"Sweetheart intindihin mo naman ako. Kailangan ako pumunta ng china. May sakit ang papa. Walang nag aasikaso ng negosyo namin dun." Sabi ni Gabriel sa akin.Kasalukuyang nasa heritage hotel kami kumakain. Sinundo niya ako sa school at dumeretso na kami dito. Kasi may sasabihin daw siyang importante. Hindi ako umimik sa sinabi niya. Kasi ngayun palang nasasaktan na ako sa pagalis niya. Hindi na ako sanay na wala siya sa paningin ko. "Promise, I will return emmidiately before your graduation and I have a surprise for you when I come back." Sabi nito at hinalikan ako. Kaya hindi ko na napigilan ang mga luha ko na nagunahan sa pag tulo. Naka yuko lang ako. Pakiramdam ko kasi hindi na niya ako babalikan pa. "Hey! Sweetheart, dont cry i will be back promise." Sabi nito at lumapit na sa akin at