bc

Magkalabang Angkan

book_age18+
17
FOLLOW
1K
READ
HE
blue collar
drama
small town
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Agapito vs Gonzales

Dalawang magkalabang angkan. Simula't sapul ay mortal ng magkaaway.

Paano kung dahil sa isang trahedya ay magbabago ang buhay nila.

Pipiliin ba nilang isantabi ang alitan o patuloy na magiging magkalaban?

chap-preview
Free preview
Angkan Prologue
2013 NAIA Ladies and gentlemen, this is an announcement that flight PHL123 has landed on NAIA... Maligang araw sa inyong lahat! Welcome to the Philippines and Mabuhay! Hay! Napabuntung hininga ako ng malalim. Halo-halong damdamin ang nararamdaman ko ngayon. Pangungulila, saya, lungkot at kaunting takot. Walong taon.. Walong taon akong nawala sa Pilipinas. At ngayon ay umuwi ako dahil sa kahilingan ng pinakamamahal kong abuela. Na-stroke si Papa limang buwan na ang nakakaraan at hanggang ngayon ay nakaratay lamang ito sa kama. Naipaalam naman nila kaagad sa akin ang nangyari kay Papa pero hindi pa hiniling ni Lola Siding na umuwi noong mga panahon na 'yon dahil akala nila ay makakabawi kaagad si Papa. Nitong nakaraang buwan lang nilang napagpasyahang iuwi ito sa aming hacienda dahil malaki na ang gastusin sa ospital at pinayagan na ito ng doktor na umuwi sa amin sa Nueva Jordan. Nagagawa na rin naman ni Papa na gumalaw at magsalita pero kalahati lamang ng katawan nito. Kalahati ng katawan nito mula bewang pataas ay okay naman pero simula sa bewang pababa ay paralisado na. May kinuha namang tagapag-alaga si Lola Siding para mamonitor ang kalusugan ni Papa. Dahil sa nangyari ay kinailangan ko munang bumalik ng Pilipinas pansamantala. Wala pang eksaktong araw, buwan o taon kung kailan gagaling si Papa kaya naman napilitan na akong mag-resign sa aking trabaho bilang Marketing Manager ng isang Real Estate company sa Australia. Ipinangako naman ni Lola Siding na oras na pwede nang magtrabaho ulit si Papa ay pwede na ulit akong bumalik ng Australia. Sa ngayon ay wala kaming pagpipilian kundi ang manatili ako sa Pilipinas at umuwi sa Nueva Jordan para pansamantalang pamahalaan ang aming mga negosyo. Malaki na ang nalulugi sa amin simula nang ma-stroke si Papa. Kapag hindi pa ako umuwi ay baka mawala lahat ng pinaghirapan ng aking mga magulang lalo na ni Lolo Felix noong nabubuhay pa ito. Masasabi kong maswerte kami sa negosyo dahil lahat na pinasok ni Lolo Felix ay naging matagumpay at lumago. Kahit na hindi naman ganoon kagaling si Papa katulad ni Lolo Felix ay napapanatili pa rin nitong maayos at maganda ang pamamalakad sa aming mga farm. Kaya parang na pressure din ako sa nangyari kay Papa. Wala akong alam sa pamamalakad ng negosyo dahil dise otso anyos pa lamang ako ay tumira na ako sa Australia kay Auntie Lyka, pinsan ni Mama. "Excuse, Ma'am, tinatawag na po kayo ng kasama niyo. Kayo na lamang pong dalawa ang natitira dito sa loob ng eroplano." naputol ang paglalakbay ng aking diwa ng kausapin ako ng Flight Attendant. Mabilis akong nahismasan. "Thanks, Miss." nginitian ko ang FA at bumaling sa aking kasama. "Oh, I'm so sorry, sweetpea. Let's go!" Kinuha ko na ang aming mga gamit at lumabas na ng eroplano. Inabot kami ng lampas isang oras bago makalabas para kunin ang aming mga gamit. Paglabas sa arrival area ay nagpalinga linga ako sa paligid. Maraming tao akong nakikitang excited na sunduin ang kanilang mga mahal sa buhay. Ang iba ay may mga hawak na placards, bulaklak, tarpaulin at ang iba ay buong angkan na ang dinala. "Sol! Sol!" may naulinigan akong tumatawag sa pangalan ko. Pagtingin sa may bandang dulo ng mga taong nag-aantay sa Arrival Area ay may pamilyar na pigura akong nakita. Kumakaway ito sa akin. Kaagad kong tinulak papunta sa kinaroroonan nito ang aming trolley. "Tita Agnes, namiss ko po kayo!" sabay yakap sa aking tiyahin. Hindi ko tunay na tiyahin si Tita Agnes dahil inampon lamang siya ni Lolo Felix at Lola Siding pero minahal namin ito na parang tunay naming kamag-anak. Mahigpit na yakap din ang ginanti nito sa akin. Tumanda na ito pero napakaganda pa rin - at iyakin. Bago