"Ano ka ba Cloe kinakabahan kami sa sinasabi mo. Baka magpakamatay ang anak namin sa ginagawa mo." Sabi ni ninang Betchay kay Cloe ng pabulong. "Wag kayong mag alala malakas ang kutob ko na kayang kaya ng kaibigan ko yan. Para matutu sila lumugar." Bulong naman ni Cloe sa kanila. Saka tinaasan ng kilay si Celeste. "No! I did not agree." Sabi ni Gabriel na namumula na sa nagalit. "I can't let you go Jhanina." Sabi nito ng humarap sa akin. "You can do nothing Gabriel, Jhanina has already agreed to our game." Sabi ni Celeste at pinalayo pa ang tatargetin namin. "trust me." Sabi ko kay Gabriel at yumakap sa kanya bago ako pumunta sa tabi ni Celeste. "Bro! You have to trust Jhanina." Sabi ni Marco at ipinatong ang isang kamay sa balikat ni Gabriel. Walang nagawa si Gabriel kundi tingnan