KARINA
“Hi sis, kumusta ka na? Masaya ka ba kung nasaan ka ngayon? Masaya ka ba…kasi iniwan mo akong mag-isa? B-bakit? B-bakit—”
Tuluyan na akong napahikbi sa harapan ng kanyang libingan. Matapos nang may mangyari sa amin ni Sergio kagabi ay lumiban muna ako sa trabaho sa opisina niya. Sinabi ko na lang na masama ang pakiramdam ko at naniwala naman siya. Birthday kasi namin ni Katherine ngayon. Kaya nandito ako sa libingan niya. Gusto ko siyang sumbatan sa tuwing nagpupunta ako dito. Gusto kong sabihin sa kanya kung gaano ako ka-miserable ngayon. Kung gaano kabigat ang nararamdaman ko. Pero kahit ganun gusto ko pa rin marinig niya na mahal na mahal ko siya. At hindi ko pa rin magawang patawarin ang lahat ng taong nanakit sa kanya. Lalong-lalo na si Sergio!
“Happy birthday, sa atin Katherine.”
Hinipan ko ang isang kandila at nagpunas ako ng luha. Pero patuloy parin ito sa pag-agos sa aking pisngi.
“Naalala mo ba noon? Hindi tayo halos makapag-celebrate ng birthday kasi kapos tayo sa pera. Pero kahit ganun, never tayong na-ingit sa iba nating mga kaibigan. Maraming beses tayong sinubok ng problema. Lalo na noong namatay sila inay at itay…walang-wala tayong dalawa. Ni hindi nga natin sila nabigyan ng maayos na libing. Tanging kahoy na krus lang ang nagsilbi nilang lapida. Naranasan natin matulog ng walang laman ang sikmura. Pero ni minsan hindi ko naisip na sumuko…Katherine. Ni minsan hindi ko naisip na kunin ang buhay ko para makatakas ako sa sakit ng nararamdaman ko. Hindi ako naging selfish para hindi isipin ang mararamdaman ng mga taong nagmamahal sa akin kung sakali mang mawala ako. Maraming tao ang may mga sakit at gusto pang mabuhay. Pero ikaw…basta mo na lang sinayang ang buhay mo dahil sa isang lalaki…Isang lalaking handang iwan ang kanyang asawa’t anak para sa kanyang mistress!”
Hindi ko napigilan ang ikuyom ang aking kamao. Kapag iniisip ko kung paano bilugin ni Sergio ang ulo ko! Kung paano niya ako dinadala sa matamis niyang dila. At kung paano niya ako angkinin kagabi! Nandidire ako! Pero tiniis ko! Hindi pag-ibig kundi poot ang nararamdaman ko sa ngayon. At ang makita siyang nakaluhod sa mga paa ko nagsisisi sa pagpatay niya sa kapatid ko ang nagbibigay ng lakas sa akin para magpatuloy!
Tumayo ako at inayos ang aking sarili. Pinahid ko ang aking luha at sinulayapan ko ang kanyang lapida.
“Nag-uumpisa pa lang ako sa paniningil, Katherine. At handa akong tangapin ang lahat ng consequence ng ginawa kong pagpapangap na ito kahit kapalit pa ang aking buhay.” Mahinang sambit ko sa kanya bago ko siya tinalikuran.
Alam kong lahat ng ginagawa kong ito ay may kapalit. Pero wala akong paki-alam. Hinding-hindi ko sila patatawarin. Hinding-hindi!
Pagkarating ko sa kotse ay pinahurorot ko na ito pauwi sa condo. Simula nang magtrabaho si Katherine noon ay hindi na ako nagpapadala sa kanya ng pera. Malaki ang naging ipon ko kaya bumili ako ng condo. Maliit lang ito ngunit comportable naman para sa mag-isa sa buhay. Malapit lang din ito sa kompanya kaya hindi ako nahirapan na magtrabaho.
Noong mamatay si Katherine. Walang ibang nakaalam kundi ako at si Marla. Ang kaibigan ni Katherine na kasama niya sa trabaho at sa apartment. Bestfriend siya ni Katherine at parang magkapatid na rin ang turingan nilang dalawa. Siya din ang tumawag sa akin at nakadiscover sa bangkay ni Katherine. Siya lang ang nakakaalam na ako si Karina. At tinutulungan niya ako para isakatuparan ang aking paghihiganti.
Gabi na nang makarating ako sa condo. Dumaan pa kasi ako sa shop upang bumili ng pagkain. Pagbukas ko ay nagulat ako nang makita ko ang sahig. May mga petals ito ng pulang rosas. Nang pumasok ako ay nakita ko naman si Sergio. Nakangiti siyang nakatingin sa akin at may hawak siyang isang kumpol ng bulaklak.
“Happy birthday my love.”
Lumapit siya sa akin at hinalikan niya ako sa labi.
“Thank you. May pa surprise ka pang nalalaman.” Nakangiting sambit ko sabay amoy ng bulaklak na inabot niya sa akin.
“Kanina pa nga ako dito eh, nagutom na nga ako pero okay lang kahit habang buhay akong maghintay basta para sayo Katherine.”
Kinabig niya ako at niyakap ng mahigpit.
“I miss you…” bulong niya sa akin. Umangat ang sulok ng aking labi. Ilang oras palang noong huli kaming magkita. Pero hinahanap na niya ako.
Hindi man lang niya sinasabi sa akin kung hindi ba nagalit si Catalina sa kanya dahil inumaga na siya ng uwi.
“Kumain na tayo.” Nakangiting sabi ko sa kanya. Kinuha niya ang bitbit ko at ipinatong sa mesa. Inayos ko naman ang dala niyang pagkain para makakain na kami.
“My love, papasok ka na ba bukas?” tanong niya habang kumakain kaming dalawa.
“Oo Sergio. Ayokong umabsent ng matagal dahil natatambakan ako ng trabaho.” Wika ko sa kanya.
“Mabuti naman, buong maghapon ka na kasing tumatakbo sa isip ko.”
Natigil ako sa pagsubo at tinignan ko siya.
“Bolero ka talaga, at bakit mo naman ako iniisip?” Naiiling at nakangiti kong sabi sa kanya.
“Hindi ko rin alam, ganito siguro ako kapag nagmamahal.”
“Mabuti pa kumain ka na lang.”
Sinubuan ko siya ng karne bago pa humaba ang usapan naming dalawa na wala namang kuwenta.
Pagkatapos ng pagkain namin ay inayos ko na yung mga pinamili ko. Naghugas na rin muna ako ng plato. Panay ang kwento niya sa akin tungkol sa trabaho.
Ngiti at tango lang ang naging sagot ko. Binuksan niya ang dala niyang wine at naghiwa din siya ng tsokolate cake na dala niya.
“I’m planning to annul our marriage.”
Nagulat ako sa sinabi niya kaya nabitawan ko ang baso na hawak ko at dumerecho ito sa sahig.
Mabilis akong yumuko ngunit inunahan niya akong pulutin ang basag na baso.
“Baka masugatan ka, ako na dito. Magpalit ka na ng damit mo.”
Napilitan akong tumayo at mabilis akong pumasok sa kuwarto. Pagkapasok ko ay napasandal ako sa likuran ng pinto. Hindi ito ang plano ko. Ayokong madaliin ang paghihiwalay nilang dalawa dahil hindi pa ito ang tamang panahon!
Wala sa sariling hinubad ko ang aking damit at naligo ako sa banyo. Habang kinukuskos ko ang aking katawan ay iniisip ko na kung ano ang sasabihin ko kay Sergio.
Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito.
“Can I join you?” tanong niya na ikinatango ko naman. Pumasok siya sa loob na boxer shorts na lang ang tanging suot.
Kinuha niya ang sabon at siya mismo ang nagsabon sa aking likuran.
“Nagulat ka ba sa sinabi ko? Yun naman talaga ang plano ko noon pa. Kapag nailipat na sa aking pamamahala ang kompanya ni Dad.” Paliwanag niya sa akin. Napapikit ako nang halikan niya ako sa leeg.
“Bakit mo siya iiwanan? Paano ang anak niyo?” tanong ko sa kanya.
“I don't love her. Siya lang ang may gusto na ikasal kaming dalawa. Ginawa niya ang lahat para makuha niya ako. Nahulog ako sa kanyang patibong at nagbunga yun kaya kita iniwan noon.”
Hinarap niya ako sa kanya at nakatitig siya sa aking mukha.
“Ikaw ang mahal ko Katherine. Ikaw ang gusto kong makasama habang buhay.”
Tuluyan na niyang inangkin ang aking labi. Nagpaubaya ako sa kanya at sa pangalawang pagkakataon ay binigay ko sa kanya ang aking katawan hindi ang aking puso.