Chapter 21

1868 Words
VINA POV PAGKATAPOS kong kumalma ay naligo na ako at sinuot ko ang roba dahil wala akong dalang pamalit na damit, dahan-dahan akong lumabas ng silid at nakahinga ako ng maluwag ng hindi ko na ito madatnan doon. Pagkatapos kong makapagbihis ay lumabas na ako para maghanda ng almusal. Naghanda na ako ng kakainin naming agahan. Matapos ko makapagluto ay naghanda na ako ng mga plato at kanin at saka iyong dala ni mommy na pagkain at inihain ko na ang mga iyon sa mesa. “Good morning Mom, kain na po tayo.” Sabi ko kay mommy kaya hinalikan niya ako sa pisngi at umupo na ito sa may tabi ko. Mayamaya lang ay pumasok narin si Rex at binati kami ni mommy. “Good morning po mommy, Vina.” kaya napataas ang kilay ko, kagabi ay tita lang ang tawag nito pero bakit ngayon ay nakiki-mommy na rin ito. Ano kaya ang pinag-usapan nila kagabi at bigla na lang nagbago ang pakikitungo ni mommy dito? Sa isip ko. “May work ka ba ngayon iho?” tanong ni mommy nang magsimula na kaming kumaing tatlo. “Meron po,” sagot naman nito. Mayamaya lamang ay tumayo na ito at hinalikan niya ako sa pisngi ng mabilisan kaya hindi na ako nakaiwas dito, tiningnan ko na lamang ito ng masama. “I'm late for work, mauuna na po ako sainyo.” Sabi nito. “Aalis na rin po ako mommy,” paalam ko na rin dito ngunit inagaw nito ang bag ko at kinuha ni mommy ang susi ng kotse ko at hinila niya ako para umupo ulit. “Hindi ka aalis, kaya kumain ka diyan. Hindi pa kita pinapayagang magtrabaho.” Sabi ni mommy kaya napasimangot ako. “Oo nga naman hon, dito ka na lang sa bahay at para magpagaling ka ng tuluyan, hindi rin kita papagayan na pagurin mo ang sarili mo, kaya kung ibigay sa'yo lahat ng pangangailangan mo, kaya you better stay at home, okay!” Pag-sang-ayon naman nito kaya nainis na ako. “Ano 'to, bait baitan sa akin para magpakitang ulirang asawa ka sa harap ni mommy, at saka pwede ba 'wag mo akong matawag tawag na hon, dahil kasal lang tayo sa papel at soon ay mag-aannuall na tayo.” iritadong saad ko rito kaya napabuntong hininga ito. “Tama na iyan, at baka kung saan pa makarating iyang away ninyo. Kumain ka na lang diyan anak at 'wag ka ng makulit, hindi ka magwowork and that's final.” Sabi naman ni mommy kaya napatango ako at kumain ng tahimik. Napabuntong hininga na lamang si Rex at umalis na matapos nitong magpaalam ulit sa amin ni mommy. Ngumiti naman si mommy kay Rex at ako naman ay baliwang kumain na lang at hindi ito pinansin pa, pero nahagip ng paningin ko ang lungkot ng mga mata ni Rex ng sulyapan niya ako sa huling sandali bago ito tuluyang lumabas ng dinning area. KINAGABIHAN ay wala na si mommy dahil bumalik na ito sa bahay namin sa Dasma. Kaya ako na lang ang naiwan mag-isa sa bahay kasama ng mga katulong na kinuha ni Rex bago ako bumalik dito sa bahay niya. Ngayon ay nag-aaway kami ni Rex dahil nakulitan ako dito ng pilitin niya akong makipag-usap sa kanya. “Look Vina, sorry sa lahat ng nagawa ko. Tatanggapin kong murahin mo ako at isumbat sa akin lahat ng kasalanan ko sa'yo, araw-araw hanggang sa mawala ang galit mo sa akin. Basta huwag na huwag mo lamang na sabihin sa akin na maghiwalay na tayo dahil hindi ako papayag, mababaliw ako kapag nawala ka sa akin ulit. Nagsisisi na talaga ako dahil nagpadala ako sa galit ko sa'yo. Alam kong magtatagal bago mo ako tuluyang mapatawad pero hiling ko lang. Just one thing, just give me a chance in your life and I promise not to mess up again, if ever I do anything irrational to you, then you can do anything you want to do to me, I don't mind.” Mahabang saad niya sa akin na pasigaw habang nakaluhod ito sa harapan ko habang nagmamakaawa. Habang ako naman ay natitigilan at isang malalim na paghinga ang aking ginawa bago ako sumagot dito. “Kahit anong gawin mo, kahit anong sabihin mo ay buo na ang desisyon ko at hindi uubra sa akin ang kaplastikan mo, gusto mo lang linisin ang konsenya mo, kaya mo ito ginagawa dahil ang totoo makasarili ka,” Sabi ko ngunit umiling lamang ito. “Hindi ko ito ginagawa para lamang linisin ang konsensiya ko sa nagawa ko sa'yo, dala lang iyon ng matinding galit kaya ko iyon nagawa sa'yo. Dahil hindi ko matanggap na ang nabababaeng minahal ko noon ay magagawang pumatay ng tao. Pero ngayon alam ko ng wala kang ginawang masama at alam kung naging biktima ka lamang ng mga taong may tunay na dahilan ng lahat ng iyon. Ay gusto ko lamang makabawi sa'yo sa lahat ng sakit na dinanas mo, dahil sa pagkamatay ng kapatid ko dahil nadamay ka, kaya please, hon, give me a change to prove to you that I am truly sorry for what I have done to you.” Umiiyak at malungkot itong tumingin sa akin, habang nakaluhod habang hawak nito ang dalawang kamay ko. Mataman ko itong pinagmasdan at inanalisa ko kung tunay ang mga sinasabi nito at hindi lang nagpapanggap lang ang paghingi ng tawad nito sa akin. Pero bakit kailangan pang magmukhang gwapo itong lalaking ito sa harapan ko habang sinasabi nito ang lahat ng iyon, kaya ipinilig ko ang mukha ko at huminga ako ng malamim. Iwinasiwas ko ang mga kamay nito at tinalikuran ko ito at humiga ako sa kama na hindi ako tumugon sa hinihiling nito at nagkunwari akong natutulog na. Napabuntong hininga naman ito at humiga na rin sa kabilang side ng kamang kinahihigaan ko para matulog. Pero sinigurado kung may destansiya sa aming kinahihigaan. Makalipas ang ilang minuto ay hindi parin ako makatulog kaya bumaling ako ng higa sa kinahihingaan ni Rex at pinagmasdan ito. “Hindi ko alam kung kaya kong ibigay sa'yo ang hinihiling mong pagkakataon para makabawi ka sa akin, pero sa totoo lang matapos ng mga ginawa mo sa akin na pagpapahirap, na iwan ko ba kung pagpapahirap ngang matatawag iyon, ay marami akong natutunan, na hindi ko ma-imagine na magagawa ko ang mga bagay na hindi ko nagawa noon. Pinaghirapan mo man ako ay natotoo naman ako sa buhay, na hindi lang pagpapasarap at pagwawaldas ang pwede ko pa palang magawa.” Sabi ko rito ng mahina pero alam kung hindi niya iyon maririnig dahil tahimik na itong natutulog. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at hahaplusin ko na sana ang gwapong mukha nito ng matigilan ako kaya hindi ko na itinuloy ang paghaplos ko sa pisngi nito. Napabuntong hininga na lamang ako at ipinikit ko na ang aking mga mata at tuluyan na akong nakatulog. Kinabukasan, “Saan ka pupunta?” tanong ni Rex sa akin. “Mamasyal bakit? Baka pati iyon ipagkakait mo na rin sa akin?” tanong ko dito. “Hindi naman sa ganoon, gusto mo samahan kita hindi na ako papasok.” Sabi naman nito kaya napabuntong hininga ako. “'Wag na, pangako hindi ako magpapakapagod sa sarili ko, mamasyal lang ako at gusto ko munang makapagrelaks kahit isang araw lang.” Sabi ko. “Okay papayagan kita, but in one condition, sasamahan kita para mabantayan kita," sabi niya kaya