Chapter Six
-Karen-
Halos mag iisang linggo na mula nangyari ung halikan namin dalawa sa kuwarto ni Senyorito hindi ko man malaman ang tunay na dahilan ay nagpadala na lamang ako sa nangyayari sa amin dalawa ng mga oras na yun, alam ko rin namang mali at ako lang din ang masasakta pero hinayaan ko s'yang gawin ang nais nito sa aking mga labi. Hanggag ngayon ay nararamdaman ko pa din ang mga halik nitong parang wala ng katapusan malalambot na labi mga dila nitong naglalako sa loob ng aking bibig. " Ay naku,,, Karen ano ba yan iniisip mong kahalayan." Sambit ko habang napapakamot pa ng aking ulot.
Ipinaling ko ang aking ulo para maiwaksi ang aking nararamdaman ngunit pilit s'yang naroroon at hindi ko rin maiwasan na isipin ang lahat ng yun. Ilang sandali pa ay napabuntong hininga na lamang ako at tinuloy ang pagaayos ng mga halaman sa garden.
Simula ng sabihin sakin ni Nana Mila kung may alam daw ako sa mga bulaklak at kung pwde ko daw bang alagaan ang hardin dahil mula ng mawala ang Donya Zenny ang Mommy ni Senyorito Zandro ay nawala na din ang ganda ng garden dahil ang Donya lamang ang namamahala dito. Ito mismo ang nagaalaga sa mga halaman at mga bulaklak, kaya naman walang pagdadalawang isip na tanggapin ko ito dahil hilig ko ang magtanim lalo ang mga halaman ng mga Roses.
Balak ko nga kapag nagkaanak ako ay ipangalan silang lahat sa mga bulaklak. Ang pag-iisip na yun ay nahinto ng bigla na lang dumating Fredie isa sa mga tauhan ni Senyorito at nagpapahiwatig sakin ng kanyang pagkagusto.
Ngunit una palang ay sinabi ko na wala akong nararmdaman para dito kaya naman naging magkaibigan na lang kami at binibigyan ko ito ng mga bulaklak sa tuwinv uuwi ito sa kanila dahil gusto daw ng Ina nitong may sakit ang mga tulips lalo na kung kulay puti ang mga ito.
Kaya madalas ay binibigyan ko ito alam naman ito ni Nana Mila at okey lang naman daw sa kanya napumitas dahil ganon din daw ang ginawa ng Donya namimigay ng mga bulaklak dapat daw malagu at marami na itong mga bagong tubo.
"Hi, Good Morning Karen." Bati nito sa akin ng malambing na boses. "Good Morning din sayo Fredie, kamusta uuwi kaba ngayon sa inyo."? Pagtatanong ko dito habang naglalakad at kumuha ng mga tulips na pwde ko ng ibigay dito.
"Ahm,,, oo sana kaya magpapaalam sana ako sayo baka kasi matagal bago ako makabalik dito kasi kinuha ako ni boss Khen kaya baka dun muna ako magbabantay sa kabilang mansion ng mga De Lana." Mahabang sabi nito habang kumakamot ito sa kanyang ulo.
Nalungkot man ako ay wala akong magagawa alam ko ang klase ng trabho nila kaya naiintindihan ko at alam kong need n'ya ng trabaho dahil sa Ina nitong may sakit na Breast Cancer. Ang kuwento nito at nasa lahi na daw iyon ng kanilang pamilya kaya naman bindi malabong magkaroon ang Ina nito, iyon din daw ang kinamatay ng kanya Ate Freda kaya naman ganoon na lang ang pagaalaga nito sa kanyang Ina dahil ayaw niya itong mawala.
"Ah,,,, ganon ba kaylan naman ang alis mo.?" Tanong ko dito. "Mamayang gabi na Karen, nga pla magiingat ka dito at wag kang lalabas ng gabi lalo na kung wala ang Senyorito dito masyado kasing delikado Karen." Pahayag nito sakin bago hawakan ang kamay ko at napatingin ako dito na hindi agad nakapagreak sa kanyang ginawa. Wala naman s'yang ginawa kung ang titigan lang ako at ngumit ng napakatamis.
Hindi ko naman maitatanggi na gwapo ito ngunit sadyang hindi ito nais ng aking puso. "Fre,,, fredie , pabulong na sambit ko."Alam kong aalagaan ka n'ya alam ko namamahalin ka rin n'ya mas higit pa sa naramdaman ko." Mahinang sambit nito na hindi ko maintindihan sino ang tinutukoy nitong magmamahal sakin ng higit pa sa kanya.
Patanong ko itong tinignan pero nakangiti lang ito sakin na animoy siguro sa kanyang sinsabi. Napabitaw ito sakin at napabuntong hininga n'ya akong binitiwan. "Ano ba ang ibig mong sabihin sa sinasabi mo ha Fredie hindi ko kasi maintindihan eh.?" Pagtatanong ko dito.
Pero hindi pa s'ya nakakapagsalita muli ng bigla na lang ito bumaksak sa lupa, hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko ng makita ko si Senyorito na galit na galit na pinagsusuntok si Fredie na ngayon at wala ng malay na nakahiga sa lupa at puno ng dugo at mukha nito.
Ilang sandali pa ay dumating na rin si Senyorito Khen at hinilang palayo si Senyorito Zandro mula kay Fredie na lupaypay na nasa lupa na. "f**k what are you doing." Malakas na salita ni Senyorito Khen kay Senyorito Zandro na ngayon nakatayo sa isang sulok at pinakakalma ito.
Napilingon ito sakin at lalo akong natulos sa aking kinaroroonan ng magtama ang aming mga mata na hindi ko alam ang aking gagawin. Galit na galit ang makikita mo dito pero kabila nun ang lungkot sa mga mata nitong hindi ko rin mabasa kung ano ang kanyang iniisip ng mga sandaling yun.
Nagdatingan na rin sila Nana Mila at pinsan kong si Camille kahit ito ay nagulat ng makita si Fredie na duguan at buhat buhat ng ibang tauhan ni Senyorito Zandro.
"Kamusta ka iha."? Pagaalalang tanong sakin ni Nan Mila. "Okey lang po ako Nana Mila." Mahinang sagot ko dito. Ilang sandali pa paalis na sana kami sa loob ng Garden ng magsalita si Senyorito Zandro. "Wait i want to talk you Karen." Matigas nitong sambit na lalong napadag-dag ng kabang nararamdaman ko.
Nagkatingin ang mga tao dun sa ng makita ang tingin ng aming amo ay isa-isang nagalisan kasama si Senyorito Khen hila-hila naman nito ang pinsan kong si Camille. Parang may somerhing ang dalawa ngunit wala ako sa mood para magtanong, dahil meron isang taong naghihintay pala sakin para lapitan ko ito.
"A- ano po ang pag-uusap natin Senyorito."? Kabadonh sambit ko dito. Tahimik pa rin ito at nakatingin lang sakin nv ilang minuto. Napabuntong hininga ito at dahan-dahang lumapit, bigla ako nito hila at napasubsob ako sa dib-dib nitong malikas dahil halata dito na tambay ito sa gym.
Niyakap ako nito ng walang sabi-sabi at ilang sandali pa ay sakop na nito ang aking bibig dahil sa bikis ng mga pangyayari hindi ko rin namalayang tumutugon na pala ako sa mga halik nitong sobrang namiss ko rin sa loob ng ilang araw ko itong hindi nakikita.
Lumalim pa ang halikan namin ng maramdaman ko ang kamay nito kinakaba ang aking isang dib-dib gusto ko sa ng umagal ngunit ayaw ng bibig kong magsalita at sabi ng katawan ko ay ayos lang. Napaungol ako ng hindi ko rin namamalayan." I really miss you honey." Sabi nito aa gitna ng aming paghahalikan. Nabigla ako at nakabawi sa aking kapusukan. Nilabanan ko ang nararamdaman ko at napahiwalay ako sa pagkakayakap nito kasabay ng pagputol ng aming halikan. "What ? Pagtatakang tanong nito na nakakunit pa ang noo. "Ang sabi n'yo po mag-uusap tau eh hindi naman usap ang ginawa n'yo eh." Salita ko dito na hindi inisip na amo ko pa s'ya. "Natawa naman ito at muli akong hiyakap at muling hinalikan. "Tagol na nasabi ko ng sa akinv isipan.