Chapter Seventeen -Karen- Napaluhod pa ako sa kakaiyak at saktong papasok naman ang aking anak. “Mom, why are you crying, who did this to you, Mom?” Sabi nito at niyakap nalang ako nito at hinaplos ang aking buhok na tumatabing sa aking mukha. “I'm fine, son, don't worry, okay?” Paliwanag ko na lang dito tumango na lamang ito at hindi na pa nagsalita, makikita sa mukha nito ang galit na namumuo kilala ko na rin naman ang anak ko kahit paano alam kong aalamin nito ang totoong nangyari sakin. “Mag-ayos kana na muna at magpahinga ipapatawag ko na lang kayo kapag ready na ang hapunan insan.” Mahinang sabi ni Camille tumingin ako dito na may ibig sabihin, alam ko din naman na naiintidihan din ako nito kung wala akong naikukuwento dito. Tumango na lang ako at nagtungo sa loob ng banyo, alam k