P as ul' s p.o.v
Hindi niya namalayang nakaidlip na pala siya sa loob ng sasakyan ,halos nazlimpungatan lang siya sa pagbukas-sara ng pinto ng sasakyan at sa paglulan ng kaibigang si Francis doon. Dude you seemed exhausted?Tanong nito sa kanya ng makaupo na sa driver seat. "Yeah pabuntong hininga niyang sagot dito. I just felt so tired hoday. may ilang problema rin kasi sa company ni Dad! Sagot niya sa kaibigan ang kompanyang tinutukoy niya ay ang maliit na kumpanyang itinayo niya katulong ang ama, they owned numerous buildings for lease, meron din silang food carts na for franchise at meron silang nagkalat na food carts sa iba't ibang malls sa buong pilipinas, galing ang lahat ng iyon sa pinaghirapan niya at maging sa kaunting ipinamana sa kanya ng kanyang ina at mga abuela at abuelo. Tinulungan siya ng ama napalago ang kanyang negosyo at ngayon nga ay isa na iyong maliit na kumpanya." Sa presinto na muna tayo didiretso dahil may meeting tayo with Dad and other superior ! Saad ng kaibigan at pinaandar na nito ang kotse. Pagdating sa presinto ay kanya - kanya na sila ng tungo sa kanilang mga lugar para ihanda ang kanilang mga nakalap na impormasyon . Agad na rin siyang nahtungo sa conference room tapos niyang itransfer ang mga files niya sa laptop sa kanyang secret usb. ,secret usb iyon dahil mukha lamang iyon palawit sa suot niyang kwintas, pahaba ang hugis noon na tila isang tag kung saan nakaukit din ang kanyang pangalan.
Someone's p.o.v
Pagdating sa presinto ay nagkanya- kanya na muna sila ng mga kasamahan ,mamaya ay may meeting sila kasama kanilang chief of police at iba pang superior nila para pag usapan ang mga kasong hawak nila pati na rin ang inimbestigahan nilang krimen kanina lamang kung saan sy isang buong pamilya ang biktima. Makalipas ang dalawampung minuto sy kinatok siya ng isa sa mga pulis sa kanyang opisina " Sir ipinapatawag na po kayo sa conference andun na po si General at si Hepe! Ani ng isa sa mga pulis sa kanilang departamento sige susunod n ako! Saad niya dito at saka kinuha ang mga report na nakalap niya at lumabas na sa kanyang cubicle st agad na dumiretso sa kanilang conference room " Sir! Good afternoon po! Saludo niya sa kanilang hepe at maging sa PNP General na seryoso ang mga mukhang ntumingin sa kanya . Sit down detective! Saad ng kanilang Hepe ,agad naman siyang tumalima at tumabi sa mga kasamahan niya."Okay men nagpatawag ako ng meeting dahil sa nagiging very alarming na ang mga insidente ng p*****n dito sa metro manila halos sunod- sunod na ang krimen and until now wala pa rin tayong maiturong suspect sa kahit anong kasong hawak natin! The President wants us to focus in this case of serial killing here! Bago pa tuluyang lumabas sa media ang mga nangyayaring ito! This might cause chaos sa taong bayan! Maaari din itong magdala ng takot at pangamba sa mga kababayan natin at ayaw ng mahal na pangulo na umabot pa na kailangan niyang magdeklara ng martial law para lang mahuli ang kriminal ! Mahabang paglalahad ni General nakita niya ang pagkaseryoso at pagkabahala sa mukha ni chief Alonzo tumikhim muna ito bago nagsalita sa kanila. So mens any update about the cases? Seryosong tanong nito." Sir permission to speak sir! " Ani ng isa sa kanilang mga kasama. yes go ahead detective! Pagbibigay permiso dito ng kanilang Hepe. " Sir we came into a conclusion na maaaring hindi iisang tao lang ang gumagawa ng krimen , Imean it was indeed a serial killing pero po kasi wala kaming makitang connections sa mga biktima at itong last case a whole family. I also had a suspect sa last case sir! Ani nito kay hepe. " okay tell me about it ani ni hepe Sir sa last case wherein isang buong pamilya ang biktima ang suspect ko po ay ang panganay na anak ng mga biktima si Czenisa Gamboa, 24 yr.old, single a call center agent, bread winner ng pamilya ,and ayon sa mga nakalap kong impormasyon mula sa ilang kapitbahay ay nagkaroon daw ng malaking awayan ang panganay na anak at ang sumunod dito which is isa sa mga biktima. "Ayon po sa ilang kapitbahay nahuli daw po ng ina ng mga ito ang pangalawang anak na lumalabas sa isang motel somewhere kasama ang nobyo ng huli, kaya galit nagalit daw po ang ina st kapatid ng biktima dito.Ang suspect din daw po ang sumusuporta sa pag aaaral ng ikalawang kapatid. Maging sa gastusin sa loob ng kanilang bahay ay ang suspect ang nag po-provide ,ang sabi pa po ng isang kapitbahay na nag -ngangalang mando sy sa kanya daw mismo binili ng suspect ang kutsilyong ginamit sa pagpaslang sa mga biktima. "Ngunit ang sabi ng ina ng batang nakakita sa mga biktima kaninang umaga ay ,mabait responsableng anak daw ang suspect na tinutukoy mo at mapagmahal din daw ito sa pamilya, kaya ano ang maaaring dahilan para paslangin niya ang kanyang buong pamilya? At nasaan na siya sa mga oras ng krimen ,?" Tanong niya dito. Good question detective, thiugh we can consider her as a suspect but we need to investigate more deeper para malutas ang kasong ito! Ani ni General at muli ay naglabas sila ng mga ebidensiya na kanilang nakalap at maging ng mga kanilang mga sari- sariling kuro- kuro." Inabot din sila ng halos isang oras sa meeting bago ito tinapos ni general at muli itong naghabilin sakanila ,pabalik nasiya sa kanyang opisina ng magring ang cellphone sa kanyang bulsa agad niya iyong dinukot mula sa bulsa ng kanyang pantalon at nakitang si major jimenez ang tumatawag sa kanya isa rin ito sa superior nila, pero mas malapit siya dito isa rin kasi ito sa naging trainor niya noon sa training school at ito rin ang tumulong sa kanya para agad na makapasok ng trabaho pagkatapos niyang pumasa sa board exam ay agad diyang kinuha nito at ipinasok sa presinto sa mababang ranko siya noon , hanggang sa tumaas siya sa naging detective na rin sa malinis na paraan hindi siya gumamit ng khit na anong koneksiyon." Yes Major? Sagot niya sa kabilang linya " Detective Soriano,are you busy now? Tanong nito sa kanya," no! not really sir! Karatapos lang po ng meeting namin with General Jimenez and chief Alonzo! Sagot niya dito. Ganun ba? Can I ask you a favor? Tanong nito sa kabilang linya nahimigan niya ang pag aalangan nito, marahil naisip nitong bakatatanggihan niya ito. Ano po ba iyon major? Tanong niya Ahm!Kase.. I need you sana to lead my men may isang hideout sana akong gustong iparaid may report kc akong nakalap na ginagawang pot session ng ilang mga drug addict ang lugar na iyon I want you to lead the operation dahil sayo lang ako nagtitiwala alam kong tuwid ang prinsipyo mo at malinis ang iyong hangarin Ani nito sa ksnya, na touch naman siya sa tiwalang ibinibigay nito sa kanya, pero ang problema hindi siya hawak ng depertamento nito, bu-but sir paano po ang mga tao nigo ? Alangan niyang tanong dito , ayaw niyang magkaroon ng issue sa pagitan niya at sa mga taong under dito. Dont worry about my mens detective, they doesn't know anything about this isang secret informant lang ang nareport sa akin about this place na paag-aari daw ng isang mataas na tao, pero wala pang pagkakakilanlan ang taong iyon na nagmamay - ari ng lugar na iyon at isa pa hindi sa pulisya natin mo isusurrender ang mga mahuhuli niyo ,kundi sa grupo ng non government squad! Ani nito na tukoy sa kinabinilangan nitong isang non- government organization na naglalayong pumuksa ng mga kalaban ng batas na hindi mapuksa ng gobyerno ,dahil nasa gobyerno mismo ang protektor ng mga ito. Ilang beses na rin siyang inalok nito na sumali sa grupong iyon at iwan na pagiging detective niya, pero tinanggihan niya iyon dahil alam niyang mas marami siyang matutulungan na kababayan kung mananatili siya sa serbisyo sa ilalim ng gobyerno alam din naman niyang maraming mga katulad niya ang patuloy pa rin na naninilbihan sa batas kaya nais niyang manatili para makatulong pa sa iba, ngunit sa ganitong pagkakataon ay minsan pumapayag din siya lalo na kung alam naman niyang makakabawas iyon sa mga salot sa lipunan." No problem major sige po I will lead your mens isend niyo na lang po sa akin ang mga detalye at adress kung saan ito.! Sagot niya sa kausap sa kabilang linya. Agad narin siyang nag ayos ng sarili at kinuha ang kanyang mga gamit at diretsong lumabas sa kanysng opisina nakita pa niya ang mga kasamahan niya sa front desk na nakatambay at waring nagkukuwentuhan."Oh dude san ang lakad mo at parang nagmamadali ka? Tanong ni Francis sa kanya." Dude kailangan ko lang muna puntahan si Dad msybproblema daw kasi sa supplier namin kaya kailangan ako ni Dad. Pagdadahilan niya sa mga ito. Ganun ba? Tsk! Iba talaga kapag businessman eh! Biro pa sa kanya ni Franco. G*go ! sikmat niya dito ,sige na muna na ako sa inyo at nagmamadali din si Dad. Paalam niya sa mga ito. Sige dude ingat sila sayo! Pasaring ni Jared sa kanya ewan niya alam naman niya na biro lang iyon ng kaibigan, pero may iba kasi sa tono nito na hindi niya maintindihan ,iniling na lang niya ang ulo at dumiretso na palabas ng presinto ,agad siyang lumapit sa kanyang kotse st pumasok doon. Doon na rin niya tinignan ang kanyang cellphone at tinignan ang pumasok na mensahe doon galing kay Major Jimenez. Nang mabasa iyon ay agad na niyang pinatakbo ang sasakyan patungo sa sddress na sinend ni Major iilang oras din ang binyahe niya bago nakarating sa isang liblib na lugar sa may Pililla sa bayan ng Rizal naroon na ang ibang tauhan ni Major Jimenez sa secret squad nito ".
Czen's p.o.v
Hindi niya na alam kung gaano siya katagal na nanatili sa itaas ng puno ,basta nagdesisyon siyang manatili muna roon habang hindi pa nasisiguro na ligtas na siyang bumaba, halos makatulog na siya sa pagkakaupo atbpagsandal sa katawan ng puno kung hindi lang may kung anu- anong insekto ang kumagat sa kanyang katawan may higad pa ngang gumapang sa kanyang braso kaya nga kating - kati siya kanina pa ,pero pinili niyang tiisin ang lahat ng iyon para sa kaligtasan niya. mabuti at maliwanag ang bilog na buwan kaya naman naaaninag niya kahit paano ang paligid, kanina ay may narinig siyang putukan ng baril hindi siya sigurado kung mga pulis na ba iyon katulad ng narinig niya kanina sa dalawang lalaki na dumukot sa kanya Nang halos mangatog na siya malamig na hangin ay saka pa lang niya napagpasyahan na bumaba mula sa puno pilit niyang hinahapit ang kanyang blusa na halos sira na at halos hantad na ang kanyang malaking dibdib, maging ang kanyang pantalon ay punit na rin kaya naman awang - awa siya sa sarili ngunit pilit niyang pinapatatag ang sarili kailangan niyang makaligtas at makabalik sa kanyang pamilya kaya tahimik siyang umusal ng dasal na sana ay may isang anghel na ipadala ang langit para iligtas siya sa kanyang kinasasadlakang sitwasyon. Hindi niya alam kung saan siya tutungo pero minabuti niyang sundan ang daan na tinahak ng dalawang kidnapper niya dahil alam niyang papunta iyon sa kalsada ,dahil ang kabilang daan ay pabalik sa kung saang bodega siya dinala . maingat niyang tinahak ang daan ,oo gusto niyang makaalis sa lugar na iyon ,pero alam niyang kailangan pa rin niyang mag ingat dahil hindi niya labisado ang lugar isa pa masyadong mapuno at madamo ang lugar natatakot siyang baka may maengkwentro siyang ahas o mabangis na hayop kaya dahan dahan at maingat ang bawat niyang hakbang. Hanggang sa makarating siya sa dulo niyon at nakita niya ang sementadong daan na tila kalsada , nabuhayan siya ng loob ng makita ang kalsada ,ngunit agad ding nanlumo ng makitang madilim ang kahabaan ng kalsadang iyon at tila wala man lang naliligaw na sasakyan doon. Pinili niyang maging positbo kesa ang mawalan ng pag- asa kaya kahit na natatakot ay sinubukan niyang lakbayin ang kahabaan ng kalsadang iyon tanging mga naglalakihang puno lang ang makikita sa paligid ytla iyon abandonadong palayan dahil wala man lang siyang makitang kahit na munting kubo o bahay na may liwanag kaya natatakot man aypinilit parin niya ang maglakad ng mabilis, halos tmagkandarapa siya sa pagtakbo ng biglang may lumipad na malaki at maitin na ibon mula sa isang puno ,tila siya aatakehin ng ibon kaya naman agad siyang kumaripas ng takbo hanggang sa may matanaw siyang liwanag ,tila iyon ilaw na nagmumula sa headlights ng isang sasakyan . Kahit pagod na pagod na ang kanyang pakiramdam ay pinilit pa rin niya ang tumakbo para mapalapit sa. nakikita niyang liwanag dalangin niyang sana ay mabuting tao ang sakay ng sasakyang iyon masakit man ang kanyang buong katawan at tagaktak man ang pawis niya ay hindi siya tumigil sa pagtakbo ,nàkaroon siya ng pag - asa ng makitang isa ngang kotse ang pinagmulan ng liwanag na kanyang ndkita, kahit kinakabahan man ay ginawa pa rin niya ang nasa isip agad siyang gumitna sa kalsada at halos mabulag siya sa pagtama ng liwanag sa kanyang mukha.Ipinikit niya ang mga mata at hinintay ang pagtama ng kanyang katawan sa matigas na bumper ng sasakyan , ngunit sagitsit ng gulong ang narinig niya mula sa malakas na pagpreno ng sasakyan. Iminulat niya ang kanyang mga mata at nakita ang kotseng nakahinto sa kanyang harapan halos ilang dangkal ang layo sa kanya bago pa niya masilayan ang taong sakay ng sasakyan ay tuluyan ng bumigay ang kanyang katawan tila tuluyan ng naubos ang enerhiya niya sa katawan at ilang sandali lamang ay naramdaman niya ang kusang pagpikit ng kanyang mga mata at tuluyan na siyang nilamon ng kadiliman at bumagsak...........