Naya’s POV
Nagsimula na ulit ang shooting namin ni Stefano. Mas dumami ang tao nung malaman nilang nandito kami sa beach resort. May isa kang staff ng resort ang nagkamali na mag-post na nandito si Stefano. Kaya naman ‘yung ibang mga tagarito, dumayo dito malapit sa beach resort kaya dumami tuloy ang mga tao. Stress na stress tuloy si Miss Hannah kung paano paalisin ang mga tao. Hindi naman magawang magalit ni Stefano kasi mga fans din ‘yan. Kaya ang ginawa ng mga staff ni Stefano, ang staff ng resort ang kinausap. Ito ang parang pinagalitan.
“Stefano and Miss Naya, ito na ‘yung part na may kissing scene. Mabilisan lang ito kasi sunset na. Ito ‘yung part na talagang pinaghandaan natin kaya habang naka-sunset na, mag-start na tayo. Bigyan ninyo ako ng magandang emosyon. ‘Yung emosyon na parang inlove na inlove kayo sa isa’t isa. Magtinginan muna kayo ng matagal, tapos dahan-dahang maglalapit ang mga mukha ninyo. Okay?”
“Okay po, direk,” sagot ni Stefano.
“Sige po,” sagot ko naman.
“Okay, ready, action!”
Kahit maraming taong nanunuod sa paligid, ginawa ko pa rin ang plano ko. Hindi naman siguro agad-agad mawawala ang sunset. Sa unang take, sinadya kong magkamali. Habang nasa swimming pool kami at ang background namin ay ang dagat at ang sunset, hinila ni Stefano ang kamay ko kaya napalapit ako sa kaniya. Napahawak ako sa matipuno niyang katawan habang pareho kaming wetlook. Ang eksena kasi ay kunyari kakatapos lang naming mag-swimming. Tapos, nagkita kami ulit dito sa swimming pool. Sinunod namin ang nakalagay sa script, nagtitigan kami. Binigay ko ‘yung mga tingin ko sa kaniya na parang inlove ako sa kaniya. Ganoon din ang nakikita ko sa kaniya kaya para tuloy akong natutunaw sa titig niya. Sobrang suwerte ko kasi nangyayari sa akin ito sa totoong buhay. Alam ko, ‘yung ibang mga fans niya na naririto at nanunuod sa amin, inggit na inggit dahil heto, halos magyakap kami ni Stefano. Sinong hindi kikiligin sa ganitong eksena naming dalawa. Pero kahit na kinikilig ako sa loob ko, ginawa ko pa rin ang part ko.
Maya maya, dahan-dahan nang nilapit ni Stefano ang mukha niya sa akin. Sign na hahalikan na niya ako kaya naghanda na rin ako.
“Yan, ganiyan nga, ituloy ninyo,” sabi pa ng director.
Hanggang sa maramdaman ko na ang mainit na hininga ni Stefano. Walang ano-ano ay naramdaman ko nang dumampi sa mga labi ang malambot niyang labi. This is it. Hinahalikan na ako ni Stefano. Isa sa mga pangarap ko ay natupad ngayong araw. Nagmumura ako sa loob ko, gusto kong tumalon at magsaya, pero nasa shooting ako.
Gagawin ko na dapat ‘yung plano kong pagkakamali, kaya lang biglang gumawa ng eksena si Stefano. Tinanggal niya ang pagkakahalik sa labi ko at saka siya tumawa.
“Cut, bakit, Stefano? Sayang, maganda na dapat ‘yung scene ninyo,” sabi ng direktor. Maging ako ay nagulat din. Ako dapat ang gagawa ng eksena pero siya ang nagkamali.
“Sorry, nagkakaroon kasi ng buhay ‘yung ano ko,” sabi niya saka siya tumuro sa ibaba niya. Lahat kami ay biglang natawa. Pati ang mga tao at staff ay nag-ihit sa kakatawa. Hindi ko inaakalang sasabihin niya ‘yon. Ang ibig niya kasing sabihin ay tinitigasan daw siya. Nang tignan ko tuloy ‘yung ibaba niya, oo, nakabukol nga ang sandata niya roon. Natatawa na lang tuloy ako na nagawa ko na rin mapatigas ‘yung ano niya sa pamamagitan ng paghahalikan namin. Pero, ang saya kasi hindi ako ‘yung nagkamali. Si Stefano ‘yung nagkamali kaya hindi na rin masama. Ibig sabihin, may kiss pa kami. Hindi pa kasi satisfy ang direktor.
“Hindi tayo puwedeng tumunganga, mabilis lang ang pagbaba ng sunset kaya umpisahan na ulit natin,” sabi ng direktor kaya nag-umpisa na ulit ang shooting.
Kung ano ‘yung ginawa namin nung una, inulit ulit namin. Hanggang sa maglapat ulit ang mga labi niya. Sa part na ito, nabigla na naman ako. Ang nakalagay sa script na dapat ay smack kiss lang ay biglang iniba ni Stefano. Nagulat kasi ako nang bigla niyang igalaw ang mga labi niya. Hindi na lang siya sinita ng director kasi mukhang naging maganda rin ang scene namin. Wala tuloy akong nagawa kundi ang sumagot na lang sa paghalik niya. Hindi ko alam kung anong itsura ko. Basta, pinikit ko na lang ang mga mata ko at saka ako nagpaubaya sa mga halik niya. Matagal bago nag-cut ang director. Tila ba sinamantala nito na makuhanan kami nang makakuhanan ng video habang nagpapakita pa rin ang sunset.
Nalunod ako sa ilang minutong paghahalikan naming dalawa. Ang scene na ito ang siyang magpapagulo lalo sa mga fans ni Stefano sa oras na ilabas na niya ang music video na ‘to.
“And cut!” sabi na ng director kaya dumilat na ako matapos ang paghahalikan namin.
Bigla namang tumalon si Stefano sa swimming pool. Sa tingin ko, tuluyan nang tumayo ang sandata niya sa ibaba kaya napatalon na lang siya roon. Ako naman, napapaypay sa sarili ko matapos ang scene na ‘yon. Pakiramdam ko, natuyo ang laway ko dahil sa paghahalikan namin. Palalpal na kasi ang ginawa sa akin ni Stefano. Sanay na sanay siyang makipaghalikan. Saka, putang-ina, ang sarap niyang kahalikan. Pakiramdam ko rin ay tila namasa ang hiwa ko sa ibaba. Nakakainit ang mga halik niya.
Lumapit na sa akin si Ate Ayah at saka ako binigyan ng towel. Tinapis ko iyon agad sa akin at saka niya ako inakay pabalik sa loob ng villa. Nang makapasok kami sa loob, sabay kaming sumigaw sa tuwa.
“Oh, my god! Nagka-kiss na kayo ng idol mo, sis!” masayang sabi ni Ate Ayah.
“Oo nga, Ate. Hindi ako makapaniwala. Naidampi ko na ang mga labi ko sa mga labi ni Stefano. Sobrang lambot ng lips niya tapos ang init ng hininga niya. Saka, alam mo, parang gusto na nga niyang ipasok ang dila niya sa loob ng bibig ko. Bigla lang nag-cut si direk kaya natigil siya sa binabalak niya,” sabi ko pa sa kaniya kaya nagulat si Ate Ayah.
“Happy ka na ba? Ay, naku. Sa lahat ng fans ni Stefano, isa ka talaga sa pinaka-suwerte. Hindi ka lang napasama sa music video niya, nakalaplapan mo pa ito. Kung tutuusin, puwede nang hindi ka sumali sa pa-contest niya. Dito palang, panalo ka na,” sabi pa ni Ate Ayah.
“Hindi puwede. Tuloy ang laban ko. Mas mainam pa rin kung mananalo ako sa pa-contest niya. Tatlong araw ang date na iyon kaya hindi ko iyon puwedeng sayangin,” sagot ko sa kaniya.
Hindi pa dito nagtatapos ang lahat. Alam kong ako ang mananalo sa contest na iyon. Alam kong ako ang makaka-date niya ng tatlong araw sa Baguio. Hindi puwedeng hindi!