang si Tatay pa ang dahilan kung bakit ako mamamatay, dahil siya naman yata talaga ang pakay ng taong ito. Biktima lang ako. Kapag talaga totoong nagiging multo ang isang namatay, hindi talaga ako matatahamik hangga't hindi ako nakakapaghiganti sa Tatay ko. Mumultuhin ko talaga siya hanggang sa mamatay siya.
Napalunok na ako dahil alam kong any minute now ay kakalabitin na niya ang baril niya, at kahit papano ay natanggap ko na ang kapalaran ko, pero bigla akong nakarinig ng isang napakalakas na sigaw na ikinagising kaagad ng diwa ko.
"SHEINA!"
At hindi lang iyon boses ng isa o dalawang katao. Boses iyon nang napakaraming tao, at ang mga sumunod na nangyari ay sobrang bilis na hindi ko na alam kung paano iyon himayin at i-describe. Basta ang alam ko, pumutok pa rin ang baril ng mama, at doon na ako napasigaw nang napakalakas. And then nakita ko na lang na marami ng tao ang nasa loob ng bahay ko ngayon. Nagkakaroon na ng rambol sa pagitan ng mga tao. Tapos may humila sa akin patayo at may nakayakap na rin sa akin. And then na-realize ko agad na si Jeron na pala ang nakayakap sa akin, at doon ko naramdaman ang bigat ng mga nangyari.
Napahagulhol ako sa balikat niya. "It's alright, baby. Nandito na ako. I'm sorry for leaving you. Hindi na dapat kita iniwan..."
Umiyak lang ako sa kanya, at doon nag-sink in sa akin ang trauma ko sa mga nangyari. Sobrang relief ng nararamdaman ko ngayon na hindi ko pa naman pala katapusan pa, pero sobrang takot ko pa rin, and then nahilo ako.
***
Gising na ako, pero ayaw ko pa ring idilat ang mga mata ko dahil kaagad kong naalala ang mga nangyari. Holy shet. Oo nga pala, may rebelde kanina (o kagabi? Ewan, hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog) at tinutukan niya ako ng baril sa ulo ko. Kaagad na bumalik sa sistema ko ang kilabot, kaya hindi ko pa agad iminulat ang mga mata ko sa takot ko na baka kapag nagmulat ako ng mga mata ko ay ang rebeldeng yun ang unang makita ko. Hindi ko na yun kakayanin. Mababaliw talaga ako nun.
May naririnig naman ako ngayong nag-uusap. Hindi lang dalawa, hindi lang tatlo. Kung 'di maraming tao ang nag-uusap ngayon at base sa mga boses nila ay nasa tabi ko lang ang ilan sa kanila. Ramdam ko rin na lahat sila ay nakatingin sa akin, so malamang nasa isang kwarto ako o ano.
"Okay lang kaya si Ate Sheina?" nag-aalalang tanong ni Claire sa akin. Lumambot ang puso ko nang marinig ko ang lungkot sa boses niya. Alam kong dapat ay pinapakita ko na sa kanilang gising na ako ngayon, pero may kung anong kakaibang pakiramdam ang lumulukob ngayon sa akin para hindi ko gawin iyon. Siguro ay nahihiya ako sa kanila dahil sa nangyari? Ewan. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko.
"Ang sabi ng doktor ay magiging okay lang naman daw siya. Nahimatay lang siya kagabi dahil sa trauma," sagot naman ni Larry na unexpected ay nandito rin ngayon.
"Lang? Hindi lang ang trauma," pangongorek naman agad sa kanya ni Morrie, nan nandito rin pala.
"Alam ko. Ang ibig sabihin ko lang naman ay hindi siya nahimatay dahil nabaril siya o ano. Hindi ko minamaliit ang trauma lalo na't marami akong kakilala na may ganyan."
"At sino naman ang mga kakilala mong ganyan?"
Hindi na nakasagot pa sa tanong ni Morrie si Larry dahil nagsalita na rin si Jeron. "Na-check up ko na si Sheina. Mabuti na nga lang at wala siyang kahit ano'ng injuries. Pero tama kayo, hindi ko siguradong magiging okay siya pagkagising niya. Posible nga na magka-trauma siya sa nangyari. I mean, someone pointed a gun at her. Kahit sino ay matro-trauma sa ganoon."
"Kaya nga, Doc Jeron. Matapang na babae si Ate Sheina, pero iba na 'yung nangyari eh. Baka magwala siya o mag-iiyak kapag nagising siya."
"May kilala akong psychologist," sagot naman agad ni Jeron. "Kung kinakailangan ay sasamahan ko siya sa kaibigan kong psychologist for stress debriefing."
"Sorry Kuya pero ano yun?" tanong naman ni Morrie.
"Emotional and psychological support siya para sa mga taong nakararanas ng trauma. Kumbaga first aid siya kapag may trauma ang isang biktima. Kailangan kasing maagapan ang trauma ng isang pasyente para maiwasan na magkaroon siya ng PTSD or Post-Traumatic Stress Disorder. And I don't want that to happen to Sheina."
Natahimik muna ang lahat doon sa sinabi ni Jeron. Na-impress ako sa mga sinasabi niya dahil parang maalam talaga siya sa ganoon, kaya lang natakot din ako sa mga sinabi niya dahil paano kung kailanganin ko nga ng stress debriefing? Or worse, paano kung magka-PTSD ako? Huwag naman sana.
Pinakiramdaman ko tuloy ang sarili ko. Natatakot pa rin ako hanggang ngayon sa nangyari, pero hindi ko alam kung ito na ba ang trauma na sinasabi nila. Ayoko naman kasing sabihinh okay ako kung hindi naman pala. Mas magandang may tumingin sa akin, dahil ayoko naman sa sinasabi ni Jeron. Mabuti na iyong sigurado.
"Gago kasi ang NPA na yun. Talagang sinugod pa si Sheina," hirit na naman ni Larry, pero agree naman ako sa galit niya dahil galit din ako. "Kung ako sa mga pulis, hindi ko lang siya ikukulong. Bubugbugin ko pa siya at bibitayin."
"Pero bakit daw niya sinugod si Sheina?" nagtatakang tanong naman ni Claire sa mga kausaop niya. Tanong ko rin iyon kagabi pa kaya mabuti at natanong iyon ni Claire.
"Ano namang meron kay Ate Sheina at siya pa talaga ang pinasok niya? Dahil ba sa mag-isa lang siya sa bahay niya?"
"Nakausap ko ang mga pulis na nag-interrogate sa gago," sagot agad ni Larry and to be honest ay natutuwa ako na nandito siya dahil amy info kami mula sa kanya. Criminology graduate kasi siya at natural may magiging kakilala siya mula sa Police Station dito sa amin. "Itong sumugod kay Sheina ay Ka Gregorio ang pangalan. Bata pa ito. Nasa 30s palang yata siya, pero isa ito sa mga may malaki ng patong na sa ulo ang gobyerno natin. Ang sagot niya sa mga nag-interrogate sa kanya ay hinahanap niya raw ang tatay ni Sheina."
"Tatay ni Sheina?"
Ang bilis na naman ng t***k ng puso ko. Paano ba namang hindi? Mukhang mabubulgar na ang isa sa mga sekreto ng pamilya namin na ayaw ko na sanang malaman pa ng iba. Ang tagal ko nang ibinaon sa limot ang tungkol sa impormasyon na ito at ngayon ay mukhang kakalat na ito sa apat na sulok ng San Policarpio.
"Yes. Hindi pa ito confirmed, pero ang sabi nitong Ka Gregorio ay kasapi raw nila sa NPA ang tatay ni Sheina," sagot ni Larry. May narinig akong suminghap. Tapos natahimik na naman sila ng ilang segundo.
"So hindi pa patay ang Tatay ni Ate Sheina?" tanong ni Morrie. "Yun kasi ang usap-usapan dito, 'di ba?"
"Mukhang ganoon na nga. Mukhang buhay pa nga ang tatay niya at kaya siya nawala ay dahil namundok ito at sumali sa mga rebelde."
"Pero hindi pa naman yan confirmed 'di ba?" tanong naman ni Jeron kay Larry. Akala ko nga hindi sasagot si Larry, dahil sa tension sa pagitan nila, pero kabaliktaran ang nangyari.
"Hindi pa confirmed, pero mukhang nagsasabi ng totoo ang gagong yun. Ang hindi natin alam ay kung bakit sinusugod si Sheina ng mga kasamahan niya. Wala namang kinalaman si Sheina sa kanila."
"Hindi kaya gustong bumalik ng Tatay niya kay Ate Sheina kaya nila hinahanap yun?" tanong ni Claire.
"Oo nga. Baka yun nga ang nangyari."
"Hindi natin malalaman ang kasagutan diyan hangga't hindi nagigising si Sheina. Siya lang ang makakaalam sa mga detalye ng nangyari. Pero duda ako na may ideya siya tungkol sa nangyayari sa Tatay niya. Mula pa noong umalis ito ay hindi ito hinanap ni Sheina kaya malamang wala siyang alam sa nangyayari sa buhay ng tatay niya."
Tama naman doon si Larry. Hindi ko naman talaga alam ang kahit ano'ng bagay tungkol sa ama ko, maliban na lang sa iniwan niya ang pamilya niya noon sa 'di ko malamang dahilan. Ayaw rin namang magkwento ni Nanay. Kahit na pilitin mo siya ay hindi siya nagsasabi kung ano ba talaga ang dahilan ng pag-alis ni Tatay noon, kaya katulad ng mga kaibigan ko ngayon, wala rin talaga akong kaalam-alam sa kahit anong tungkol sa ama ko. And I don't really care. Kinaya ko namang wala siya sa buhay ko. Na-survive naman namin nina Nanay at Kuya Kris ang mga taong wala siya. Kaya kakayanin ko rin yan ngayon.
"Um, guys, maganda sana kung hindi muna natin tatanungin si Sheina tungkol sa nangyari. The last thing that we want to do is to trigger her emotionally. Kaya nakikusap ako na 'wag muna natin siyang tanungin tungkol sa nangyari kagabi."
"Oo nga. Sure ako na grabe ang pinagdaanan ni Ate Sheina," pagsang-ayon naman ni Claire.
"Pero kailangan niya ring magbigay ng statement sa mga pulis," hirit naman ni Larry. "Alam kong kailangan niyang magpahinga, pero mas maganda sana kung kaagad siya makapagbibigay ng statement."
"Teka, kakasabi ko nga lang na 'wag muna natin siyang kausapin tungkol diyan. Mahirap na, baka magkaroon siya ng trauma---"
"Eh paano kung may mga kasama pala ang lalaking sumugod sa kanya rito?" putol naman ni Larry sa sinasabi ni Jeron. "Paano kung may importanteng detalye na dapat malaman ang mga pulis sa kanya para hindi na maulit ang nagyari? Kailangan niyang magbigay ng statement sa otoridad."
Narinig ko ang paghinga nang malalim ni Jeron habang ang iba ko namang mga kaibigan ay tahimik lang yatang nakikinig. Mataas na rin kasi ang tension sa pagitan ng dalawang lalaki kaya natatakot yata sila na magkaroon pa ng away sa pagitan nina Jeron at Larry. "Look, Larry. I know concerned ka rin kay Sheina, but please, huwag na natin siyang bigyan ng karagdagang stress. At sige, ako na ang kakausap sa kanya tungkol sa nangyari. Magtatanong ako sa kanya. Tapos sasabihin ko na lang sa 'yo kung ano ang sasabihin niya."
"Hindi pwede yun," sagot ni Larry na parang naiinis na rin yata. "Hindi pwedeng hindi siya ang magsalita tungkol sa nangyari. Siya ang biktima eh."
"Kung ganoon, pagkagising ni Sheina, hayaan niyo muna siyang mag-rest ng at least ay isang buong araw bago niyo siya hingan ng statement---"
"Teka, bakit naman ikaw ang nagdedesisyon sa bagay na yan? Hindi pwede yan! At saka kakausapin ko talaga si Sheina kapag nagising na siya dahil kailangan kong malaman---"
"HINDI NGA PWEDE!"
Natahimik ang lahat sa pagsigaw na yun ni Jeron. Kahit si Larry ay hindi ko na narinig na sumagot pa. "Napasigaw tuloy ako," ani Jeron na alam kong nasa tabi ko lang. "Hindi nga kasi pwedeng kaagad niyo siyang tanungin kung makakapagbigay sa kanya iyon ng trauma."
"At ano, kapag ikaw ang nagtanong ay hindi siya magkaka-trauma? Doktor ka ah! Hindi ka naman psychologist para sabihin yan---!"
"Boyfriend niya ako," sagot ni Jeron kay Larry and for some reason ay bumilis ulit ang t***k ng puso ko doon. "Girlfriend ko ang nanganib ang buhay kagabi. Girlfriend ko ang posibleng magkaroon ngayon ng trauma. Kaya kasuhan niya na ako, sige, obstruction of justice ba ang tawag doon? Pero hindi ako papayag na pagkagising niya ay kulitin niyo pa siya. Aalamin ko muna kung okay siya at handa ba siyang magbigay ng statement bago siya tanungin ng kahit sino lang."
Narinig ko ang mahinang pagtawa doon ni Larry. "Huh. So sinasabi mo na okay lang na may potential risk pa rin sa paligid ni Sheina? Hindi natin alam ang buong kwento kaya kailangan nating malaman iyon sa lalong madaling panahon! NPA ang pinag-uusapan natin dito! Kayang-kaya nila tayong pasubugin dito kung gugustuhin nila!"
"Wala akong pakialam sa kanila!" giit ni Jeron at kinilabutan na ako sa sinasabi ni Larry. "Magkakamatayan muna tayo, pero hindi ko hahayaang may magbigay pa ng trauma kay Sheina. Nakita niyo ba kung paano siya umiyak kagabi? Sige, tanungin niyo siya at ako ang makakalaban niyo."