sumimangot ako. ”Alright, if that's what you want. Wala naman akong laban lagi sa'yo.” Sabi ko and I accepted sa kagustuhan nito dahil I having no choice. Excited itong nagpaalam na magbibihis muna bago kami umalis kaya hinintay ko ito at mayamaya lang ay nakababa na agad ito para makapagpalit ito ng pang-alis. “Bakit ba hindi ako makatanggi dito at nagpapadala ako sa mukhang nito habang nakangiti ito sa akin ngayon?” Napaisip ako habang nakatitig sa kanya. Hindi ko na malayan na napatitig ako dito ng matagal na humahanga sa kanya, ng makita ko itong nakasuot ng mamahaling pang-alis, kahit hindi ito gaanong nakasuklay ay bagay naman sa kanya ang messy hair na ayos nito. Inangat ko ang ulo ko matapos ko itong suriin at nagtama ang aming mga mata, kaya lalo itong ngumiti sa akin. “Lets. . .Sabi nito pero tumunog ang cellphone ko kaya naisturbo ang tinginan namin nito. Itinaas ko ang mga kamay ko para tumigil ito sa pagsasalita kaya tumahimik naman ito. Tinignan ko ang message at nanlaki ang mata ko. Hindi ako makapaniwala sa nabasa ko kaya tinawagan ko na ito at umalis muna sa harapan ni Rex at lumabas ako nang sagutin ng taong iyon ang tawag ko. “Totoo ba?” tanong ko. “Oo nga, nandito ako sa conference meeting at kasama niya si Lady Jang ngayon,” Sabi naman ni kuya Florante. “So si Cassie nga, ang may kagagawan ng lahat ng iyon, ibig bang sabihin siya ang apong nawawala ng Jang family?” “It's true I went to check if tama ang hinala ko but too sad that's the truth, pinadala siya ng matandang si Lady Jang sa buhay mo para maghigante, at pumayag naman ito dahil gusto niya rin si Rex at iyon ang kinuha niyang pagkakataon para maghigante sa'yo.” Paliwanag naman ni Kuya Florante sa akin. “Okay kuya, alam mo na ang susunod na gagawin mo paglabas niya,” sabi ko. “Syempre alam ko na ang susunod na gagawin ko, wait and see kung paano ko siya mapapaamin sa lahat ng ginawa niyang kalukuhan,” Muling tugon nito. Pinutol ko na ang tawag at inayos ko ang mukha ko, ngayong nalaman ko nang si Cassie ang lahat ng may kagagawan niyon ay humanda siya. Pumasok na ulit ako sa bahay at nagpaskil ng may ngiti sa labi. “What's wrong, sino ba iyong tumawag sa'yo?” tanong nito kaya umiling ako. “Wala naman, just decided to put you into consideration,” sabi ko at mukhang naguguluhan siya. “Anong ibig mong sabihin?” tanong nito. “Why do you always act dumb? Well I decided to give you another chance in my life,” sagot ko kaya nanlaki ang mata niya pero bigla rin iyong napalitan ng lungkot. “Hindi ka ba masaya?” tanong ko. “Nag-aalala lang ako kasi mukhang hindi mo naman talagang ustong gawin 'yon at baka nakukulitan ka na lang sa akin kaya pumayag ka,” sabi niya. “Ayaw mo ba?” “Syempre gustong gusto ko,”mabilis niyang sagot. “Then no more but's?” sabi ko kaya tumango naman ito bilang pagsang-ayon. “I feel hungry na tara na nang makakain na tayo sa labas,” sabi ko rito habang nahihiya akong ngumiti. “Anong gusto mong kainin?” nagmamadaling tanong nito. “Ewan ko, gusto ko sanang ipagluto mo na lang ako,” sabi ko at ngumiti siya. "Sige, kakain muna tayo bago tayo umalis.” sabi nito kaya ngumiti ako dito at hinawakan ko ang kamay nito. A/N ANO KAYA ANG NATUKLASAN NINA FLORANTE AT VINA TUNGKOL KAY CASSIE? TUNAY KAYANG PUMAPAYAG NA SI VINA SA SECOND CHANGE NA HINIHINGI NI FOREX DITO? ABANGAN

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD