Kabanata 17

1315 Words
Naya’s POV May dumating sa bahay namin na staff ni Stefano. Nagulat ako kasi personal nila akong pinuntahan dito sa bahay para pumirma ng contract. Hindi na nila sina-publiko kasi gagawin nga nilang surprise ang mangyayari na music video. Tatlong tao lang naman sila, dalawang babae at isang lalaki. Kasama dito ‘yung secretary ni Stefano. Nakakatuwa nga kasi halos sampung pirasong papel ‘yung pinirmahan ko. Pero, siyempre, binaba muna ni Ate Ayah ang nilalaman ng contract bago ako pumirma. “Mga ma’am at sir, merienda muna kayo,” alok ni mama ng spaghetti sa mga staff ni Stefano. Nagluto si mama ng merienda kasi alam niyang pipirma ako ng contract ngayon. Mabuti na lang at hindi maarte itong mga staff ni Stefano. Kinain pa rin nila ‘yung niluto ni mama. Sarap na sarap pa raw sila. “Congrats again, Miss Naya. See you sa first day ng taping ninyo sa sabado,” sabi sa akin ng secretary ni Stefano nung umalis na sila. “Salamat po, ingat kayo.” “Okay, salamat din. Anyway, ipapakita ko kay Stefano ‘yung maganda mong bedroom. Tiyak na matutuwa siya kapag napanuod ang video na kinuha ko sa room mo,” sabi pa niya. Pinakita ko kasi sa kanila ang room ko. Para talagang maniwala sila na fan na fan ako ni Stefano. Nung makita nilang halos puro mukha ni Stefano ang nakita sa dingding ng kuwarto ko, manghang-mangha sila. Pinakita ko rin na kumpleto ako sa mga CD, album, magazie at kung ano-ano pang tungkol kay Stefano. Lahat ng iyon kinuhanan ng video ng secretary niya para ipakita sa kaniya. Excited na tuloy akong malaman kung ano ang magiging reaksyon niya. “Naks, nakapirma na siya oh,” kinikilig na sabi ni Ate Ayah at saka ako inapiran. “Sa sabado, artista muna ang atake mo. Akalain mo ‘yon, magiging leading lady ka pa nung idol mo. Dream come true ito para sa iyo,” sabi pa niya kaya lalo akong kinikilig. “Proud na proud kaming lahat sa ‘yo, anak,” sabi ni mama habang katabi niya si papa na nakangiti rin. “Paghahandaan ko na ito. Sa mga susunod na buwan ay baka may kapatid na akong artista,” sabi pa ni Ate Ayah kaya hindi na mawala-wala sa mga labi ko ang masaya kong ngiti. “Kapag nangyari ‘yan, magpapatayo na agad ako ng malaking bahay natin. Promise ko ‘yan,” saad ko naman sa kanila kaya lalo silang sumaya. Naisip ko lang. Kung kailan naging maayos na kaming buong pamilya, saka dumating ang ganitong oppurtunity. Ngayon, suportado tuloy ako ng buo kong pamilya. Proud na proud ang mama at papa ko, tapos ginabayan pa ako ni Ate Ayah na naging manager ko pa sa bandang huli. ** “Uy, deserve kong malibre ng milktea,” pasigaw naman na sabi ni Ari nung papuntahin ko siya dito sa bahay namin. Nandito kami sa kuwarto ko. Kakatapos lang niyang tignan ‘yung contract na pinirmahan ko kanina. Ang gaga, inudyukan pa ako na magbigay ng clue sa mga tao. Sinabi niya na kuhanan ko raw ng picture itong contract at saka ko I-blur kung pinakasulat. Para raw hulaan ng mga tao kung ano itong contract na pinirmahan ko. Bilang masunurin ng kaibigan, ginawa ko naman. Nag-post na nga ako sa social media ko. Nung mag-viral kasi ang picture namin ni Stefano, nadagdagan ng ako ng mga followers. “Oh, oh, look, kaka-post mo lang may sampung react agad tapos may limang comment agad. Ano raw ‘yan. Bakit parang tungkol daw kay Stefano,” sabi ni Ari na panay ang refresh sa social media account ko. “Ayan na nga, umingay na ang notification ko,” natatawa kong sabi sa kaniya. Binitawanan ko muna ang cellphone ko dahil alam kong mag-iinit na naman ito dahil sa kaguluhan ng mga tao. Inaya ko nang lumabas si Ari kasi gusto niyang mag-milktea. At dahil deserve ko naman talagang manlibre, nilibre ko na siya. Nagki-crave din naman kasi ako sa milktea. Sa isang malapit na milktea-han lang kami nagpunta. Dito sa may kanto ng street namin. Masarap naman dito at suki na rin kami. Pagpasok sa loob, walang tao kaya natuwa kaming dalawa. “Sige, Ari, um-order ka na ng gusto mo,” sabi ko sa kaniya. “Uy, tamang-tama, Miss Naya, gusto kang makausap ng owner nitong Street Milktea,” sabi naman sa akin nung isang staff nang makilala niya ako. “H-ha, bakit naman daw?” tanong ko. “Puwede ko bang mahingi ang number mo o ng manager mo. Gusto ko kasing siya na ang magsabi sa iyo,” sabi niya kaya binigay ko na lang ang number ko. Kinuha ko ang cellphone niya at saka ko nilagay ang number ni Ate Ayah. “At dahil soon ay magiging mukha na si Miss Ayah ng milktea shop na ‘to, kung ano man ang o-order-in ninyo ngayon ay libre na,” sabi pa nung staff kaya nagulat kaming dalawa ni Ari. Nakakahiya nga lang kasi sinamantala ng gagang si Ari ang pagiging libre namin dito. Kung ano-ano ang pinag-oorder niya. Um-order ng fried noodle, apat na milktea, donuts, fries at saka iced coffee. Samantala ako ay isang flavor lang ng milktea. Sabi kasi ni Ate Ayah, habang wala pang sabado ay magtimpi muna ako sa pagkain ng marami. Hindi raw dapat ako tumaba para maganda at fresh ako sa music video ni Stefano. “Ang sarap mo ng maging kaibigan lalo. Biruin mo, sumikat ka lang sa social media, ganito na, ang dami ng blessing na dumarating sa ‘yo,” sabi ni Ari na masiba. Habang nagsasalita ay punong-puno ng pagkain ang bibig niya. “Oo nga, ako naman ‘yung parang hiyang-hiya na kasama ka. Grabe, pang limang tao na ‘yang in-order mong pagkain. Ako ang nahihiya sa ‘yo,” iritado ko namang sabi sa kaniya kaya iirap-irap na lang siya. Sanay naman siya na sinasabi ko ng ganito kaya balewala lang sa kaniya kapag may sinasabi akong masakit sa kaniya. ** Pagkatapos naming mag-milktea ni Ari, umuwi na kami kasi gabi na. Kanina pa rin ako tinatawagan nila mama at Ate Ayah. Parang mga baliw, sumikat lang ako takot na agad sila na ginagabi ako sa labas. Surang-sura nga si Ari nung nasa milktea shop kami. May dumating kasi ng mga student. Nakilala nila ako kaya nagpakuha sila ng litrato sa akin. Si Ari ‘yung ginagawa nilang photographer. Sa tuwing may magpapa-picture ako, siya ang tumatayo para kuhanan kami ng litrato. Tumuloy agad ako sa kuwarto ko para mag-check ng email. Hinihintay ko kasi ang masasabi ni Stefano sa video na ipapakita sa kaniya ng secretary niya. Kaya lang imbis na matuwa ako, isang malungkot na balita ang kumalat ng gabing ‘yon. Bumukas ang pinto ng kuwarto ko at niluwa nito si Ate Ayah na nakasibangot. “Nakita mo na ba? Nabalitaan mo na?” tanong niya kaya tumango ako. “Saan naman kaya niya nawala ang cellphone niya. Kawawa naman si Stefano,” sabi ko sa kaniya. Trending sa social media ang pagkawala ng phone niya. Sinabi niya na may malaking pabuya sa kung sino man ang makakapagbalik sa kaniya ng cellphone. “Naku, ang sabihin mo, Naya. Huwag naman sanang mangyari ‘yung naiisip ko,” sabi ni Ate na na-gets ko naman agad. “Oo nga, kapag nangyari ‘yung mga nasa isip natin, alam na natin kung ano ang kasunod sa balita. Baka video scan dal naman niya ang kumalat. Sana wala siyang ganoon sa cellphone niya,” sabi ko habang kinakabahan na rin. Siyempre, ayokong magkaroon ng kahihiyan ang Stefano ko. Ayokong magkaroon siya ng mga basher. Ang mga tao pa naman kapag ganoon na ang kumalat, lalo pa nilang pagpi-fiesta-han sa social media. “Sana nga,” sagot na lang ni Ate Ayah na napapailing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD