PAGKARATING nina Vienna at ng manager niya sa venue ng photoshoot ay hindi maiwasan ang excitement ni Vienna dahil sa ganda ng lugar para sa photoshoot nila. Nasa isang lugar sila sa Laguna kung saan may magandang falls siyang nakikita na magiging highlight ng shoot nila dahil nature inspire theme ang gagawin nila. Naroon na ang mga crew ng company ni Mr. Vergara at nagpe-prepare na ng kanilang mga gagamitin. May tent narin kaya agad silang isinama ng isang staff papuntang tent upang makapag prepare narin. May sariling glam ang company ni Mr. Vergara kaya hindi na nila isinama ang sarili nilang glam team. Si Vienna palang ang sa main model ang nakarating sa venue kaya solo pa niya an tent. Nang makapasok sila sa tent ay agad ibinaba ni Harold ang gamit nila, nakita agad ni Vienna ang mag