Chapter 01
Prologue
Minamahal kong Antony,
Sinubok mo at sinubok ko, ngunit ang tadhana’y mapag-biro. Ilang ulit man nating subukan ay alam kung hahantong padin ito sa pag-susulat ko. Hindi ko batid kung bakit ako pa’y sumulat para mag-paalam sa matamis na tayo, ngunit kay sama ko naman kung hindi ako mangangako.
Pangako na sa susunod na tayo ay lalaban na din ako. Pangako na sa susunod na bagyo ay magiging matatag na ako. Pangako sa susunod na tag-araw ay may tubig akong alay para diligan tayo. At pangako sa susunod na taglamig at ulan ng problema’y nasa tabi mo na ako.
Patawad dahil sa biglaan kong pag-alis sa tabi mo. Patawad dahil pinili kong lumayo sa iyo. Patawad dahil duwag ako. At Patawad dahil nagawa kong iwan ang mga pangako ko sa tayo.
Nagmamahal.
Mariella.
***
Kabanata I
Nangungulangot si Isabella habang nag-hihintay ng barko patungo sa Syudad nang makita siya ni aling Genna at itinaboy ang kamay.
“Anak naman! Huwag ganyan ang pag-asta doon sa syudad!” Naka-kunot noong sigaw ni aling Genna sa anak-anakan habang naiiyak.
May napag-kasunduan kasi sila ng kapit-bahay nilang si Corazon na siya ding tinuturing ina-inahan ni Isabella. Doon nalang daw ito mag-aaral habang tutulong din sa mansion na pinag-sisilbihan ni Corazon.
Walang nakilalang ina si Isabella at ang lola nitong pumanaw na ang tanging nagpalaki sa kanya kasama na din ang mga ina-inahan niyang mababait. Ngayon naman na manganganak na si aling Genna ay si Isabella na mismo ang may sabi na sa Syudad kung nasaan si Corazon nalang siya tutungo lalo na’t nangako ito na pag-aaralin siya.
“Ma! Huwag ka nga kasing iiyak! You look bruha already! Don’t the water is steaming!” Mahina si Isabella sa Ingles pero kahit ganon ay sinusubukan niya pa din ito.
“Anak, huwag sasama sa mga masasamang babae sa Syudad, ha? Nag-aalala ako sa’yo kasi iba iyong paligid doon eh,” nag-aalalang sabi ni Aling Genna kay Isabella.
Ngumise lang si Isabella sa nanay-nanayan niya’t nang mag-anunsyo na ang pag-boarding ng barko’y nag-paalam na siya. “Huwag kayong mag-lakad mag-isa sa gabi ma ha! Buntis ka pa naman, alam mo na mga kapitbahay nating aswang,” biro ni Isabella kaya natawa si aling Genna.
Niyakap niya ang anak-anakan sa huling pagkakataon atsaka pinakawalan na ito. Kaya ang rami nitong nanay-nanayan kasi mabait itong bata.
First time ni Isabella na malayo sa pamilya niya at first time din niyang makasakay ng barko. Bilin ni Aling Genna ay huwag daw iwawala ang ticket at huwag daw ibibigay kahit kanino kaya hawak-hawak niya ito ng maigi.
Nang sasakay na sa barko at nang-hihingi na ng ticket ang crew ay napa-kunot ang noo ni Isabella. Ang sabi ng nanay niya huwag ibigay.
“Ma’am, ang ticket po ninyo,” ani ng crew.
“Ha? Bakit?” Nag-tatakang tanong niya.
“Ibigay niyo nalang po ma’am.”
“Pasensya ka na kaso kailangan ko din ito para maka-sakay eh. Wala na din kasi akong extra na pera para bumili pa ng isa,” seryosong sabi nito sa crew.
Nabigla siya nang biglang tumawa ang crew. “Ma’am parte po ako ng barko na ‘to. I-check ko lang ang ticket ninyo, hindi ko naman aangkinin.”
“Ay…” bulong niya’t ibinigay ang kanyang ticket. Isina-uli ito na may punit na kaya napasama ang tingin niya sa crew.
“Normal lang po iyan ma’am. Pasok ka na po,” natatawa paring sabi ng crew.
Isinawalang bahala na iyon ni Isabella at sumakay na nga sa barko. Dahil hindi niya alam kung saang deck siya ay tinulungan nanaman siya ng isa pang crew at nagpa-salamat dito.
Sa barko palang ay ang rami na niyang hindi maintindihan paano pa kaya kapag sa bahay na ng bagong amo niya? Hindi naman siya mahihirapan kasi nga nandoon ang isa pang nanay niya na si Corazon at ito pa ang susundo sa kanya.
Medyo matagal-tagal din ang kanyang biyahe. Nakarating ang kanilang barko sa port ay madaling araw na din. Pag-kababa niya’y binati pa siya ng magandang umaga nong crew na muntik niyang awayin kanina. Napangite nalang siya dito.
Nag-antay siya kay Corazon at nang makita ito’y tumakbo siya patungo rito.
“Buti naman at sakto ang dating ko,” sabi ni Corazon habang naka-ngite kay Isabella. “Nag-alala ako kasi alam kong hindi ka sanay.”
Tumawa ng bahagya si Isabella. “Muntik ko nga awayin ang crew nay! Pero buti nalang at hindi ko ginawa.”
Natawa dito si Corazon. “Halika na at ang ginaw-ginaw dito.”
Sumakay sila ng taxi papunta sa malaking bahay na tinutuluyan ni Corazon. Sa maid’s quarter sila dumeritso at maaga palang ay gising na ang ibang katulong. Ipinakilala ni Corazon si Isabella sa iba pang mga katulong at ikinagalak naman ng lahat ang makilala si Isabella.
“Mamaya ay ipapakilala kita sa may-ari ng bahay, ha?” ani ni Corazon at ipinahinga na muna si Isabella.
Dumating nga ang oras para ipakilala si Isabella sa amo nila. Naka-bihis na din ito ng pang maid utos ng kanilang amo.
“It’s nice to finally meet you,” ani ng babaeng naka-upo sa isang mesa. Mala-presidente ang aura ng matandang babae na naka-upo sa harapan nila Isabella.
“Ikinagagalak ko po kayong makilala,” tapos ay mag-mamano sana si Isabella nang pigilan siya ni Corazon. Napa-lingon siya dito at ini-uyog ni Corazon ang kanyang ulo. Nakuha naman ito ni Isabella.
“Ganito kasi iyon, since you grew up with your grandmother, Corazon recommended that you take care of my mother during your free hours,” pag-sisimula ng babaeng mukhang wala pang apo. “Her name is Granny. Hindi naman siya pabigat but she needs someone to talk to at alam mo naman siguro ang mga matatanda. In return, I will let you stay and increase Corazon’s pay and will not pay you.”
“Bakit po—”
“Saang planeta ka ba nanggaling at hindi mo alam na bawal pagtrabahuin ang mga minor na kagaya mo? Mag-eeighteen ka palang, iyon ang naka-sulat dito,” pag-putol ni Lilian sa tanong sana ni Isabella.
Pinili ni Isabella na huwag na lamang sumagot kasi hindi niya naman din alam ang isa-sagot. Tiningnan siya ng masama ni Lilian at nag face-palm.
“Alright, assign her to the right wing,” sabi ni Lilian kay Corazon at tumingin ulit kay Isabella. “ Ikaw din ang magtatawag sa aking mga apo tuwing kakain at kung wala pa ang isa sa kanila, lalo na si Clifford ay hindi ka magpapa-hinga. At tandaan mong nakikitira ka lamang dito.”
“Pero ma’am hindi po ba’t hindi naman yata makatwiran iyang—“
“Are you saying na hindi iyon kaya ng iyong anak-anakan, Corazon?” Mataray na tanong ni Lilian.
“Hindi naman po sa ganon, pero bagu—“
“You’re dismissed!”
Napa-pikit nalamang si Corazon sandali at hinila na palabas si Isabella.
“Pasesnsya ka na at iyon agad ang naabutan mo. Tutuloy ka pa bang mag-trabaho dito? Si Clifford kasi ay hindi basta basta. Palagi panaman iyong nang-gagago sa mga katulong dito.” Nag-aalalang sabi ni Corazon.
“Okay lang Nay Corazon. Hindi naman siguro siya pumapatay kaya okay lang. Atsaka kailangan ko rin talaga tumulong saiyo lalo’t pasukan na din, diba?”
Batid pa din sa mukha ni Corazon ang pag-aalala pero wala din siyang magagawa na’t inihatid nalang sa right wing si Isabella at sinabihan sa ano man ang kanyang gagawin.
Nang mag-hapunan na’y wala pa din ang sinasabing Clifford kaya hindi pa siya nakakapag-hapunan. Tingin lang siya ng tingin sa kaliwa at kanan ng hagdanan. Napa-mura nalang siya sa tagal ng pag-aantay. Ilang minuto lang din ay naka-tulog siya.
Nagising si Isabella nang may parang sumisipa sa kanya. Dahan-dahan niyang inimulat ang kanyang mata’t lumaki agad ito nang makita ang nasa harap niya. Isang lalaki na kulay kalawang ang buhok, may mga matang magaganda, ang ilong nito’y sobrang tangos at ang mga labi’y—
“Hey Stupid!” ani ng lalaki sabay sampal sa kanyang pisnge ng bahagya. “I’m going inside my room now, go get some rest.” Saka umalis ang lalaki.
Hindi maka-get over si Isabella. Anghel yata iyong nakita niya ngunit… Napalingon siya at naka-pasok na ang lalaki. Doon lang siya nata-uhan… iyon ba ang ang apo ni Lilian na si Clifford?
Kina-umagahan ay antok na antok pa si Isabella nang gisingin siya ni Corazon. “Maligo ka na’t magbihis, Isabella para magising mo na si Clifford at kumain.”
Pagka-tingin palang ni Isabella sa labas ay madilim pa at halos wala pang makikita kung hindi lang sana mala-palasyo ‘tong bahay ng amo nila. Bumangon siya’t naligo at nag-bihis. Tutulong din sana siya sa pag-luluto kaso hindi siya pinayagan.
Ang sabi nila’y doon nalang daw siya maglinis sa right wing kung nasaan ang kwarto ng mga apo ni Lilian. Wala siyang nagawa kaya doon siya nag-linis habang hindi pa oras para gisingin si Clifford.
Linis lang siya ng linis nang may biglang tumakbong batang naka-puti galing sa isang dulo ng hall patungo sa isa sa mga kwarto. Tumawa pa ito habang tumakbo kaya napa-dasal agad si Isabella. Sabi na nga ba at basta malaki ang bahay ay maraming kababalaghan ang nagaganap, isip niya.
Malakas ang kabog ng kanyang dibdib habang dahan-dahan niyang binubuksan ang kwarto kung saan pumasok ang bata. Linakihan niya ang opening at napatumba siya nang biglang pinaputukan siya sa mukha ng confetti.
Nakarinig siya ng sobrang lakas na tawa galing sa batang babae. “You’re more stupid than the rest,” ani ng batang babae atsaka siya sinarahan ng pinto.
“Salbahing bata,” napa-bulong nalang siya’t tumayo.
Biglang tumunog ang malaking orasan na nasa bahay. Ibig sabihin non ay kailangan na gisingin si Clifford para kumain kaya walang katok-katok at pumasok siya sa kwarto ng binata.
Malinis naman ang kwarto ni Clifford, isip ni Isabella. Pero wala na doon ang lalaki sa kanyang kama. “Ahem? Sir? Andyan po ba kayo? Bumaba na daw po kayo at kakain na daw!”
Dahil walang sumagot ay na-isipan ni Isabella na nasa banyo ito. Again, hindi siya kumatok at agad lang binuksan ang pinto. Ang hindi niya namalayan ay may balde pala sa itaas ng pinto’t ang laman ay malamig na tubig. Nabuhos ito sa kanya at ensakto pang nalagay sa ulo niya ang balde.
“That’s for not knocking on someone else’s door,” narinig niyang sabi ng lalaki.
Nanginginig na kinuha ni Isabella ang balde na nasa kanyang ulo. Nakita niyang naka-smirk ang lalaki, na-isip niya na lang na ang sarap nitong sapakin.
“Salbahing gago!” mura ni Isabella. “Kumain ka na daw doon sa baba!” Nag-tch si Isabella at inirapan si Clifford bago ito umalis.
Nag-evil grin naman si Clifford. She’s another maid that will suffer in my hands, isip niya’t tumawa ng bahagya. “Well, I wish her good luck.”
“Pinag-tripan ka ni Clifford?” Tanong ng isa pang maid nang makita si Isabella.
“Oo ate. Una iyong batang babae, tapos sumunod ‘yong salbahing lalaki,” sagot niya. Unang araw palang pero naiinis na talaga siya sa mga ito.
“Kaya walang nag-tatagal sa mga ‘yan eh. Mas malala pa diyan ang kaya ng dalawang ‘yon beh kaya mag-ingat ka,” pa-alala sa kanya ng kasambahay na kasama nila.
Naka-simangot na tumabi si Isabella kina Corazon kung saan naka-tingin lang silang mga maid sa mga boss nilang kumakain. Naka-titig lang si Isabella kay Clifford na tila ba’y may masamang balak ito sa amo niya.
Ilang saglit lang ay hindi sinasadyang napa-tingin si Clifford sa kanya’t ngumise ng kay lapad. Nakaka-inlove man ang ngite nito sa iba, para kay Isabella punong-puno ito ng kagaguhan.
“Mabilaukan ka sana,” bulong ni Isabella na ikinalaki ng mata ni Corazon.
Na-isip nitong baka nabiktima na ni Clifford si Isabella kaya nasabi niya ito. Nakita din ni Corazon ang mga titig ng dalawa sa isa’t-isa. Umagang-umaga palang eh may galit na ang dalawa sa isa’t-isa.
“I’m planning to get my own condominium unit by the end of the month,” biglaang sabi ni Clifford sa kalagitnaan ng umagahan nila.
Lilian sighed hearing the news. “Aren’t you supposed to wait—”
“I want to be on my own.”
Ibinaba ni Lilian ang kanyang utensils at tiningnan maigi ang kanyang apo. Hindi siya papayag sa ganoong uri ng pamumuhay ng kanyang apo. He needs someone to accompany him kaya napatingin siya kay Isabella.
“Okay,” sabi ni Granny na ikina-liwanag ng mukha ni Clifford. “On one condition, Isabella Panansigan will be there with you.”
“Isabella who?” Nagtatakang tanong ni Clifford habang naka-kunot ang noo.
“Ako ‘yon…”
Napa-tingin si Clifford sa gilid at nakita niyang naka-taas ang isang kamay ng bago nilang katulong. Biglang nawala ang ngite sa kanyang labi at napa-titig ng blanko kay Isabella.
“You must be kidding me, Lilian!”
“No! Not at all.” Inilabas ni Lilian ang kanyang nakaka-inis na ngite na ang ibig sabihin ay tapos na ang diskusyong ito.
Galit na tumayo si Clifford. He glared at Isabella before leaving the dining area. Ikinatuwa naman ni Isabella ang nangyari dahil nainis ang salbahing lalaki sa kanya.
Pag-katapos ng agahan nila ay tumambay si Isabella sa labas. Doon siya sa may garden nagdidilig ng mga tanim. Kanina ay nagtanong siya kung nasaan ang matandang dapat niyang alagaan kaso naka-bakasyon pa daw ito. Habang nandidilig siya’y napa-hawak siya bigla sa kanyang leeg nang madama na may humapdi doon.
Noong una ay hinayaan niya lang ito’t baka kinagat lang siya ng langgam pero may mga sumunod pa sa kanyang braso at likod. Hindi na siya mapakali at akala niya’y pinaglalaruan nanaman siya ng mga engkanto nang mapa-tingin siya sa taas.
Bumungad sa kanya ang naka-ngiseng mukha ni Clifford habang naka lean forward sa balcony ng kwarto nito. May dala-dala itong laruan na baril. Iyong bala ay ‘yong maliliit na bilog.
“One, twenty one guns,” kanta ng walang hiyang lalaki. “I would love to shoot you in the head with a real gun.”
Nag-salubong agad ang kilay ni Isabella. Heto nanaman ang lalaking ‘to. “Ako nga eh! I would love to fall you here in the dirt!” Proud na proud na pagka-sabi ni Isabella kay Clifford.
Clifford’s face twitched at what she said.
“What?!”
“You!” sigaw ni Isabella sabay turo kay Clifford. “Fall down,” Sabay turo sa baba. “Dead!” Atsaka aksyon na namamatay.
Mas lalo itong nagpa-lito kay Clifford. He shook his head side to side. Mau-ubos yata ang mga brain cells niya dahil sa babaeng ‘to.
Magkasing-edad lang sila ni Isabella, or might be na mas matanda siya sa babaeng ito. He never liked girls so much before and he doesn’t like stupid ones too. Hindi niya alam kung bakit ipinasok ito ng lola niya but still, she was too young. Oh well, there are lucky and unlucky people and he just happened to be lucky.
“Quit the job!” Sigaw ni Clifford.
Isabella only looked at him with her eyes twinkling. “No sir, I have family and dreams!” Sigaw nito pabalik atsaka tumalikod na kay Clifford. Oo, may mga pamilya siyang dapat tulungan gaya nalang ni Nay Corazon at Ma Genna niya.
Ibinaba ni Clifford ang kanyang laruang baril. “Family, huh?” he asked and stared at Isabella who continued to water the plants. “Tch,” he scorned and left.