Chapter Ten -Karen- Papasok na ako sa aking inuupahang apartment ng tawagin ako ni aling Sonia para ibigay ang invitation na pinadala daw sakin kanina, siya na daw ang nag received dahil na school pa ako. Yes, I am now a teacher here somewhere in Bataan. Apat na taon na rin ang nakakaraan ng makapagtapos ako sa koliheyo at kumuha ng kursong teacher, isa itong dream come true para sakin. Mula ng gabing yon na umalis si Senyorito Zandro ay nagkaroon ako ng hiyang humarap sa pinsan nitong si Senyorito Khen, alam ko kasing alam nito ang mga nangyayari pero ni minsan ay hindi ito nagtanong ng kahit na ano sakin. Gusto kong man bawiin ang mga nasabi ko na ng gabing iyon ay hindi na maaari dahil balita sa buong mansyon na umalis na ito ng bansa. Naging tahimik ang buong mansyon nabawasan