pa umiyak ito ng todo ay niyaya ko na itong umalis ng airport. "Let's go na, Tita. Baka bumaha pa ng luha dito, mahirap na." yaya ko dito at nagpatiuna na itong maglakad kasunod kami kung saan naka-park ang sasakyan ni Tita Agnes. Ito din ang nagmamaneho. Habang nasa loob ng sasakyan ay hindi namin maiwasang magkwentuhan ni Tita Agnes tungkol sa mga nangyari sa nakalipas na walong taon. Malapit ako dito dahil para ko na rin itong nanay. Hindi ko na kasi nasilayan si Mama dahil namatay ito pagkatapos akong ipanganak. Si Tita Agnes na ang nagpalaki sa akin habang nagdadalaga ako. Umalis lamang ito sa hacienda ng mag-asawa na ito. Sa kasamaang palad ay maaga din itong nabalo dahil naaksidente si Tito Ed kasama ang kanilang anak na lalaki. Imbis na umuwi sa amin ay pinili niyang manirahan sa bahay nila sa Quezon City dahil sa ito na lamang ang alaala na minana niya kay Tito Ed. Pagdating sa bahay nila Tita Agnes ay nagpahinga na kami. Napagod kami sa biyahe. Bukas ay uuwi na ako sa Nueva Jordan at pansamantala munang dito ko iiwan ang aking kasama kay Tita Agnes. Gustuhin ko man siyang isama ay hindi pwede. Kahit labag sa aking loob ay iyon ang makakabuti sa sitwasyon namin sa ngayon. Si Tita Agnes lamang kasi ang pwede kong pagkatiwalaan sa kanya. Alam kong magtataka siya kung bakit hindi kami magkasama pero nakaisip na ako ng paraan para hindi ito malungkot at magtampo sa akin. Kinabukasan matapos naming mag-almusal ay inilagay ko na ang aking mga gamit sa lumang pick-up nila Tita Agnes. Ito muna pansamantala ang gagamitin ko pauwi ng Nueva Jordan. Mga lampas dalawang oras lang naman ang biyahe pauwi dahil nasa liblib na lugar ito ng Batangas. Habang naghahanda ay lumapit siya sa akin. "Where are you goin'?" "I'm going to visit Papa Artem. Don't worry because I'll be coming home every weekend, my sweetpea." Tumango ito sa akin. Ginulo ko ang kanyang buhok. Nginitian ko ito at hinawakan ang kamay. "Be good to Tita Agnes ha. Wait for me every weekend. Give me a kiss and hug na, my sweetpea." Niyakap ako nito at hinalikan sa pisngi. Paghalik ko dito ay basang basa na ng luha ang pisngi nito. Hindi ko rin maiwasang maluha. Unang beses na magkakalayo kami ng matagal. Kahit na magkikita pa rin kami every weekend, iba pa rin na magkasama kami araw araw. Maya maya ay kusa na nitong pinahid ang luha. "Bye. Take care." kumaway ito sa akin. "Bye, sweetpea. Tita, mauna na ako. Uuwi po ako sa Sabado. Kapag naman po makatiyempo ako at hindi naman busy sa hacienda ay sisikapin kong umuwi ng Biyernes ng gabi." Lumapit na si Tita sa kanya at hinawakan ito sa kamay. Sabay silang kumaway sa akin. Binuhay ko na ang makina ng pick-up. Kumaway ako sa kanila at nagmaneho na palabas ng gate ng bahay ni Tita Agnes. Habang nasa daan ay naghanap ako ng kanta sa aking cellphone at nagpatugtog. May playlist ako ng mga paborito kong kanta at iyon lagi ang paulit-ulit kong pinapatugtog. Habang nakikinig ay sumasabay din ako sa pagkanta paminsan minsan. Pansamantala din akong naaliw sa aking mga nadadaanan. Marami na ding nabago sa loob ng walong taon kong pamamalagi sa ibang bansa. Mabuti na lang at dahil sa modernisasyon at makabagong teknolohiya ay hindi ko na kailangan pang magtanong tanong ng daan pauwi ng Nueva Jordan dahil may mga application na ngayon na ida-download na lamang at susundin mo na 'yon. Hindi naman ako isandaang nagtitiwala sa mga app pero kung sakali man na pakiramdam ko ay mali ang daang tinatahak ko ay saka na ako magtatanong. Lampas isang oras na ako sa biyahe nang mapakinggan ko ang kasunod na kanta sa aking playlist. Biglang bumagal ang pagmaneho ko. Kasabay ng pagbagal ay ang pagguhit ng mapait na ngiti sa aking labi. Sandali na lang, maaari bang pagbigyan? Aalis na nga, maaari bang hawakan ang iyong mga kamay? Sana ay maabot ng langit ang iyong mga ngiti Sana ay masilip 'Wag kang mag-alala, 'di ko ipipilit sa'yo Kahit na lilipad ang isip ko'y torete sa'yo ....

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

His Obsession

read
89.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook