TAHIMIK LANG na nakatuon ang atensyon ni Vienna sa unahan ng kotse habang walang imik rin si Ahmon na nagmamaneho. Tinatahak na nila ang biyahe pauwi sa apartment ni Vienna, tumigil na rin ang ulan. Habang nasa biyahe sila at tahimik lang silang dalawa at walang nagsasalita matapos ang mainit nilang tagpo sa mismong kotse na sinasakyan nilla, ay lihim na pinapagalitan ni Vienna anv sarili sa kaniyang isipan dahil napa-angkin na naman siya kay Ahmon. Tanggap niya na lasing lang siya noong una kaya nakuha ni Ahmon ang pagkabirhen niya, pero ang hindi tanggap ni Vienna ay maulit pa iyon ng dalawang beses at nasa tamang pag-iisip siya at hindi nakakainom. Naguguluhan si Vienna sa kaniyang sarili kung bakit hinayaan niya lang si Ahmon na angkinin siya sa pangatlong pagkakataon. Wala siyang na